Prologue

81.5K 567 576
                                    

"My God! Sure ka ba dyan sa gagawin mo?" Takot na bulalas sa akin ni Sue na kaibigan ko from elementary days hanggang ngayong college students na kami.

"Sure na sure." Sagot ko na napapikit at sinabayan ng mariin na tango at buntong hininga.

"Jusmiyo." Nababahalang wika nya at napapasapo sa noo.

"Support mo ako minsan Fren? Ngayon lang please?" Nakikiusap kong saad sa kaibigan. I really need to do this.

Kung hindi ngayon?

Kelan pa?

First year college pa lang in love na talaga ako kay Donny Pangilinan.

Ilang araw ko ding pinag iisipan ang gagawin ko na to.

Wala ng atrasan.

And speaking of the guy.

He was now walking on the hallway papunta sa direksyon namin. Napapagitnaan sya ng dalawa pang estudyanteng lalaki na nakikita kong kasakasama nya lagi. I know their faces and names but I dont care about them.

Lahat ng mga kababaihan ultimo kalalakihan eh napapalingon sa kanilang tatlo.

"My God Mayang! You can't do this!" Gigil na saad sa akin ni Sue at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

"I can do this!" Buo ang loob kong sagot at napapalunok pa nga at bago pa man makareak ang kaibigan eh nasa harapan na ako ni Donny.

Seeing him this close, parang tumigil ang lahat sa paligid ko at tila kami lang dalawa ang nandun.

Sa hindi nagsasalita eh nakatungong inaabot ko sa kanya ang isang linggo ko yatang ginawang love letter para sa kanya.

Medyo nangalay pa ako nun dahil hindi naman nya inaabot yong hawak ko.

Dahan dahang inangat ko ang paningin.

There.

He's staring at me.

"S-sana b-bigyan mo n-ng pagkakataong b-basahin." Kandautal kong wika.

Fortunately, inabot nya naman 'yong sulat at matapos siguro ang limang Segundo ay lakas sa loob na lumabas sa bibig ko ang salitang:

"Gusto kita."

But the next thing I knew.

Nasa makintab na floor ng hallway na 'yong sulat.

Shred into pieces.

Gimbal na napatingin ako sa kanya.

"D-donny" Ang tanging namutawi sa bibig ko.

"I don't date dumb people." Blangko ang ekspresyon nyang wika.

"It's Y-O-U-'-R-E not Y-O-U-R."

Then it happened.

He was out of my sight.

Kasabay niyon ay mga nakakainsultong tawanan sa paligid ko.

Lamunin na sana ako ng lupa Panginoon.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon