Kabanata 28

1.2M 29.6K 35.9K

Kabanata 28

Drunk Call

Natataranta akong kinaladkad nina Erin at Chanel pagkatapos ng araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit may malalaking bagahe sa sala. Naroon din si Claudette na kumakain lang ng cake sa harap ng TV.

"Oh my God! Hindi ko namalayang mamayang gabi na iyon!" Sigaw ni Erin pagkatapos niya akong higitin galing sa kwarto.

Nakapajama pa ako at inaantok pa. Iyon ang masaya sa sembreak. Enroled na rin kami ni Elijah kahapon. Pahirapan at kailangan naming maghiwalay dahil ibang year na naman kasi siya. First year lang ako at 2nd year naman siya kaya hindi kami gaanong nagkasama habang ginagawa iyon.

Tinext din ako ni Eion tungkol sa nangyari at nag apologize siya sa inasta niya. Okay lang naman iyon. Ang importante ay hindi sila tuluyang nagkagulo noong Pierre na 'yon.

Wala rin namang gaanong nag tanong kung saan ako nagpunta. Syempre, siguro nang nakita nilang wala ako at wala rin si Elijah, inisip na nilang itinakas na niya ako para protektahan sa away ng dalawa.

Binusisi ni Erin ang bawat bagahe sa harapan ko. Nagulat ako nang nakakita ako ng panty na may malalaking lace. Para saan ba ito? Hindi ko alam. Maraming iba't-ibang colors na damit. Costumes.

"Eto!" Sigaw ni Chanel habang tumatawa sabay pakita sa isang costume ng witch.

"Harry Potter!" Sigaw ni Claudette.

Ngumiwi si Chanel at Erin sa sigaw ni Claudette. Nagpatuloy sila sa paghahanap ng costume.

"Mamaya na ang Halloween Party?" Tanong ko kahit obvious na.

October 31 na ngayon kaya malamang nga ay ngayon ang party. Inirapan na lang ako ni Erin at mas lalo pang hinukay ang mga costume.

"Saan niyo ba ito nakuha?" Tanong ko sabay busisi na rin sa mga costume.

Ano naman kaya ang susuotin ko? Hindi ko alam. Mukha namang hindi natataranta si Claudette na ngayon ay titig na titig sa TV namin.

"Ate, I will be a tiger for this year's Halloween!" Nag roar si Charles habang sinusuot ang kanyang tiger costume.

Ang alam ko, may pupuntahang party din sina mommy at daddy mamaya. Isasama nila si Charles. Isa kasi sina daddy at ang mga tito ko sa member ng organization na iyon kaya dadalo sila.

"Aww, ang cute cute mo Charles." Sabi ni Claudette habang tumatakbo ang kapatid ko sa sala at umaaktong tiger.

Natigil si Charles at matalim na tinitigan si Claudette. "I'm not cute. I'm gwapo!" Giit niya.

"You should learn to stop speaking english, Charles. Mas gusto ng girls 'yong mga hindi engliserong boys. We find it gay if you speak in english!" Singit ni Erin.

"Kuya Elijah speaks english but Ate Klare still likes him. What's wrong with that?"

Nalaglag ang panga ko at nagkunwaring naghalungkat pa ng mga damit kahit wala na akong naintindihan sa mga hinahalungkat ko. Napansin ko rin sa gilid ng mga mata ko ang paglingon ni Claudette sa akin.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!