Chapter 1

55K 399 33
                                    

-marga-

Hmmm.. Nakakasilaw.. Ano ba naman si Yaya Malou? Sabi na'ng wag bubuksan ang bintana pag tulog pa ako e! Ang hirap tuloy magdilat ng mata.

ARAY. Ang sakit ng katawan ko ah. Ano bang nangyari sakin? Tumalikod ako para di na ako masilaw dun sa liwanag. Pagdilat ko ng mata ko, tumambad sakin ang hubad na likod ng isang lalaking katabi ko sa kama.

Teka! Bakit nakahubad din ako??

SHIT!

-flashback-

"Marga! Hinay hinay lang!" awat sakin ni Selene. Nandito kami sa isang Bar na malayo sa university namin. Ayoko kasing may makakita sakin, na kilala ako, na naglalasing. Siguradong masisira ang reputasyon ko sa university. Si Marga-maganda, sexy, mayaman, matalino at talented- naglalasing dahil sa isang siraulo at walang kwentang lalaki?! NO!!! Hindi pwede un!!

"Oo nga sis. Wag mong gawing tubig yang Tequilla." sabi naman ni Lexi. Tss. Nakakainis tong 2 kaibigan ko. Sabi na kasing wag na akong samahan sa paglalasing ko e. Nagpumilit pa rin silang sumama.

"Psssshhhhh. Bakit? Parang tubig lang naman talaga to a. Ni hindi nga ako nalalashing e.*sinok*" pagpapalusot ko. Pero ang totoo nahihilo na ako.

"Tss. Yan ba ang hindi lasing Marga?" hirit ulit ni Selene.

"Hindi nga shabe ako lashing e!!" sigaw ko sakanya tapos tinignan ko sya ng masama.

"Marga... Tama na kasi. Look at yourself, masyado mo ng napabayaan ang sarili mo. Promise sis, mukha ka ng losyang!" pang aasar pa ni Lexi kaya pati sya tinignan ko ng masama.

"Lexi's right, pinsan. Makakalimutan mo rin ung---"

"HEP HEP! Ishtop right there Shelene! Wag na wag mong mababanggit ung pangalan nung g*gong un!!" pigil ko kay Selene. Ayoko ng madagdagan ang kabadtripan ko ngayong araw na to! Mabuti na lang talaga naisipan kong uminom. Kahit papano lutang ang isip ko ngayon. Hayst. Pero bakit ganon?? Ramdam ko pa rin ung sakit. Lechugas!! Ang kapal ng mukha ng lalaking un! Hindi kasi ako pumayag na may mangyari samin. Gusto ko kasi saka ko na ibibigay sakanya ung virginity ko pagkasal na kami. Sabi nya okay lang daw. Pero yun pala!! Grrrrr! Nahuli ko sila ng malanding babaeng un sa kama nya! Caught in the act ang mga hinayupak!!

"Marga, tara iuuwi ka na namin." putol ng protective kong pinsan na si Selene sa pag eemote ko.

"Pinshan naman.*sinok* Hayaan mo muna ako. Ngayon lang to plish." sabi ko sabay tayo.

"O sis, saan ka pupunta?" awat naman sakin ng friend ko since birth na si Lexi.

"You ishtay there shis. Okay? Mag CR lang ako. Babalik ako agad.." Naglakad ako ng mabilis kahit pagewang gewang na ung lakad ko dahil sa hilo. Baka kasi abutan ako nung dalawang makulit na un. Buti na lang maraming tao. Umiikot na ung paningon ko talaga. Nakailang bote na ba ako ng Tequilla at Margarita? Shhhooos.

Nasa tapat na ako ng CR nung may 2 lalaki na lumapit sakin sabay nun ang muntikan ko ng pagbagsak. Na out of balance ako.

"Miss, okay ka lang?" sabi nung lalaking tumulong sakin para di tuluyang bumagsak sa sahig. Nakahawak sya sa bewang ko kaya nakadikit ung katawan ko sa katawan nya.

"Don't touch mey!!" sabi ko sabay tulak sakanya papalayo.

"Wow! Ang suplada! Ikaw na nga ang tinulungan e!"sabi nung lalaking kasama nya.

"Oo nga miss. Grabe ka. Di ka man lang nagthank you. Comeon drink with us." pangongonsensya nung lalaki tapos lumapit ulit sya sakin at hinawakan nya ulit ako sa bewang. Grabe! Ang lalakas ng loob ng mga PANGET na to!! Nakakairita! Pero dahil lasing na nga ako, wala na akong lakas itulak sya ulit.

"Lumayo kayo shakin!! Di ako shumashama sha mga FANGET!" sigaw ko.

"Aba!! Pasalamat ka maganda ka saka mabango ka. Hmmm.. Kundi. Hmmm.." sabi nung lalaking kasama nung nakahawak sakin. Tapos nilapit nya ung mukha nya sa leeg ko. Nandito kami sa tapat ng CR kaya walang tao dito. Di ako makapalag mula sa pagkakahawak nya sa bewang ko. Grabe. Nanghihina na ako.

"Pare, bitawan mo ang girlfriend ko." sabi nung lalaki mula sa likod namin. Paglingon ko nakita ko ang isang lalaki. Alam kong hindi si Martin un. Kahit lasing kasi ako alam ko ung timbre ng boses ng mahal ko. Hindi ko makita ung mukha nya pero pakiramdam ko mas safe ako sakanya kesa sa dalawang fanget na to!

"Wesley? Sorry pare. Hindi namin alam." sabi nung lalaking nakahawak sa bewang ko. Tapos agad silang umalis.

Paglingon ko, nakita kong nakatalikod na rin ung lalaki at papaalis na.

-end of flashback-

Sya ba ung lalaking tumulong sakin kagabi?? Shit! Bakit kami magkasama? Bakit kami nakahubad?? May nangyari ba samin?? Shit! Hindi pwede un!! Lechugas naman. Bakit kasi wala akong maalala?? Ung imahe na lang nya na nakatalikod ang huli kong naaalala.

Agad agad akong tumayo at nagsuot ng damit. Binilisan ko ung kilos ko kahit pa masakit ung katawan ko at masakit ang ulo ko. Ayokong maabutan nya pa ako dito pagkagising nya!

Tapos dali dali akong lumabas sa pinto, pero bago ako tuluyang makalabas, tinignan ko muna ung itsura nya.

Ang gwapo! Mas gwapo pa to sa galunggong kong boyfriend! Pero parang familiar ung mukha nya. Parang nakita ko na sya sa kung saan. Imposible namang schoolmate ko sya kasi sa isang exclusive for girls school ako nag aaral. Nag aaral ba sya malapit sa school namin? Shit! Sumasakit na ulo ko kakaisip!

Habang tinitignan ko sya at nag iisip ako, nakita kong parang naalimpungatan sya kaya dali dali akong lumabas ng pinto.

Pagkasakay ko ng taxi, napaisip na naman ako. Sino nga kaya sya? Tsss. Hayaan na nga. Di ko naman na sya makikita ulit e.

Pero shit lang! Nakuha nya ang Virginity ko!

==========

New story!:))

Thanks sa pagbabasa!ö

The Guy Who Stole My VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon