"THERE YOU ARE!" Sigaw ni Erin habang tumatawa.

"What?" Tanong ni Elijah sa pinsan namin.

Nakita kong kasama ni Erin si Josiah at si Claudette. Nakatayo si Claudette na parang di makabasag pinggan sa gilid ng aming vase habang  umupo si Josiah sa aming sofa.

"Don tayo kina Claudette ngayon. Swimming tayo sa pool na araw-araw iniihian ni Azi!" Tumatawang sambit ni Erin.

"Shut it, Erin. That's just disgusting." Maarteng sinabi ni Josiah.

"We won't come." Mariing sinabi ni Elijah.

"Huh? Bakit?" Kinagatan ni Erin ang apple na nasa mesa namin.

Narinig kong bumukas ang kwarto nina mommy at daddy. Lumabas silang dalawa. Naka shorts lang at white t shirt si dad. Habang si mommy naman ay bihis na bihis.

"Hello, tita!" Dinagsa sina mommy at daddy ng mga pinsan ko.

There. Malalaman nilang hindi ako pwede dahil pinagbawalan ako ni mommy.

"Hello, Erin!" Sabi ni mommy habang hinahalikan ang mga pinsan ko. "Narinig ko kay Rafael na kina Dette Dette daw kayo tonight? Sorry, I won't allow Klare to go?"

"Tita naman. Ang KJ. Bakit po? Is she grounded?" Tanong ni Erin.

"No, she i-isn't." Tumingin si mommy kay Dad na kinukuha lang 'yong newspaper sa mesa. "Kung gusto niyo. Dito na lang kayo sa bahay. Sa roofdeck. Pwede rin kayong mag sleepover. I will provide everything except for your drinks." Sabi ni mommy.

"Okay lang, Erin. Hindi rin naman gusto masyado ni Kuya sa bahay kasi nauumay siya." Sabi ni Claudette.

"I'm cool with that, too. Hindi naman ako desperado sa swimming. Kayo lang ni Chanel ang Desperado sa swimming." Utas ni Josiah.

"It's decided, then?" Ngumisi si mommy at tumingin sa akin.

Bigo si Erin ngunit mukhang wala siyang magagawa. I'm sorry for her. Okay lang naman talaga sa akin kung pumunta sila doon nang hindi ako kasama.

"Why is tita acting strange? Kina Azrael lang naman tayo." Bulong ni Erin habang ipinagkibit balikat.

Paalis na sina mommy non. Tumingin siya sa akin bago siya tuluyang lumabas.

"Klare, paki kuha rin nga pala 'yong inorder kong fresh flowers sa baba. Sa flowershop nina Kristal. Sabihin mo 'yong lahat ng inorder ko for your lolo's grave. Ilagay niyo ni Elijah sa pinrepare kong baldeng tubig malapit sa kwarto ni manang."

Tumango ako. Bumaling si mommy kay Erin.

"Anong mga gusto niyo, Erin? Name it."

Syempre, naging mas pabor iyon para kay Erin dahil nakakarequest siya ng kahit ano kay mommy para lang mangyari 'yong gusto nilang hang out. Ayun at nag request nga siya ng mga pagkain.

"The guest rooms are open for everyone. Kayo lang bang magpipinsan?" Tanong ni mommy.

"Hindi po, tita. Some of my friends are coming over at 'yong manliligaw ho ni Klare na si Eion Sarmiento and some friends of Josiah. Will it be okay?"

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!