Fourteen

9 1 0
                                    

Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa daan na kami ni Andres pauwi ng Samboan. Ginising ako ng maaga ng kumag na ito na siyang ipinagtataka ko ang akala ko kasi ay magtatagal pa kami dito ng dalawang linggo pero heto't hindi pa nagsimula ang pangatlong araw ko sa siyudad ay papauwi na kami. Sa totoo lang ay nadismaya ako dahil akala ko pa naman ay magkakaroon ako ng pagkakataon na makapamasyal at makapagsimba sa pamosong simbahan dito.
Sayang, minsan na nga lang ako makapunta ng siyudad hindi pa lubos. Wala din naman akong magagawa dahil sinumpong ang mahal na hari ng sakit niyang topak.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan din itong ibinuga habang nakatingin ako sa bintana sa gilid ko. Nagsisimula ng sumikat ang araw kita ko na ang bawat bahay at puno sa gilid ng nadadaanan namin. Humikab ako ng isang beses at pinunasan ang luhang namuo sa aking mga mata gamit ang ang aking kanang kamay sinulyapan ko rin ang seryosong si Andres habang nagmamaneho. Mukhang wala parin siya sa  mood ang hirap talaga niyang pakibagayan okay pa naman siya kahapon pagkatapos niyang paalisin ang kanyang mga kaibigan and when he received a text later that night ay nagsimula na siyang magdabog kaya ang ginawa ko na lang ay iniwasan siya.

Iidlip na sana akong muli ng maramdaman ko ang pagbagal na andar ng sasakyan nilingon ko siya na may pagtataka sa mukha. Lumingon ako sa gawi niya pero ang kumag ay hindi parin namamansin, kailan nga ba ako nito pinapansin? ah tuwing wala siyang mapagbuntongan ng galit.

Tumingin ako sa harap namin ng lumiko ang sinasakyan namin papasok sa drive thru ng Mcdo hindi ako nagsalita kahit nagtataka na ako I just waited for him to talk or ask me but he never did. Hindi ko rin nilingon ang gawi niya ng magsimula na siyang mag order maybe his hungry dahil kape at tinapay lang ang agahan namin kanina.

'Naisip ko dapat rin ba akong mag order may pera din naman ako' kaya lumingon ako sa kanya pero bago pa bumuka ang bibig ko ay umabante na ang sasakyan. Tinikom ko na lang ang bibig at ngumiwi.

Inabot niya ang apat na supot mula sa binta at inabot sa akin lahat hindi ako prepared kaya kinandong ko na lang ang mga ito. Nahagip pa ng aking mga mata ang celfone kong naka higa parin sa dash board tumiim ang tingin ko dito dahil noong isang araw na sumakay ako sa sasakyan na ito upang makipag kita sa kaibigan niya na gagawa sa wedding gown ko ay hindi ko naman ito nakita akala ko nga ay itinapon na niya ito.

"Eat and stop looking at that fone dahil kung anuman ang iniisip mo tungkol diyan ay baka gawin ko" mind reader huh?! Instead of firing him back with harsh words ay ginawa ko na lang ang gusto niya. I open the paper bag and pick the first thing that my hand touch, it was a burger.

Binuksan ko ito at itinapat sa kanya alam kong nagtaka siya dahil tumaas ang kanyang kanang kilay pero walang siyang binitawan na salita at kumagat. See, his hungry kahit hindi pa ako gutom ay nagbukas rin ako ng isa pa para sa akin dahil natakam ako sa amoy ng pagkain. Salitan ang ginawa ko hanggang sa maubos namin ang laman ng mga supot.

Hindi ko man gusto ang tulogan siya habang nagbabyahe kami ay hindi ko napigilan ang pumikit dahil inaantok na ako. Naliliyo kasi ako sa katitingin sa mga nadadaanan namin total hindi naman siya nagsasalita at masyadong tahimik dahil walang music sa loob ng sasakayan ay tuluyan na akong nakatulog.

Napabalikwas ako sa aking kinauupoan ng umuga ng malakas ang aming sasakyan.
"Uh, nauntog ka ba?" malumanay ang kanyang boses.
Umiling ako at lumingon sa bintana nakita ko ang maalikabok na daan dahil sa nakapilang mga sasakyan na salitang dumadaan nirerepair na pala ang kabilang bahagi ng daan mabuti naman. Hindi naman mabagal ang aming pag-usad dahil maya-maya lang ay nakaalis na kami sa malupang daanan.

Nawala na ang antok ko ng makita ko na ang naglalakihang mga puno sa gilid, ang luntiang kapatagan, ang nagpapataasang mga bundok at ang bughaw na karagatan ang lugar kung saan ako ay talagang nararapat. Sa probinsya.
Siguro ay tadhana ko na ang mamalagi dito ang mabuhay at mamatay sa lugar na ito. Akala ko noon kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral ay magkakaroon na ako ng pagkakataon na maglakbay sa mga lugar na gusto ko. Tumira sa lugar na gusto at makalaya. Pero heto ako at bumabalik parin.

Untie Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon