Wives And Lovers (Ang Lalake Ni Misis-End)

5.1K 42 0



Sumikat na ang araw ng umuwi ng bahay si Daniel. Medyo hilo, pero hindi lasing.

Bahagyang nagulat pa ng mabungaran ang asawa sa sala. Hindi niya ito pinansin. Nagtuloy siya kusina.

"Daniel" Mahinahon ang tinig ni Agnes.

Parang walang narinig ang asawa.

"Daniel, hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako pinapakinggan." Medo malakas na ang boses.

Saka lamang nilingon ni Danile ang asawa. Kung nagulat man ito sa nakitang bagahe sa tabi ni Agnes ay hindi ito nagpahalata.

Umupo si Daniel sa tabi ng mesa, ayaw lapitan ang asawa.

At sa matatag na pananalita, ikinwento ni Agnes ang lahat lahat., walang kagatol gatol na inilahad ang lahat kalaswaan ...ang kahalayang pinagdaanan sa poder ni Tita Mercy.

"Patawarin mo ako, naging duwag ako, natakot na baka iwanan mo, pandirian mo."

Wala pa ring kibo si Daniel.

"Alam kong marami akong sinabing kasinunaglingan sa iyo , pero tutoo ang pagmamahal ko sa iyo,  yun man lang sana ay paniwalaan mo."

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Agnes bago pa maiyak.

---------------------------------

Anim na buwan ang mabilis na lumipas.

Biyernes

"Agnes halika na, sumama ka na sa amin. Tama na yang OT at baka yumaman ka." Natatawang imbita ng ilang ka opisina.

" Oo na, sige sige na at magliligpit lang ako." Sagot niya.

Simula ng umalis siya ng bahay ay nagboard na lamang siya kasama ang isang ka-opisina .

Nuong una, hindi niya alam kung paano magsisimulang mag-isa. Sinubsob ang sarile sa trabaho. Ayaw magisip. Pero andun ang pa rin sakit ng damdamin. Hindi na siya nagpakita pa kay Tita mercy, wala na itong ipananakot pa sa kanya. Unti-unti na rin siyang natutong dumiskarteng mag-isa, magkaroon ng sarileng disposition. Nagbago na rin ang kanyang pananaw sa maraming aspeto ng buhay. Hindi na siya umaasa sa happy ending para sa kanila ni Daniel. . Mas mabuting tanggapin niya na yun.

Kahit suot pa rin niya ang kanyang wedding ring.

Nasa lobby na ang grupo ng biglang matigilan si Agnes.

Si Daniel.

Parang huminto ang ang lahat sa paligid ni Agnes .  Dinig niya ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

"Hoy, Agnes may sundo ka pala, hindi mo sinabe"

Iniwan siya ng grupo.

Nakakaasiwa ang katahimikang namagitan sa kanila.

Sa kanilang dalawa, mukhang si Agnes pa ang kahit papaano ay maayos-ayos na dinala ang problema.

Malaki kasi ang pinayat ni Daniel. Bahagyang tumanda ang itsura nito. Bakas sa mukha ang dinadalang suliranin.

"Agnes,....."  Parang may bara ang lalamunan ang salita ni Daniel.

Hindi  rin makapsalita si Agnes. Ilang gabi bang dinasal niya na marinig ang mga salitang ito mula sa asawa. 

"Mahal na nahal kita Agnes. I need you...Please come home".

Tinanggap ni Agnes ang nakalahad na kamay ng asawa.

Walang ng salita pang  kailangan. 

Wakas

Epilogue

Friday

Radio Balita: Isang sunog ang tumupok sa tatlong bahay bago pa naapula ng mga bombero ang apoy. Ayon sa mga kapitbahay, , ang sunog ay nagsimula sa bahay ng isang kilala lang nila sa tawag na Aling Mercy . Narinig pa daw nila ang tila baliw na halakhak nito kasabay ng isang malakas na sigaw ng tulong ng isang lalake habang nabliliyab ang bahay. Sinikap daw nilang tumulong para iligtas ang mga tao sa loob pero malaki na ang apoy.

wakas


Wives And LoversBasahin ang storyang ito ng LIBRE!