Royalties: If you have a publisher, anong share mo sa book sales?

8.9K 160 20

Q: May kikitain pa ba yung writer kapag published na yung libro?

A: Depende sa kontrata. Eto ang mga possibility:

1. Talent fee lang at walang royalties.

Baka bigyan ka ng publisher ng pera para sa kwento, pero wala ka nang share sa earnings ng book.

2. Talent fee and royalties.

Dito bibigyan ka ng fee for the story (usually you can expect this a few months AFTER the book has been printed and out in bookstores), at may percentage ka rin ng books sold. Iba-iba yan pero sa mga naririnig ko, usually 5 to 15% ang share ng author. Ang royalties usually twice a year or once a year ang payout.

3. Royalties only.

Meron ding arrangement na walang talent fee, royalties lang.

===

PS - Possibilities ito ng royalties kung may publisher ka. Notice na sa lahat ng scenario na ito, wala kang perang nilalabas as an author.

If nagbayad ka, hindi sila publisher ha. PRINTER sila if, for example, you were required to buy X number of copies of your own book. Kung PRINTER sila, wag ibigay sa kanila ang copyright o kahit anong rights. Hindi sila PUBLISHER.

Publishing and Self-publishing: Advice for WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon