Kabanata 26

1.4M 35.1K 23.1K

Kabanata 26

Cold

Dumating nga ang mga pinsan ko kalaunan. Tumulong si Elijah saming dalawa ni Manang sa paghahanda ng tables sa roofdeck. Mabuti na lang at nagpalit ako ng shorts at racerback kasi ang init init habang inaayos ang mga mesa at mga upuan. Naka bun ang buhok ko habang inaayos ang bawat upuan sa aming roofdeck. Let's say 20 kaming lahat dito mamaya.

Nagulat ako nang pinunasan ni Elijah ang takas na pawis sa leeg ko. Halos mapatalon ako palayo sa kanya. Kumunot ang noo niya sa reaksyon ko.

"Y-You're giving me a heart attack." Sabi ko dahil sa gulat.

"I think that's a compliment. I like giving you heart attacks." Ngumisi siya na siyang nagpakaba sa akin ng husto.

Nakahalukipkip ako sa sinabi niya. "Don't flirt with me, Elijah." Inirapan ko siya at iniwan doon sa kinatatayuan niya.

Narinig ko na lang ang halakhak niya sa malayo habang pinupunasan ko 'yong monoblock chair sa dulo. Narinig ko ang mga yapak niya papunta sa akin. Hindi ko na hinintay na mapunasan niya ulit ang pawis ko.

Inirapan ko na lang siya. Alam niyang aalis ako paglalapit siya kaya nanatili siya sa kinatatayuan niya at pinagmasdan akong mabuti.

"Why don't you help instead of just watching me?" Sabi ko nang nasulyapan ang pag lalaro sa ibabang labi niya habang nakatingin sa akin.

"I am trying to help. Pero ayaw mo." He chuckled.

"No, thanks."

Kung ang sinasabi niyang tulong na magagawa niya ay ang pag pupunas ng pawis ko ay huwag na lang. Mabuti na lang at umakyat na rin si Manang pagkatapos non. Tumulong si Elijah sa kay Manang habang ako naman ay nagpasyang maligo at magbihis na.

Pagkatapos kong maligo ay nagpasalamat ako sa Diyos dahil nagbihis ako sa loob ng banyo. Dahil kung hindi ay maabutan ako ni Elijah na nakatuwalya lang and that would be truly awkward. Nag iwas ako ng tingin sa kanya habang nagpupunas ako ng buhok.

"Why do you like to hang out inside of my room?" Tiningnan ko ang nakahigang si Elijah sa aking kama sa repleksyon niya sa salamin.

"I like the scent here. I like your scent." Aniya sa napapaos na boses.

Nagkatitigan kaming dalawa. Matapang akong tumitig dahil repleksyon niya lang naman 'yon sa salamin. Tumitig din siya gamit ang inaantok na mga mata. Oh, damn! Bumilis ang pintig ng puso ko kaya nag iwas ako ng tingin.

"I think they're here." Utas ko nang narinig na umingay sa labas.

Tama ang naging hinala ko. Narito na nga sila. Bumati lang sila sa mommy at daddy ko at agad ng dumiretso sa roofdeck. Nandoon na lahat ng pagkain na nirequest ni Erin.

"Di bale nang di natuloy kina Azi!" Sabi niya at tumawa na lang sa dami ng pagkaing hinanda.

Nilingon ako ni Eion kahit na nasa gitna siya ni Josiah at 'yong isa pa nilang kaibigan. Ngumisi siya sa akin at lumapit. Sumulyap ako kay Elijah na hinigit na ni Chanel patungo kay Hannah para ireto ang dalawa.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!