Chapter 46: Well Safe. No not.

160 11 3
                                    

Chapter 46: Well Safe. No not.

-Patricia's POV-

Hindi namin alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya nang makita niya kami makilala. Tumabi ako kay Terrence. "Teka, hindi mo ba kami nakilala?" Nakipagtitigan ako kay Terrence.

Ang katahimikan ang bumalot sa buong paligid tila ang maririnig mo lang ang mga ingay na galing sa mga insekto sa labas. Tinitigan ko sa mga si Terrence.

"Magagawa ko ba yun?" Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang kaba. Tska ko pinalo sa braso si Terrence.

"Pinakaba mo kami." Sabi ng kapatid nitong si Ivan. Kahit di magkasundo, syempre magkapatid pa rin sila.

Ngumiti lang si Terrence sa kapatid nila. "Terrence, may hindi ako magandang balita sayo."

"Ano naman iyon?"

"Nawawala si Jessica." Singit ni Ivan na ako dapat ang magsasabi nun.

"Ano?!"

"Oh baket ka sumigaw hijo?" Si Lola na kumupkop kay Terrence.

Umiling si Terrence "Wala po La." Agad din naman kaming iniwan sa loob ng kwarto.

"Sumama ka sa amin. Kailangan nating hanapin si Jessica." Sabi ko. Tumayo na si Terrence.

"Ano tara na." Nagyaya na si Terrence. Kaya naman tumayo na na rin ako. Una nang lumabas si Ivan sumunod ako tapos si Terrence.

"Oh saan kayo pupunta?" Nagulat ako sa matandang babae kasi siya rin mismo nagulat. May bagay siyang tinago sa likod niya na tinatago niya.

"Uuwi na po kami." Si Terrence. Umiling ang matanda at tinulak si Terrence papasok uli sa kwarto pero dahil kaya naman ni Terrence si Lola nagawa niyang umalis.

"Tara na." Tumakbo na kaming palabas ng bahay ni Lola.

"Hoy! Mga walang utang na loob! Magsibalik kayo dito! Humanda kayo, Isa sa inyo mamatay!" Sigaw ng matanda habang patuloy lang kami sa pagtakbo. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang palayo kami ng palayo doon sa bahay.

Nakakatakot si Lola.

"Terrence, susubukan ka niyang patayin." Sabi ni Ivan. Huminto na kami sa pagtakbo nang makarating na kami sa Kotse.

"B-bakit naman?" Pagtatanong ko.

"Hindi ako sigurado. May hawak kasing kutsilyo si Lola tapos tinago niya sa likod niya iyon nang lumabas kayo." Kaya pala.

"Tara na, at baka maabutan pa tayo dito." Pumasok na rin kami sa loob ng sasakyan. Biglang sumagi sa utak ko ang sinabi ng matanda na Isa sa amin ang mamatay? Paano naman? Hindi. Walang mamamatay.

Umuwi muna kami sa bahay para ipagsabukas na lang muna ang paghahanap kay Jess. Nagulat ang lahat ng makitang ayos na si Terrence. Sinalubong din ako ni Paul, na nag alala pala sakin sa hindi ko pag gising sa kanya kanina. Ang himbing na din kasi.

Kinausap nila si Terrence tungkol sa kondisyon nito at sa mga nangyari sa kanya. Ako nakaupo lang sa sofa. Nagpapahinga. Kung kailan nahanap na namin si Terrence, tska naman nawala si Jess.

---

-Jessica's POV-

Nagising ako sa gilid ng kalye. Pasikat pa lang ang araw. Bumangon na ako para mas maaga ko rin mahanap si Terrence. Habang naglalakad ako isang cellphone ang aking nakita sa gilid ng kalsada. Lumang model naman pero magagamit pa ata.

"May load naman siguro ito." Dinial ko ang number ni Patricia. Nag riring lang ito. Buti naman swerte ako dahil nakapulot ako nang cellphone na may load.

Umupo muna ako sa gather at hinihintay sagutin ang tawag. Nakalagay lang sa tenga ko ang cellphone. May biglang humintong itim na van sa harapan ko. Tatayo na sana ako nang bumukas ang pinto at dire diretsyo sila papunta sa akin.

"Pat!" Nahulog ang telepono.

Pinasok ako nang mga nakasuot na itim na karamihan ay puro kalalakihan. Piniringan nila ako,  nilagayan ng panyo sa bibig upang di makasigaw at tinalian nila ang kamay at paa ko.

"Hahawahan hiyo hako!" Pilit kong sigaw kahit na may panyo ang bibig ko.

"Manahimik ka diyan." Tinutukan niya ako nang baril sa may puso ko.

Please wag diyan. Wag diyan. Iyak na lang ang sunod kong nagawa. Wala na akong magagawa.

----

-Patricia's POV-

Ang aga aga. Nag ring bigla ang cellphone ko kaya napabangon ako, pero ng tignan ko. May tumatawag pero unknown number kaya sinaylent ko na lang. Pero dahil sa vibrate. Sinagot ko.

"Pat!" Napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko nang marinig ko ang boses niya. Boses ni Jess.

Dali dali na agad ako pumunta sa kani-kanilang mga kwarto para sabihin ang nangyari pero ang sagot lang nila sakin. Nababaliw na daw ako. Hindi eh, tama naman at ang narinig ko. Boses naman niya ata yun diba?

Pero walang naniwala kaya bumalik na lang ako sa pagtulog ko.

---

Ilang oras ulit ng magising ako. Isang nakakagimbal na mensaha mula sa aking cellphone ang aking ikinagulat. Pinakita ko agad ito kila tito, tita, mama at papa. Kahit kay Terrence na dito na muna pinatulog sa bahay.

"Saan nating kukunin ang ganung kalaking ransom?" Namomobrelma na si tito.

Kahit ako hindi ako makapaniwala na kinidnap ang pinsan ko. Ang nakasaad lang naman sa mensahe ay 'Hawak namin ang inyong anak na si Jessica Ford. Kung gusto niyo siya mabalik sa inyo. Kailangan namin ng ransom na nagkakahalagang. Limang milyon.'

"Ako na bahala, kukunin ko muna ang mga tinabi kong pera. Mangungutang na rin ako dahil kulang iyon." Umalis si Tito kasama ang papa ko. Nag aalala kaming lahat para kay Jessica, nasa hinding magandang sitwasyon siya ngayon. Nasa masasamang kamay siya.

"Anong nangyari?!" Nagulat kami ng biglang dumating si Ivan. Sinabi ko rin sa kanya ang nangyari kahit siya sobra ring nag aalala.

"Nagpatawag na ako ng magtetrace sa number." Lumapit naman sa amin si Terrence.

"Papunta na daw ba?" Tumango ito.

Hindi naman katagalan dumating na ito. Gumamit siya nang device para malocate kung saan ngayon ang lokasyon ng number na iyon. "Na trace na." Sabi ng inimbitahan namin.

"Saan po?" Tanong ko.

"May kalayuan. Sa downtown, medyo delikado doon."

Kahit na delikado kung buhay din pala ng pinsan ko ang mawawala kailangan nang sagipin. Tumawag naman si Ivan ng back up na mga police if ever na magkaroon ng gulo andiyan sila para sumugod agad. Hinanda naman ni terrence ang sasakyan dahil aalis na kami. 

Susunduin muna namin si Tito at papa sa banko. Natapos mag asikaso ang lahat. Naiwan si tita at mama sa bahay kaya kaming na lang ni Ivan, Terrence at ako. Si Paul pinapunta ko kaso hindi siya makakapunta kasi may inaasikaso siya pero sabi niya pipilitin daw niya.

Nakarating kami sa banko. Sumakay na sila tito at papa na may hawak na dalawang maleta na naglalaman ng limang milyon para sa ransom kay Jessica.

"Sana ligtas siya." Sabi ni Ivan.

Lahat kami nag aalala. Lahat kami natatakot na baka kung ano nang ginawa sa kanya. Ayokong mawalan ng pinsan lalo na't si Jessica iyon.

It Was Only Just a Dream [Revised1-20] (Soon to  be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon