Chapter 8

75.2K 3.4K 772

Chapter 8


Nasa kalagitnaan pa rin ng pagtututor si Cinderello kay Anastacio at hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Gustong gusto ko nang tumayo para hayaan na lamang sila ni Anastacio na mag aral pero nahihiya naman ako kay Tita Tremaine na ako pa ang maging dahilan para hindi magkasundo ang dalawa. Lalo na at unti unti nang nawawala ang takot ni Anastacio kay Cinderello dahil ngumingisi na siya dito.

Kaya wala akong pinagpilian kundi tiisin ang balahibo ng pusa na ilang beses niyang pinaglalandas sa tenga ko na hindi ko mahuli huli. Ang pagbulong bulong niya sa akin na hindi ko maintindihan kung may malisya ba o wala at ang pangisi ngisi niya na nagpapakunot ng noo ko.

Kung hindi man ako nilalandi ng lalaking ito, siguradong pinagtitripan niya lamang ako. Lalo na at gustong gusto niyang lagi akong inaasar.


Kasalukuyan lang naman niyang tinutulungan magbura si Anastacio ng maling sagot nito sa kanyang papel. Kaya ito na naman ang braso niya na parang nakayakap sa akin.


"Ako na lang ang magbubura.." aagawin ko na sana sa kanya ang pambura nang iilag niya ito.


"Ako ang tutor dito. Manuod ka na lang" ngising sagot niya sa akin.

Nang magtangka akong sumandal sa upuan ay naramdaman ko na lamang ang braso niya dito.


"Hindi ako makasandal nang maayos Cinderello.." reklamo ko sa kanya.


"What the hell is that Cinderello? Nasaan na ang Rashid?" natatawang sabi niya. Inirapan ko na lamang siya.

Hinihintay na lang namin matapos ang tatlong number na sinasagutan ni Anastacio at sa pagkakataong ito ay halos nasagi ko na ang nagsasagot na bata nang hipan ni Cinderello ang tenga ko.


"Ano ba talaga ang problema mo? Stop flirting with me! May boyfriend ako" iritadong sabi ko sa kanya kahit wala naman.


"May boyfriend ka na?" parang hindi naniniwalang tanong niya sa akin.


"Oo"


"Oh, okay" sagot niya sa akin na parang hindi siya kumbinsido. Nakatitig lamang sa amin si Anastacio at napatigil na sa pag sagot. Bago pa may ibang maisip ang bata ay agad akong nagsalita.


"No, we're not fighting. Friends na nga kami ni Kuya Rashid.." mabilis na sabi ko kay Anastacio.


"Yes, friends na kami ni Ate Aurelia.." pakiramdam ko ay biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan sa pagtawag niya sa akin. Bakit parang may tono pa ang 'Ate Aurelia' niya.

Naramdaman ko na naman ang paglandas ng buntot ng pusa, hindi na sa tenga ko kundi sa aking pisngi ko naman. Agad ko itong hinablot kay Cinderello at itinapon ko ito sa malayo.


"Enough na Kuya Rashid, naiinis na ako.." nanggigil ako sa kanya dahil sa ngisi niya sa akin. Gusto ko na siyang pagtaasan ng boses kung hindi ko lamang katabi si Anastacio.


"Naiinis na ba si Ate Aurelia? Sorry na, friends naman tayo hindi ba?" pang asar talaga.


The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!