"I want you and your beautiful soul.. Your beautiful soul yeah.."

Nung natapos ang music, lumapit si Kuya, dahan dahan niyang hinawakan ang ulo ni Ate Chloe at niyakap ito. Humiwalay si Kuya at lumuhod kay Ate Chloe.

"Sabi nga sa kanta.." pagsisimula niya

"I don't want my love to go to waste, I want you and your beautiful soul.
To you i'd be always faithful, i want to be what you always needed." dagdag pa ni Kuya.

"W-will you marry me Chloe?" nauutal na tanong ni Kuya habang hawak hawak ang singsing na nasa loob ng heart shaped box nito.

"Yes" sagot naman ni Ate Chloe at agad na nagyakap ang dalawa.

How sweet. Ngayon, nasaksihan ko ang panibagong yugto sa buhay ni Kuya at Ate Chloe. Sana ganun rin ang maging lovestory ni Ate Jane. Nagsaya kaming lahat at 'yung iba naman ay uminom. Umiinom ako pero ayaw kong uminom ngayon. Kain lang ng kain ang ginagawa ko.

Patuloy lang ako sa pagkain ng biglang lumapit si Cade sakin. May dala siyang beer, tapang rin neto e no? Namumula na siya at medyo may tama na.

"Hey you! Yes you! The one with ugh, what's that again?" aba't inenglish pako ni kupal e no?

"Tss. Shut up Cade" sagot ko naman sa kanya

Namatay lahat ng ilaw at may maririnig kang ilang sigaw. Naramdaman kong nasandal sa akin si Cade kaya napatumba kami. Nakatalikod siya sa akin kaya nadaganan niya ako pero nagsalita siyang muli..

"I love you my Queana"

Nabuhay ang ilaw at nakita ko si Cade na nakadagan sakin na may kutsilyo sa dibdib niya. Sumigaw ako ng tulong at dali dali namang nagpunta si Matt para buhatin si Cade.

"Anong nangyari?" tanong ni Matt sa akin habang tumatakbo kami parehas palabas sa venue.

"P-pagkabukas ng ilaw nakita ko na siyang ganyan e" nauutal kong sagot

Nandito na kami sa kotse ni Matt na mabilis niyang pinatakbo para makapunta kami sa malapit na hospital.

Kinakabahan ako sa mga nangyayari, sinong may gawa nito sayo Cade? Lumaban ka Cade please. Please. Naiiyak na ako nang makarating kami sa ospital at nasa hospital bed na siya at tinatakbo papunta sa emergency room. Please Cade, please labanan mo..

Naiwan kami ni Matt sa labas ng emergency room na tulala at hindi mapakali. Naiiyak na ako sa mga nangyayari. Umupo muna ako sa may bench at kumalma. Mga isang oras ang nakalipas, lumabas ang doctor.

"Okay na ang pasyente. Kailangan niya lang muna ang maiconfine para makapagpalakas siya" umalis na ang doctor at inilipat na si Cade sa kwarto.

Dumating na rin ang iba para kamustahin ang kalagayan ni Cade. Maging ang mama niya ay dumating.

Nagpasalamat sa akin si Tita at nagpaalam na aalis muna at kukuha ng damit. Umalis na rin ang iba dahil 'yung iba nakainom at malalim na ang gabi para bumyahe. Hinatid naman ni Matt ang iba naming kaibigan kasi 'yung ibang boys may tama na rin. Nagpaiwan naman si Ate Chloe, Ate Jane at Lianna kasama ko para bantayan si Cade.

Nakatayo ako sa tabi hospital bed ni Cade.. Nakatitig lang ako sa kanya, sobrang amo ng mukha niya. He's my one and only angel, he's my bestfriend and i'm so lucky for having Cade in my life.

Nagbring back lahat ng memories noong kasama ko si Cade, yung times na masaya kami kasi parehas kaming pasado sa mga exams, 'yung time na nalungkot ako kasi di ako nakasama sa concert ng favorite kong international band, yung mga oras na umiiyak ako sa ibang bansa kasi namimiss ko na siya pati ang squad, yung mga oras na umiiyak ako kay Keith at siya yung nandyan para patahanin ako.. I love you Cade, at ngayon ko lang narealize 'yun. Ngayon ay umiiyak na ako sa tabi ng hospital bed niya, ang tanga tanga ko bakit ngayon lang kita minahal.

"I love you too, Cade. Sorry kung ngayon ko lang nalaman, mahal din pala kita. I'm sorry, di na sana humantong sa ganito... I'm sorry"

"Wait, WHAT? e-eto yung panaginip ko last time. No! Hindi maari! That hospital bed.. That knife on his chest..

*toot* *toot*

Bumalik ako sa realidad at dali daling nagtawag ng doctor. Agad namang may dumating at pinalayo muna kami. Inilabas ako ni Matt dahil gusto ko ng sampalin 'yung doctor dahil sa kakadada niya, mabagal siyang gumalaw samantalang nagpapanic na 'yung nurse na kasama niya. Hindi ako mapakali sa tabi ni Matt, gusto kong sumigaw habang umiiyak, gusto kong manapak dahil sa sobrang galit. Galit sa kung sino man ang gumawa kay Cade ng ganitong bagay. Mga ilang minuto ang nakalipas, pinapasok na kami ulit at bumalik ang pagtibok ng puso ni Cade.

"Lumaban siya" ngiti ng doctor tsaka ito lumabas.

Ngumiti ako sa sinabi niya, tama Cade lumaban ka. Umupo muna ako sa tabi ng hospital bed. Nag-aalala pa din ako sa kalagayan ni Cade ngayon at wala man lang akong magawa para sa kanya. Inalok ako ni Lianna ng pagkain pero tinanggihan ko ito. Nabalik kay Cade ang paningin ko at nanatili akong nakatitig sa kanya.

"Gising kana please.." bulong ko, umiiyak na naman ako. Hays. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at nayuko sa kama niya. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kakaiyak.

No strings attachedWhere stories live. Discover now