Hindi niya maiwasan na mapamura ng makita ang kaibigan nila.

Pretty as always.

Sexy as always.

A goddess.

A head turner goddess.

Parang hindi naman nanganak ang kaibigan nila. Kung tutuusin halos magkakasunod lang silang tatlo na nanganak. Nauna lang ng isang buwan si Issay kay Kyla at tatlong buwan naman sa kanya. Pero bakit ganon ang unfair naman, si Issay mukha pa din model samantalang sila ni Kyla hindi pa din bumabalik ang katawan nila sa dati.

May baby fats pa din sila ni Kyla, halatang nanganak sila kahit pa three years old na ang mga anak nila.

"Baks, ang unfair naman"reklamo niya ng mayakap na nila si Issay.

"Huh?"nagtataka naman kumalas sa pagkakayakap sa kanila ni Kyla si Issay.

"Bakit ang sexy mo na ulit?"si Kyla ang nagtuloy ng sasabihin niya.

Parehas lang pala sila ni Kyla ng naiisip nila.

Tumatawa naman si Issay na niyakap silang dalawa ni Kyla.

"Namiss ko kayo"nakapout na sabi ni Issay.

"Hi mga tita ninang"bati naman sa kanila ng kambal.

Doon lang nila nagawang lingunin ang kambal ni Issay.

Gaya ng ina ng mga ito graba din ang kambal, bata pa lang ang mga ito pero kitang kita na habulin ang mga ito paglaki. Sobrang gugwapo eh, wlang itulak kabigin ang kagwapuhan ng mga ito.

Kumalas sila sa pagkakayakap kay Issay at pinagtigisahan naman nila ni Kyla ang kambal sa pagyakap. Nakakamiss din kasi ang kaulitan ng kambal.

"King you grow up so fast"puri niya sa batang kayakap niya.

"No, tita ninang I'm duke. That's kuya King"sabi ng batang kayakap niya.

Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Duke. Hindi mo naman kasi mapapansin kung sino ang sino sa kambal sa sobrang magkamukha ang dalawa.

"Mommy"

Natigil sila sa pagtawa ng marinig nila ang boses ng isang batang babae.

Nakita nilang may lumapit kay Issay na isang batang babae. Ito na marahil ang anak na bunso ni Issay.

"Halla...ito ang double unfair...bakit lahat ng anak mo mukhang artistahin"si Kyla ang unang nakabawi sa pagkastar struck sa anak ni Issay.

Hindi pa kasi nila nakita ang bunso ni Issay kahit noong nasa Paris pa ito. hindi naman kasi pinapaharap ni Issay sa video call nila ang mga anak nito kaya naman wala silang idea kung ano na ang itsura ng mga anak ni Issay.

"Carla, Kyla this is my only princess, Jade Emerald Wilson"pakilala ni Issay sa anak nitong babae.

"buona zia mattina(Good Morning mga tita)"masayang bati ng bata sa kanila.

"Mana sayo ang anak mo Issay ha"baling niya sa kaibigan.

"Bru, wala na si Issay... its Avery or Ave nalang...kalimutan na natin si Issay pwede ba"nakangiti namang sabi ni Issay.

Nakita niya ang lungkot sa mata ng kaibigan niya. alam naman niya kung bakit ito nagkakaganito. Madami na kasi itong pinagdaan kaya naman gusto na marahil ng kaibigan niya na magbagong buhay ito.

Kasama ng pagbabagong buhay nito ay ang pagpapalit nito ng pangalan. Which is hindi naman talaga kasi Avery naman talaga ang totoong pangalan ng kaibigan niya. kaya lang hindi naman masyadong ginagamit ng kaibigan niya kasi mas sanay ito sa pangalan na Issay.

"Okay Girl... ano pang hinihintay natin pasko"basag ni Kyla sa katahimikan nila.

"Tita Ninang, matagal pa ang pasko"sagot naman ni King kay Kyla.

Nanlaki ang mata nila ni Kyla sa sinagot ng bata.

Tama ba siya ng narinig, nagtagalog ito.

"Mga bru, hindi kayo nagkamali ng narinig. Marunong ng magtagalog ang mga anak ko."tumatwa na paliwanag ni Issay.

"Halla girl...kailan pa?"exaggerated na sabi ni Kyla.

"Matagal na"nakangiti naman na sabi ni Issay.

"Mommy, nagugutom na ako"sabi din ng bunso ni Issay.

Kaya naman agad na silang umalis sa airport at nagtuloy na sa pinakamalapit na restaurant.

..........................

Third Person's POV

"Boss, dumating na po ang pinasusundan niyo sa amin, kaninang umaga"pagbibigay inpormansya sa kanya ng isa sa mga tauhan niya.

"Good sundan niyo lang siya kahit saan siya magpunta."utos naman niya sa tauhan niya.

Pinatay na niya ang tawag sa kanya ng tauhan niya at tiningnan ang mga larawan na binigay sa kanya ng mga tauhan niya mula sa ibang bansa.

Apat na taon na niyang ginagawa ang mga bagay na ito.

Ang pasundan lang ng pasundan ang taong matagal na niyang gustong makausap.

"Anong plano mo ngayon?"tanong sa kanya ng isa pa sa mga tauhan niya na kaharap niya.

"Wala pa, basta ang mahalaga sundan niyo lang kung saan siya pupunta o sino ang mga taong makakasalamuha niya"

...............

My Playboy Boss Where stories live. Discover now