Kabanata 29

1.2M 32.2K 19K

Kabanata 29

Leave It At That

Pinakilala ako ni Eion sa lahat ng kaibigan niya noong high school. Hindi ko maalala ang mga pangalan nila dahil masyado akong preoccupied sa nangyari sa kay Elijah.

"Klare!"

Nakapag picture ako at lahat lahat na. Sa mga kakilala ko at sa mga kaibigan din ni Eion ngunit ang buong utak ko ay hawak parin ng mga impormasyong nalaman ko. Una sa lahat, nag drunk call si Elijah kay Cherry. Kailan iyon nangyari at anu ano kaya ang sinabi ni Elijah? Pangalawa ay nagkasama sila sa gym kanina. Ano kaya ang mga pinag usapan nila?

Napapikit ako. I hated myself for asking too many questions. Hindi iyon tama kasi wala naman akong karapatan. I need to just keep this to myself.

"You okay?" Tanong ni Eion sa akin.

Ngumisi ako at nag angat ng tingin.

Binigyan niya ako ng isang bote ng beer. Nanliit ako bigla. Pakiramdam ko ang pangit pangit ko ngayong gabi. Hindi naman makapal ang make up ko tulad ng gusto ni Elijah. Unique lang ang panlaban ko sa ibang may sexy'ng damit.

Dammit, Klare! Saan mo ba nakuha ang mga insecurities mo sa katawan? Hindi naman ako ganito noon.

"Klare?" Tumaas ang kilay ni Eion sa akin.

Uminom ako sa beer na binigay niya saka siya sinagot, "I'm okay."

Binalot ng trance music ang buong bar. Madalas ay 'yong mga sikat na kanta ngayon kaya halos tumalon sa saya ang mga tao. Itong kinatatayuan namin ni Eion ay sinasayawan na rin ng iba kaya pumagitna na kami sa mga taong nakacostume at sumasayaw.

"You're so..." May dinagdag pa si Eion na hindi ko narinig.

"Ha?" Sigaw ko dahil dumarami na ang tao at lumalakas na ang music.

The party is at it's peak. Wala na akong marinig kundi ang mga hiyaw ng mga naka costume. Inilapit ni Eion ang kanyang mukha sa akin para makabulong. Halos mapaatras ako dahil sa kanyang paglapit.

His voice was husky as he whispered, "You are so beautiful. Bagay sa'yo ang suot mo."

Napangiti ako. Nagkatinginan kami sa gitna ng maiingay at sumasayaw na mga tao. Napalingon ako sa gilid nang biglang sumigaw ang pinsan kong si Erin dahil mukhang na out balance ito sa pagsasayaw at umalingasaw na ang alak galing sa kanya. She's drunk.

"Ohh! Sorry!" Sabay kapit niya sa balikat naming dalawa ni Eion.

Hindi na maka focus ang kanyang mga mata at ngiting ngiti na siya. Hindi na rin maayos ang kanyang sungay.

"Erin, tumayo ka." Sabi ni Eion nang nakitang nahihirapan na ako sa pagkakasandal ni Erin sa aming dalawa.

"Oopps, sorry sa istorbo." Tumayo na agad si Erin at sumigaw habang sumasayaw kasama ang mga girl friends niya.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!