*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

38th Chapter

367K 6.2K 952

Chapter 37.5

"Bora o Galera?" 

Nag uusap kami ngayon nila Nof at Kim kung saan kami pupunta sa sembreak. Malapit na kaya, almost one month na lang ang pasukan. Mabuti ng magplano ng maaga.

"Galera na lang," sabi ni Kim, "May rest house kami dun para libre na lang ang accomodation natin."

"Bora na lang, may rest house kami dun. Libre accomodation pati pagkain." Sabi naman ni Nof.

"Galera. Pati drinks libre ko."

Oh-kay? Eto na naman sila. Nagpapayamanan. 

"Chill lang, girls. Wala namang competition dito, alright?" I said tapos pumagitna ako sa dalawa.

"Hindi naman kami nag aaway eh, ganito lang talaga kaming mag usap ni Nof," paliwanang ni Kim, "So, DK, Galera na tayo?" Then she smiled.

"Fine. Galera it is.Teka lang, nakita niyo ba si Sara?" Tinanong ko sila. Nung isang araw ko pa hindi nakikita si Sara eh.

"Hindi eh. Pero kahapon nakita ko siya kasama si Ynna sa mall."

Ynna?

Sara?

Mall?

What?!

"Kim, are you serious? Nag malling silang dalawa?!" I almost shouted. Si Sara, sinamahan si Ynna sa mall? Is she nuts?!

"Yep. Si Sara yun. Ewan ko, gusto ko sana silang lapitan kaya lang nagmamadali din ako."

Ano'ng meron sa mga tao?

"Come to think of it, DK, nakita ko din sila the other day. Hindi ko lang sinabi sa'yo kasi baka hindi naman sila. For all i know, wala naman sa speaking terms si Sara at Ynna kaya inisip ko na baka nagkamali lang ako ng tingin. Pero sa sinasabi ni Kim, baka nga sila yung nakita ko sa coffee shop nung isang araw."

Wait lang. Nung una, nakita sila sa mall, ngayon naman, sa coffee shop? Ano sa susunod? Sa salon naman? Ano sila? Mag best friend?!!

"Dk, san ka pupunta?" Tanong ni Nof.

"Kay Sara? Sa bahay? Ewan. Naiinis ako." I said then i stormed out the room.

Haaaay. Akala ko pa naman magiging okay na ang lahat kasi tapos na ang midterms, tinigilan na ako ni Cy, thank God, at okay naman kami ni Andy. Then this? Nagiging close si Sara at Ynna? May conspiracy bang nangyayari? The hell!

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!