Prologue

142 15 1
                                                  

Ito na po ang edited and revised version. Gaya ng sinabi ko noon: I have had changed some things in the story pero all in all po ay andito pa rin ang mga scenes na sinulat at nabasa niyo na. You may find some new or removed characters. Some of their names are changed. Also, some of the chapters were arranged differently for the story to arrive at a desired conclusion and/or to satisfy the author's revised plot.

The following characters names are changed:

Felix to Alexis
Albert to Winston

© HELP, NALULUNOD AKO!

All Rights Reserved



PROLOGUE

3 years ago. . .

"Jezz, 'wag ka ng malungkot. Hindi naman kita makakalimutan, e," pag-alo ni Claire sa kaibigan.

Wala kasi siyang magagawa sa desisyon ng Mama at Papa niya. Aalis pa rin sila kahit na ano ang sabihin niya sa mga ito.

Matagal na palang plano ng mga ito ang paglipat sa States.

Nalulungkot siya kasi maiiwanan niya ang lugar na nakasanayan na niya; ang mga tao, ang mga classmate niya, lalong-lalo na ang kanyang matalik na kaibigan.

Pinilit niyang hwag isipin ang isa pang taong ikinakasakit ng kalooban niyang iwan.

Tumingin sa malayo si Jezzie. Alam niyang ayaw nitong maging selfish para sa kanya. Tumingin ito sa kanya. "Babalik ka, ha? Ipangako mo 'yan..."

Ngumiti si Claire Anne sa matalik na kaibigan. Ganoon din si Jezz, lumabas ang biloy nito sa kaliwang pisngi. Pero may luha sa mata nito. She blinked them back.

"Babalik ako, pangako 'yan," aniya at niyakap ng mahigpit ang kaibigan. Impit siyang napaiyak. Paalis na sila samakalawa.

Itinaon lang ng mga magulang niya sa sem break nila. Naisip niya si Thrace. Sana, sana matanggap na nito ang pag-alis niya. Masakit kasing makita na nasasaktan ang mga mahal mong taong maiiwan mo.

Suddenly, she wished she's going away soon.

***

"Jezz..." tumingala si ya kay Claire. Nasa bahay silang dalawa nito.

Katatapos lang ng send-off party ni Claire. Madali lang iyon; nagsimula ng alas nuebe at katatapos lang. Alas kwatro y media na.

"Bakit?"

"Gusto kong paglaruan 'yang buhok mo, e." pilyang sabi nito, her bright blue eyes sparkling than usual. Tumabi ito sa kanya.

Lumabi siya. "Sige ba," alam niyang gusto lang nito magpalipas ng oras na kasama siya. At gusto niya iyon. Bukas na ito aalis at sa ayaw at gusto ni Claire, sasama siya para ihatid ito.

Tumayo ito ulit. "Teka lang, dyan ka lang ha. Babalik ako." Tumakbo si Claire palabas ng bahay nila.

Madalas paglaruan ni Claire ang buhok niya. Marunong kasi ito sa kung anu-anong pagbraid at iba. Kadalasan, nilalagyan nito ng mumunting bulaklak ang buhok niya. Para daw siyang nymph ng kagubatan o kaya Greek woman kapag inaayusan nito ang buhok niya.

"Okay! Ito na...," bungad ni Claire sa pinto ng kwarto nito. May mga hawak itong tangkay na may mga mumunting puting bulaklak.

"...ang ganda mo kasi dyan sa suot mo. Dandelion ang kulay, favorite ko 'yan ah? Bagay sa ' yo," ani Claire at lumapit sa kanya.

Umupo ito sa likod niya at tinanggal ang naka pusod niyang alun-along buhok. "Dapat hindi ka nagpupusod. Pwede namang pony tail lang," sinuklayan ni Claire ang buhok niya.

Help, Nalulunod Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon