For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 1 - Ron

9.6K 94 11

Chapter 1 - Ron

"Ronald Abaño !, tulala ka na naman. " sigaw ng teacher.

Nagtawanan ang buong klase.

Maging ang katabi ni Ron na si Aldrin ng Kwadro Alas ay di mapigilan ang matawa dahil sa sinabi ng guro.

"Ma'am, inlove ata eh. Pagbigyan nyo na. " biro ni Aldrin.

Lalong nagtawanan ang mga kaklase nila.

Hindi magawang mapikon ni Ronron.

Kaibigan nya si Aldrin at isa pa, kahit anong gawin nya, hindi nya kayang upakan ang katabi.

Batid nya ang kinabibilangan nitong grupo. Ang Kwadro Alas.

Binubuo ng apat na binata.

Lahat gwapo at mayayaman.

Bukod pa sa saksakan ng kulit at angas.

Pero batid nyang hindi masama ang ugali ng apat na ito.

Napatunayan na nya ang pakikisama ng apat na alas kaya dinaan na lang sa tawa ni Ron ang biro ng kaibigan.

Kasalanan naman nya kung bakit sya pinagtatawanan.

Natulala na naman sya.

Napapahinga ng malalim si Ron at tumayo.

"S-sorry po Ma'am. Ano nga po ulit yung tanong nyo ?" tanong nya.

Pero ngumiti lang ang mabait na guro.

"Wala akong tanong Ronald. It's okay, just stay focused sa lessons at magtatampo na ako. Ganun na ba kaboring ang klase ko ?" tanong nito.

Umiling si Ron at muling naupo.

"No ma'am, di na po mauulit. May iniisip lang po ako. Sorry po talaga. " pag hingi nya ng paumanhin.

Tumango ang guro at nagpatuloy na sa klase.

Sinikap makinig ni Ronron kahit ang isip ay okupado.

..

Hapon.

Katatapos lang ng klase ng binata.

Abala sya sa pagsusulat ng mga takdang aralin ng makarinig ng malakas na pagtawag mula sa pinto.

Phone CallBasahin ang storyang ito ng LIBRE!