-------------------

Sara's Point of View

"So? Ano na ang gusto mong gawin ngayon?" I asked her. Kasama ko si Ynna ngayon. Actually, for the past few days, siya ang kasama ko halos.

"Gusto mo sa bahay muna tayo? I'll bake." She said. 

"Are you sure? Baka mapagod ka."

She laughed, "Alam mo, Sara, para kang si Cy. I know that in the end, i'm dying, so please stop reminding me. Just let me live normally."

"Pero--"

"I already accepted it. I'm just living my life to the fullest. I know i'm being selfish but i don't give a damn. Inagaw ko si Cy, i know. But i really love him and it sucks."

Tumahimik na lang ako. Simula ng nalaman ko yung condition niya, i've been like Cy. I want to make her happy. Siguro kagaya lang din ng reason ni Cyriel. Para at least kapag nalaman ni Dana, mababawasan ang guilt dahil Ynna's happy. Ang swerte mo, Dana, ang daming nagmamahal sa'yo.

-----------------

Ynna's Point of View

"Tara sa kitchen, i'll teach you how to bake."

Pumunta kami ni Sara sa kitchen. Pinaupo ko muna siya tapos kumuha ako ng materials and ingredients na gagamitin namin sa pagbbake. 

Ang selfish ko ba? Una, kinuha ko si Cyriel, ngayon naman, si Sara. Sa tingin niyo siguro oo, pero para sa akin, hindi pa. Kulang pa. Buong buhay ko yung sinira, pati kapatid ko na wala namang kinalaman sa gulo namin, dinamay niya. Now tell me, ako pa rin ba ang masama? Masama bang gustuhing sumaya despite the fact na alam mong may sakit ka?

"Game na?" I asked Sara with a smile. I want her to be my friend.

"Sure."

Then we started baking. I honestly enjoy Sara's company. Isa sa mga dahilan kung bakit galit ako kay Dana besides the fact na siya ang gusto ni Cyriel ay si Sara. Being a governor's daughter sure has its perks, pero may disadvantages din. Friends. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng kaibigan ko o kaya lang nila ako kinakaibigan dahil sa influence ng parents ko. Pero si Sara? She's a good friend. I've seen how she defended Dana nung mga panahon na inaaway ko si Dana. That's one reason kung bakit naiiinggit ako kay Dana, she has Sara. And i've been yearning for a friend for so long. At ngayon na binigyan ako ng chance? I won't waste it. Kahit na alam ko na kaya niya lang ako sinasamahan ay dahil naaawa siya sa akin, i'll make the most out of this. I'll show her that i can be her friend. A better friend.

"There you go, may chocolate cake na tayo." I cheerfully said.

"Wow. Ang dali lang palang gawin nun eh." She said while smiling.

"Oo naman, next time punta ka dito, gawa naman tayo ng chiffon."

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!