Kabanata 27

1.3M 32.8K 36.2K

Kabanata 27

Steal

Tulala ako sa elevator. Humihikbi parin ako pero humupa na ang luha ko. Alam kong nakatingin si Elijah sa akin ngunit hindi ko na naman siya magawang tingnan. Natatakot akong umiyak ulit ako pag nagkatinginan kaming dalawa.

Mahinang mahina na ako pagkapasok namin ng bahay. Naka patay na ang ilaw sa sala. Sa pinto na lang iyong may ilaw pa. Wala na ring maingay. Tulog na silang lahat. Dumiretso ako sa loob ng kwarto ko. Alam kong doon rin ang punta ni Elijah ngunit may kung anong demonyo na naman sa tiyan ko ang naghuhuramentado.

That's bad, Klare. Really bad. Kahit alam mo sa sarili mong wala kayong gagawin na dalawa, at ganon din ang tingin ng mga kamag anak mo dahil mag pinsan kayo, pero ngayong may bahid na ang relasyon niyong dalawa, hindi na talaga pwede.

"D-Do you want me to sleep on your couch o dito na lang sa baba?" Tanong ni Elijah habang hinuhubad ko ang jacket ko.

I'm gonna sleep with this t shirt and my pajamas on. Umiling ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para ituro ang kama ko. He's polite. Alam niya iyong nararamdaman ko kaya siya na mismo ang nag suggest kung saan siya dapat matulog. But damn, I'm polite too. Hindi siya pwedeng matulog kung saan saan kung may king size bed naman ako dito at wala akong katabi.

We've been 'sleeping together' simula pa nong tumungtong ako ng college at nagkasundo kami sa gitna ng pag aaway. Una ito nangyari noong nag away kaming dalawa dahil sa ginawa niya sa akin noon sa basketball court kung saan sila nag lalarong pangkatuwaan. Sinadya kong sumama dahil alam kong kasama ko si Eion. Ngunit habang naglalakad ako ay pina gulong niya ang bola sa harapan ko dahilan ng pagkakatalisod ko at pagkadapa ko sa harap ng maraming tao.

I slapped him hard. Lalo lang akong nagalit nang tumawa lang siya. Hindi na kinaya ng mga pinsan ko ang mga pag aaway namin kaya isang gabi ay kinulong nila kaming dalawa sa kwarto ko. Wala namang nangyari. Hindi kami nag kibuan bukod sa panunuya niya sa akin. Wala iyong kahulugan noon para sa akin, pero ngayong may nararamdaman na ako para sa kanya ay nagkaroon ng kahulugan ang lahat.

"You sure?" Nagtaas siya ng kilay habang sinusundan ako ng tingin.

Patungo na akong banyo para mag palit ng pajama. Tumango na lang ako at iniwan siya roon.

Matagal pa bago ako lumabas. Tumunganga lang naman ako sa loob. Nang dinalaw na ako ng pagod at antok saka pa lang ako lumabas. Napansin ko agad na ang lamp na lang ang tanging ilaw at nakahiga na si Elijah sa kama ko nang naka sleeveless shirt. Nakapikit na siya.

Tumikhim ako at nagpasalamat na tulog na siya. Marahan akong umupo sa side ko ng kama at mas binabaan ang ilaw ng lamp sa tabi ng kama. Dahan dahan ko ring ginalaw ang comforter ko na nakapulupot na sa kalahati ng kanyang katawan. I don't want to wake him up.

Nakatingin ako sa kanya para tingnan kung nagigising ko ba nang unti unti siyang dumilat at tumingin sa akin.

"Oh, sorry. I didn't mean to wake you." Pabulong kong sinabi at unti-unti ng humiga.

"I'm just half asleep. Hinintay kitang lumabas." Napapaos ang boses niya siguro ay dahil na rin sa pagod.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!