"I am done!" sabay kaming lumingon ni Cinderello kay Anastacio. Nakita ko na mabilis inilagay ni Rashid ang hawak niyang ballpen itim sa gilid ng kanyang tenga. Kumuha siya ng red ballpen at agad niyang ni checkan ang paper ni Anastacio.


"Okay good, nakikinig ka naman pala. Last na ito Anastacio, kapag natapos mo ito tapos na ang tutor natin. Math lang naman ang quiz mo sa Monday hindi ba?" tanong sa kanya ni Cinderello na tinanguhan ni Anastacio.


"Nice" kinuha ulit niya ang papel ni Anastacio at nagbigay ng 15 items sa bata.


"You should perfect it Anastacio. Kapag mali ang sagot mo sa isang number hahalik ako kay 'Ate Aurelia'. Kapag tama ka naman si 'Ate Aurelia' ang hahalik sa akin" mabilis tumango si Anastacio sa sinabi ni Cinderello habang nanlalaki ang aking mata. Bakit parang may hindi tama dito?


"Excuse me?" mataray na sabi ko sa kanya.


"Asa, binibigyan ko lang ng thrill ang bata.." uhuh? Mas lalong umarko ang kilay ko sa kanya. Pero sa halip na makipag inisan pa ako sa kanya ay pinili ko na lamang hindi sumagot sa kanya.

Nang tumingin ako sa sinasagutan ni Anastacio nasa number 5 na siya. Kaunting kaunti na lamang ang ipagtitiis ko. Nagtaka ako nang tumigil sa pag cocompute si Anastacio at humarap sa amin dalawa ni Cinderello na nakasunod sa ginagawa niyang activity.


"Kuya Rashid crush mo ba si Ate Aurelia?" tanong ni Anastacio na nakapagpagulat sa akin. Damn. Narinig ko lang naman tumawa si Cinderello.


"Si Ate Aurelia ang may crush sa akin" mabilis akong lumingon sa mayabang na lalaking laging nawawalan ng sapatos.

At halos kapusin ako ng hininga nang halos magkadikit na ang mga ilong namin sa isa't isa. Bakit naman sobrang lapit niya sa akin?!

Agad ko siyang itinulak na muling nakapagpatawa sa kanya. Tumayo na ito mula sa inuupuan namin. Tinanggal niya na rin ang ballpen sa gilid ng kanyang tenga.


"Ayaw ko na, ikaw na ang mag check sa papel niya 'Ate Aurelia'.." hindi ko alam kung bakit parang nilalagyan niya pa ng tono ang salitang 'Ate Aurelia' na parang pinalalambing niya.

Kinuha pa niya ang tatlong kisses na ibinigay niya sa akin sa lamesa.


"Hindi naman ganitong kisses ang ibinibigay ko.." ngising sabi niya sa akin na hindi ko nakuha. May iba pa bang flavour ang kisses?

Bago siya lumabas ng kwarto ay may ibinulong pa siya kay Anastacio, nakita ko pa na sumusulyap silang dalawa sa akin ni Anastacio habang may ibinubulong siya. Kailan pa nagkasundo si Cinderello at Anastacio?

Nang tumango si Anastacio sa kanya ay tumuwid na nang pagkakatayo si Cinderello at namulsang naglakad hanggang sa pintuan. Nagawa pa niyang kumindat sa akin. What's wrong with him?


Pilit ko na lamang binura lahat ng mga kalokohan na pinaggagawa niya at mas inabala ko ang sarili ko sa mga sinasagutan ni Anastacio. At habang nagtatagal ang titig ko sa papel ay napakagat labi na lang ako nang makita ko ang buo kong pangalan at sa gilid nito ay may maliit na heart.

Aurelia Hope Lorzano. Papaano niya nalaman ang buong pangalan ko? My god.


Nang matapos na si Anastacio ay nagcheck na ako ng papel niya at napansin ko na marami siyang naitama. Magaling magturo si Cinderello.

Sinilip ko muna ang bintana pero malakas pa rin ang ulan, mukhang talagang matatagalan pa ako dito kasama ang pang asar na Cinderello na 'yon.

Lumabas na rin kami ni Anastacio sa kwarto at pababa na sana kami nang marinig namin na parang may kausap si Cinderello sa baba at may pinagtatalunan sila.


"Anong ginagawa nyo dito?! You can't be here! Lumabas na kayong dalawa, may kasam ako dito baka makita pa kayo" pakinig ko ang pagkairita sa boses ni Cinderello sa kausap niya.

Bakit niya naman pinatatabuyan? Sobrang lakas ng ulan sa labas.


"Just two days Rashid, masyadong malayo ang sunod na hotel dito. Putol na rin ang tulay na pwede naming madaan, saan pa kami pupunta? I heard your stepmother is not here? Ano pa ang problema mo? You're acting weird" pakinig ko ang boses ng isang babae.


"You're both in mission. Bakit dito pa kayo nagpuntang dalawa? Napakadelikado ng ginagawa nyo, hindi lang ako mag isa dito. Shit. I am on leave, bakit hinahabol pa rin ako ng trabaho ko?" mission? Trabaho? Delikado? Ano ba ang trabaho nitong si Cinderello?


"We are not. Sa kabilang linggo pa ang misyon namin, nagkataon lang na bayan mo ang dinaanan namin dalawa. We need to stop dahil maaaksidente lamang kami kung pinagpatuloy namin ang biyahe" sagot ng panibagong boses ng babae.


"Damn it! Pumunta na kayo sa kwarto ko! Huwag kayong lalabas!" hindi ako magkaintindihan kung papasok ba kami ulit ni Anastacio sa kwarto niya o mananatili dito sa labas.

Hihilahin ko na dapat si Anastacio para bumalik sa kwarto niya pero huli na ang lahat nasa puno na nang hagdan ang dalawang babaeng kausap ni Cinderello at hawak niya ang mga braso ng mga ito para pagmadaliin maglakad.

Kagaya ng laging ayos ni Cinderello ay nakasakbat din ng dalawang malaking itim na bag ang dalawang babaeng ito na parang galing sa hiking. Basang basa na sila ng ulan.


"Aurelia.." parang nakakita ng multo si Cinderello nang makita niya ako.


"Kaya naman pala ilang beses nang nakaleave itong si Rashido, may magandang babae. Lolokohin ka lang niya.." naiiling na sabi ng maputing na may itim na itim na buhok na parang may halong kulay asul.


"Shut up Enna.." iritadong sabi ni Cinderello sa babae.


"She looks so young and innocent Rashid, sisirain mo lang ang kinabukasan niya" sabi naman ng babaeng may katangkaran na kulot ang buhok sa dulo. Who are these girls? Mga girlfriend ba sila ni Rashid?


"What the fuck Hazelle?! Pumasok na nga kayong dalawa sa loob!" halos ipagtulakan niya ang dalawang babae sa loob ng kanyang kwarto. At kapwa lang naman nakatingin sa akin ang dalawang babae na umiiling na parang binabalaan ako kay Cinderello.

Hinila ko na si Anastacio pababa ng hagdan, hindi magandang makita ng bata na nagdadala ng dalawang babae ang isang lalaki sa loob ng kanyang kwarto.


"Let's go Anastacio.." hindi ko alam kung bakit halos takbuhin ko na ang hagdanan para lamang makababa.

Nang marinig kong nagsarado na ang pintuan ng kwarto ni Cinderello ay narinig ko na lamang ang mga yabag niya na nagmamadali sa likuran namin ni Anastacio.


"Aurelia wait. About those girls.." marahas akong humarap sa kanya.


"Bakit nagpapaliwanag ka sa akin? Hindi naman ako nagtatanong. At wala akong pakialam kung tatlo pa ang pinagsasabay sabay mong babae! Don't touch me!" iritado kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.


"Oh god, I hope that's jealousy Aurelia.."


"She can't be jealous Rashid. Alam mong hindi pwede.." tamad na sabi ng babae mula sa itaas.


"Not him girl. Not our Rashid babe..."


--

VentreCanard

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon