chapter 22: conflicts

Magsimula sa umpisa

hindi ko alam kung san galing yun at bigla ko na lang nasabi , tsk nahahawa nako sa pagiging conceited ng hinayupak nato.

"tsk lakas ng apog ah! pero totoo naman kaya nga nagiinit ako sayo tara gawa na tayo ng baby"

[WAAAAH! TIGILAN MO NAKO SALTIK KA ANG PANGIT NG LUMALABAS SA BUNGANGA MO TAHIIN MO NGA YAN ANG LASWA MO!]

  at ng dahil dun napollute na nya ang utak ko. napaka Bad influence ng taong yun hindi na ulit ako nakatulog ng dahil sa mga pinagsasabi nya sa akin pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko

waaaaah!! hayop sya hayop!!

End of flash back

=___=

Ayoko na ayoko na talaga! Bakit ba kasi di ko na lang dineny yung saltik na yun ayan tuloy ako ang nagdudusa , si Dad kinausap din ako kanina may party ang Kumpanya kasama ang mga business partners nila kailangan ko daw pumunta ipapakilala nya ko sa kanila at dahil Business partners nga syempre di pwedeng mawala dun ang mga magulang ni saltik pati na din ang hayop na yun kaya no choice ako sya ang magiging partner ko.

Isang gabi kasama ang isang abnormal na tao nanaman =___=

“psst!” may naririnig akong parang tumatawag pero di ko nilingon hindi naman siguro ako ang tinatawag nya.

“pssst!” ulit pa nito . tsk. Bakit kasi di tawagain sa pangalan kaya di sya nililingon eh kasi wala namang taong ‘Psst’ ang pangalan

“psst Miss Justine!” pasigaw na bulong nito… eeh? Ano daw pasigaw na bulong? Ano kaya yun? Haha sorry bangag talaga ko pero teka nga, Justine daw ako ba tinatawag nito?

Nilingon ko ang tao na nasa kaliwa ko tinignan ko sya at sya naman alanganing ngumiti sa akin

“ako tinatawag mo?” walang ganang tanong ko dito

“ah- eh oo” nahihiyang sabi nito at nagkamot ng ulo, ay bakit may kuto ka ba kuya?

“bakit?” ganun pa din wala pa din ganang sabi ko , kailan bako naging masigla kapag kausap ang ibang tao lalo na’t di ko kilala

1 month na nung magsimula ang klase pero hanngang ngayon di ko pa din kilala ang mga classmates ko , iilang tao lang din ang kilala ko sa buong school, di kasi ako friendly at wala naman akong pakelam kung ayaw sa akin ng mga tao.

“ma- may..” nakita kong medyo namamawis sya ng konti . ano bato di ko alam kung kinakabahan sya o natatae

Hinintay ko lang ang gusto nyang sabihin nakakunot na din ang noo ko sa kanya kaya lalo tuloy syang namawis may kasamang panginginig pa yun ng kamay haha seriously anong problema nya?

“me-meron ka bang.. ah…” lalong kumunot ang noo ko naiinip na kasi ako eh

“merong ano?” inip kong tanong sa kanya

“ma-ma-may ah… as..aasa..nment.” mahina at putul putol nyang sabi kaya hindi ko mainitindihan yung sinabi nya

“ano?” medyo inis kong sabi “may speech defect ka ba o dikit lang talaga yung dila mo?” di ko na napigilang magtaray ang engot kasi eh

“w-wala no, sa-sabi ko me-meron ka-ka ba-bang ah—ass-signment?” tinitigan ko sya.  sya naman biglang namula at nagiwas ng tingin sa akin

Assignment? May assignment ba kami?

“may assignment tayo?” tanong ko dito, meron bang binigay na ganun ang teacher naming? Bakit wala yata akong naalala

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!