Justifying Arranged Marriage plots

8.8K 192 93

Related sa previous chapter on logic:

I always ask my writing students to JUSTIFY any arranged marriage plotline. Bakit? Sa totoo lang, ang batas natin ay pino-protektahan tayo from "arranged marriages" o ang pagpapakasal na walang consent ng mga ikakasal.

For example, para ikasal: Kailangan ng marriage license. Kailangan mag-seminar sa DSWD at DOH (tig half-day yan). Kailangan physically present sa city hall para i-fill up ang marriage license at dapat walang mali at erasure. (Pwede ma-invalidate ang form kung may mali) Kung church wedding o religious ceremony, dapat member ka ng simbahan at least several months or a year, at may announcement at least one month before the wedding na ikakasal kayo. Dapat kukuha sa NSO ng "Certificate of No Marriage" (para patunayang hindi ka kasal sa iba). Depende sa age, kailangan ng parental consent o parental advice. Ang marriage license nag-eexpire. Ilang months lang, tapos kailangang ulitin lahat.

So tinatanong ko sa mga nasa writing class ko: Paano mangyayari ang arranged marriage kung ganito ang batas? Paano mangyayari ito kung napakadaling hindi ikasal? Typo lang sa marriage license form. Wag lang umattend ng seminar. Mag-abroad lang at wag bumalik, ipag-expire lang ang marriage license, in case umabot sa point na may license na.

Sorry kung KJ, pero totoo lang ito. Sasabihin ko though na pwede pa rin naman ang plot na ito. Kahit ako may naiisip na justification. Creativity lang ang kailangan.

At bago mainis sa akin, sasabihin ko lang: Dapat maging happy tayo na mahirap magpakasal sa Pilipinas. Mas nakakalungkot ang mga kwento ng mga kinakasal para sa pera, para gawing alipin, para pahirapan. Karapatan mo ito bilang citizen ng bansa natin na hindi ka maaaring ikasal sa taong hindi mo gusto...UNLESS PUMAYAG KA. (Ayan ha clue na yan.)

Publishing and Self-publishing: Advice for WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon