"Good Morning Panda! Lika na lets eat, gutom na ako tagal mo eh." sabi nya at nag pout, kaya napangiti nalang ako habang nailing.

Umupo na ako at nag simula na ring kumain.

"Girls may gagawin ba kayo tonight?" tanong ni Kian at sumubo ng tocino.

"May pupuntahan kami ni Ate Ells eh, birthday kasi ni Raffy boy tapos naka Oo na kami. Ewan ko lang dito kay Jhoana." sagot naman ni Maki.

"of course Bar!" sabi ko at sumubo ulit.

"sige kami nalang muna ni Panda, kaya absent ka muna sa attendance ng bar mo tonight at sasama ka sa akin." sabi nya at tumingin sa akin, nagtataka ako kung saan nya ako dadalhin.

"saan ba kasi pupunta?" tanong ko at ininom na ang kape ko.

"Birthday ni Ennajie, wala namang dresscode kaya pwede kung anong suotin mo, kung di ka kumportable pwede naman tayo mag shopping bago tayo pumunta." sabi nya kaya tumango tango nalang ako.

Ennajie bestfriend nila Bea yun, panigurado nandoon din yun mamaya. Kaya bumuntong hininga nalang ako sa naisip ko, magkikita ulit at may possibleng mangyari.


Mangyaring selosan.

"Alam ko yang nasa isip mo, kaya wag mo na isipin yan at kumain kana, besides kasama mo naman ako mamaya. Si Giraffe ang bahala sa yo." sabi nya sa akin at sumubo nang Spam na lubog sa ketchup.

Spam na lubog sa ketchup. Kahit one month mahigit ko nang nakikita kay Kian yan, I always remember my Beatriz doing the same. 😔

Natapos na kami sa lahat, at hinatid na kami ni Kian sa office, nauna ng bumaba si Maki at nauna na rin siyang pumasok kaya naiwan pa ako ngayon dito sa harap ni Kian dahil pinag binuksan nya ako ng pinto.

"thank you giraffe, sa everyday." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"dont mention it, bestfriend duties lang. So? Susunduin kita mamaya okay?" sabi nya at hinalikan ako sa noo.

Napapikit ako noong dumampi ang labi nya sa noo ko, just like my Beatriz who always do this to me. Sobrang nasanay ang sistema ko kay Beatriz, kaya lahat nalang na ginawa ni Kian na pareho sa ginagawa nya sa akin kay mas naalala ko lang sya. Sad to say, dati yun.

Nagpaalam na ako sa kanya at ganon din sya, pumasok na ako sa loob at sumakay na sa elevator. Pumikit muna ako dahil masakit parin ang ulo ko, alam kong may pumasok dahil hindi pa into umandar pataas.

That scent. Ano ba yan, pati ba naman dito? Si Beatriz parin? Nagsimula ng umangat ang elevator, still nakapikit parin ako.

"I saw that forehead kiss, that should be me doing it to you." malungkot na sabi nito, kaya napadilat ako at nakita kong si Beatriz pala talaga ang kasama ko sa elevator ngayon na nakatingin sa akin ng malungkot.

Malungkot sya? Diba tinaboy nya ako sa panahong hinabol ko sya, tumigil lang naman ako kakasuyo sa kanya kahit wala pang buwan simula noong nakipag break sya sa akin, ang sakit sa puso na paulit ulit kang tawaging Malandi at Malibog.

Stuck at the elevator with your Ex. nice!

Hindi ko sya sinagot, instead ngumiti lang ako ng tipid, ayokong umabot na naman kami sa point na huhusgahan  nya ako. Ulit.

Nagting ang elevator sinyales na nakarating na kami sa floor namin, nauna na akong maglakad sa kanya at alam ko na nakasunod lang sya sa akin.

Nakarating ako sa cubicle ko na hindi sya nilingon nor tiningnan na I know na hinihintay lang din nya na tumingin ako sa kanya.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon