CHAPTER 10 - Si Mark sa loob ng Freezer

Comincia dall'inizio
                                    

Ang nakaitim na killer ay walang iba kundi si Reeza, dahil sa ang suot nito ngayon ay maaaring ang pang ilalim na damit niya kanina.

At tama!, tinawag siya ng isang babae sa pangalan na Reeza.

"So! Shya ang mamamatay tao?! Bakit kaya?!" pagtataka niyang wika.

Binuksan ng taong iyon ang Freezer.

At laking gulat ni Mark sa nakita, natutup niya ang bibig, at pigil-pigil nito ang pagsuka.

Binuhat ng taong iyon ang katawan ni Shane, mula sa Freezer na iyon, at inilagay sa mahabang Lamesa, na katabi lang ng sala.

Hindi na mapigilan ni Mark ang sarili,

Awang-awa siya sa ginawa nilang pagpatay kay Shane.

"Aa-aanhin nila ang katawan ng tao?, kumakain ba sila ng tao! Ibig sabihin! Kampon sila ni Satanas?"

hanggang sa may makapa ito.

Palagay niya'y Icepick, o screw driver.

Lalaban siya! 'Yun ang binubutaktak ng kanyang isipan.

At tuluyan siyang lumabas roon.

Hawak-hawak ang Icepick na nakatutuk sa nakatalikod na babae.

Pero nakaramdam ang babae at agad humarap.

"Ooh!, Mark! Ikaw ba 'yan?! I miss you!," nagulat pa ito at garagal ang boses nito.

Mark: "Punyeta ka! Mamamatay tao!, Anong ginawa mo jan kay Shane?! At kay Ian!" galit niyang wika.

Reeza: "Hahaha! Sa wakas alam mo na rin noh! Oo Isa akong killer, at papatayn ko kayong lahat!" ganti niya kay Mark.

Mark: "Hindi mo na magagawa iyon! Dahil uunain muna kita!,"

at kaagad sumugod si Mark.

Binigwasan niya si Reeza gamet ang Icepick na iyon.

Pero nailagan ng babae.

Muli niyang isinunggab patagilid pero nasangga nya ito.

At nag-agawan sila sa Icepick na iyon.

Hindi akalain ni Mark na ganito kalakas ang babaeng ito.

Wari'y sinasapihan ng demonyo.

Nagbuno silang dalawa.

At bigla na lang nawalan ng malay si Mark nang mabasag sa kanyang Ulo ang isang flower Vase.

Ipinalo sa kaniya ng isang babae.

Pero bago mawalan ng malay si Mark, ay naibulsa muna niya ang Icepick na iyon.

at 'di naman iyon napansin ni Reeza dahil nagkatitigan sila ng kanyang Tiyahen.

Bunuhat nila si Mark, at inilagay sa Mahabang Freezer.

Inadjust ang cold ng Freezer, esenet nila sa pinakaminimmum upang manatili pa ring buhay si Mark.

At inilock nila iyon upang 'di niya mabuksan.

*-*

Nagising si Trisha ulit, at magkatabi pa din sila ni Hector na nakahiga sa kamang iyon, habang naka-akbay ng mahigpit ang braso nito sa kanyang dibdib.

napa-isip siya sa mga nangyari.

Alam niyang hindi panaginip ang lahat ng natuklasan niya.

ngunit nagtataka siya kung bakit nandito pa din siya sa tabi ni Hector.

"kung mamamatay tao ito?! Bat niya pa ako ibinalik ng matiwasay rito matapos kung matuklasan ang lahat," pagtataka niyang tanong.

"At sino naman ang nakita kung nakaitim kanina?"

PAMILYA DE KANIBALDove le storie prendono vita. Scoprilo ora