Mahal Mo Pa Ba Ako?

4.8K 123 29
                                    

One Shot ( BxB )

***

"Mahal mo na ba ako?"

Tang**a! Buong buhay ko, hindi pumasok sa isip ko ang mag-asawa ng kapwa ko lalaki.

Sadyang baliw lang talaga ang mga magulang namin at ipinakasal kaming dalawa ng wala sa oras.

"Mahal mo na ba ako?"

Shit! Paano na ang gabi ko kung s'ya din lang ang aking magiging katabi? Shit ulit! Ni hindi ko nga alam kung bottom s'ya, e. Pero payag kaya s'ya mag pa-bottom?

Dalawang buwan narin akong tigang kang-ina, dalawang buwan na akong nagtitiis sa kan'ya. Huta! Ayoko namang mag-patira.

At ang hayop, feel na feel naman maging asawa ko. Tuwing gigising ako ng maaga nakahanda na ang breakfast, coffee at pati panligo ko.

Huta, nanay na nanay ang nais.

"Hinanda ko na yung uniform mo pangpasok," sabi n'ya saka s'ya umupo at nag umpisang kumain.

"Sinabi ko bang asikasuhin mo ako?" Sigaw ko sa kan'ya, ngunit patuloy lang sya sa pag-kain.

"Hoy gago, hindi porque inaasikaso mo ako, e. mamahalin na kita. . Tangina! Pareho lang tayong may bayag kaya gamitin mo 'yang sa'yo!" Pahabol ko sa kan'ya. Humigop muna s'ya ng kape saka s'ya umalis ng parang wala lang.

Halos araw-araw gan'yan ko sya tratuhin, siguro nasanay nalang s'ya at para sa kanya basic nalang ang lahat.

"Mahal mo na ba ako?"

Kahit kailan hindi ko pinangarap ang ganitong buhay, ang maging asawa sya? Shit! 'di pa ako baliw.

"Good morning, kain ka na, nakahanda narin ang panligo mo," sabi n'ya nang nakangiti sa 'kin.

Hinampas ko ang lamesa gamit ang dalawa kong kamay dahilan para matapon ang kapeng tinimpla n'ya para sa 'kin.

"Hanggang kailan ka magiging ganito ha? Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba nadidiri sa sitwasyong 'to?" Tumayo s'ya, saka s'ya diretsong tumingin sa 'kin at nginitian ako ng bahagya.

"Mauna na ako sa school, bilisan mong kumilos, mala-late ka na." Sabi n'ya saka s'ya umalis at iniwan na naman akong naiinis.

Araw-araw ganyan sya, talagang gina-gampanan nya ang pagiging isang may asawa.

Samantalang ako sukang-suka na.

"Lasing na lasing ka kagabi, buti nalang tinawagan ako ni Sam para sunduin ka,"  sinamaan ko s'ya nang tingin habang s'ya naka-half smile sa 'kin.

"Bakit? Sinabi ko bang sunduin mo ako?" galit na wika ko, saka ko kinain yong breakfast na inihanda n'ya sa 'kin.

"Hindi, pero kahit hindi mo sabihin gagawin ko parin ......

Dahil asawa kita." Saka s'ya agad umalis papuntang school.

Nahampas ko naman ang mesa nang marinig ko 'yon mula sa kan'ya.

Bakit ba ang bait n'ya?

Bakit pa ba n'ya gustong ituloy 'to?

Mahal Mo Pa Ba Ako? (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon