PART 36

6.4K 227 100

JHOANA POV

Nagising ako sa yugyug ni Maki, dahil may pasok na naman. Monday na pala ngayon, bakit ang bilis ng panahon? Sana ganon din kabilis mawala ang sakit dito sa puso ko, kahit siguro isang drum na tequila ang inomin ko sakit sa ulo lang din ang dulot nito, kasi kahit anong inom ko ang sakit sa puso ko andito parin.

Gabi gabi kasi talaga ako umiinom, simula nong pilit kong kinausap si Bea sa parking lot ng building at tinaboy lang ako, di ko kinaya ang mga salita nya, masyadong baon sa puso ang sakit.

Kaya naging routine ko na ang Papasok sa umaga na sobrang sakit ng ulo dala ng hangover, pasuray suray na maglakad papuntang cubicle ko habang inaalalayan ni Maki tapos pilit ginagawa ang trabaho at paguwian na yayain ko ulit si Kian na magiinom, goodthing hindi ako tinatangihan ni Kian at sinasamahan ako hanggang sa magising nalang ako na nasa apartment na ako.

Its been 3 days simula noong treat ni Maki sa Yakiniku, kasama si Bea at ang Baby girl daw nya. Holding hands while following us? Bakit sya ganon? Kinulong nya ako sa cubicle at sabihin na nagseselos sya tapos makikita ko na magkaholding hands sila? Tss. Ganon ba sya ka habulin at ang mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya?

Bilis maka move on, How to be you po?

"Jhoanaaaa sige na, bumangon kana jan 6:15 na, maliligo ka pa. Mamaya nyan pupunta na dito si Kian" sabi ni Maki at binuksan ang blinds sa kwarto.

"Maki magreresign na ako, di ko na kaya." walang gana kong sabi.

"Ano?! Pinangarap natin ang kompanyang yon, tapos na broken hearted ka mag reresign ka lang? Jhoana pwede ka namang mag move on nalang, wag mo idamay ang future mo." sabi sa akin ni Maki at naramdaman kong umupo ito sa kama ko.

Bumangon ako at humarap sa kanya, humarap na umiiyak na naman. Parang routine nalang din ang pag iyak ko.

"Bes di ko na kaya ang sakit, mababaliw na ako kakaisip sa kanya, tapos lagi ko pa syang nakikita." sabi ko habang umiiyak sa harapan ng bestfriend ko.

Niyakap ako ni Maki, para mapatahan ako.

"feeling ko ang dumi ko sa paningin nya tuwing tinitingnan nya ako." sabi ko at humikbi na talaga.

"Shh. . Hindi ka madumi alam natin yon, hindi ka Malandi at Malibog gaya ng panghuhusga nya sayo, Naabuso ka lang  noong wala kang malay." sabi ni Maki at hinaplos ang buhok ko.

Malaki ang pasasalamat ko na may Maki at Kian na umaalay sa akin araw araw, at Ate Ella naman sa opisina.

"Sige lang iiyak mo lahat ng sakit hanggang sa mapagod ka, pag napagod ka pwede ka namang tumigil eh, magpahinga ka. Pag wala na talaga fomorward ka harapin mo sya araw araw, wag mong idown ang sarili mo dahil alam natin na hindi ikaw ang nagkamali." sabi ni Maki at humiwalay sa yakap, hindi ako nagsalita at umiiyak lang.

"Kaya kahit ano man ang tingin nya sayo, alam naman namin na hindi ka ganon dahil makikita namin na gaano mo sya kamahal." sabi ni Maki, pinatayo nya ako.

"Kaya sige na maligo kana, para makakain ka tapos inumin mo ang gamot alam kong may hangover ka na naman, baka maabotan ka ni Kian, lagot ka." sabi ni Maki kaya kahit papano napangiti ako matapos kong umiyak.

Pumasok na ako kahit sobrang bigat ng ulo ko at naligo, pagkatapos ko lahat lahat ay bumaba na ako at naabutan ko si Kian na nasa dining na.

Si Kian dito na yan nagbebreakfast at sya na din ang naghahatid sundo na amin ni Maki, minsan ako lang kasi si Maki di naman sumasabay pag uwian.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Read this story for FREE!