Kabanata 25

1.2M 32K 15.2K

Kabanata 25

Lilies

Hinatid na ako ni Elijah sa bahay. Walang kibuan. Buong akala ko ay aalis rin siya pero nagulat ako nang lumabas siya sa sasakyan at sinamahan pa ako paakyat ng bahay. Hindi parin ako kumakalma. Naroon parin ang pait sa pakiramdam ko kaya hindi na ako nagsalita. Baka kasi ano pa ang masabi ko.

"Oh, na enrol ka na ba?" Tanong ni mommy pagkakitang pumasok ako sa amin.

Nasa kusina siya at kumukuha ng meryenda para kay Charles. Alas tres na ng hapon at walang pasok si Charles ngayon dahil sembreak kaya malamang ay tulog ang isang 'yon. Hinalikan ko si mommy nang di siya tinitingnan.

"Hindi pa po. Bukas na lang siguro." Sabi ko habang nakatingin si Mommy kay Elijah na nasa likod ko.

"By the way, galing dito si Damon at Rafael. Gusto daw nilang lumabas mamayang gabi. Naku!" Ngumuso si mommy.

Umupo si Elijah sa sofa at pinanood kami ni mommy na nag uusap. Nagulat ako sa reaksyon ni mommy. Hindi niya naman ako madalas pinagbabawalang lumabas pero mukhang ngayon ay napuno na siya.

"Wa'g ka ng lumabas ngayong gabi." Aniya.

"Huh?"

Hindi naman sa gustong gusto kong lumabas ngayong gabi. Ang totoo niyan ay okay lang sa akin kung dito muna ako sa bahay para magpahinga pero nakapagtataka ang pambabawal ni mommy.

"Mahirap na. Kung gusto ng mga pinsan mo na lumabas. Sa roofdeck na lang kayo, Klare. Ipag luluto ko kayo. Mag gogrocery kami mamaya ng daddy mo, bibilhan ko kayo ng ribs tsaka oorder tayo ng pizza. Name it. Wa'g lang muna kayong lumabas."

"Bakit naman po?"

Hindi makatingin si mommy sa akin. Imbes ay tumingin siya sa nakakunot noong Elijah. "Tell your cousins."

"Opo." Ani Elijah at kinuha agad ang cellphone niya.

Hindi ko alam kung anong problema ni mommy. Probably just another paranoia attack from parents, huh? Nakita kong nag tatype ng kung ano si Elijah sa cellphone niya.

"Saan ba 'yong lakad? Kung gusto niyo, kayo na lang. Di ako sasama." Sabi ko.

"Sabi ni Chanel, magkikita kita lang naman daw tayo bago mag November. Ang sabi niya ay bibigyan niya raw tayo ng tickets para don sa hinohost na Halloween Party ni Silver."

Oh. Iyon 'yong sinasabi ni Cherry. Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil naalala ko na naman 'yong nangyari kanina. Suminghap siya at nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag lapit niya sa akin.

"Kung ayaw mong lumabas, o ayaw mo sila dito, then I will tell Chanel that we won't come."

"Elijah, kung gusto mong sumama, edi sumama ka." Sabi ko.

Umiling siya. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

Biglang bumukas ang pintuan ng bahay namin at nabasag ang boses ni Erin. Lumayo agad ako kay Elijah at lumapit na lang sa fridge namin.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!