Kabanata 24

1.3M 35.2K 30.8K

Kabanata 24

With Other Girls

Hindi ko alam kung bakit sumusunod ako kay Elijah sa sasakyan niya. Kahit nakabusangot ang mukha ko ay nagawa ko paring pumasok at mag seatbelt.

This isn't a date. Kakain lang kami sa labas. Mag lu-lunch. Kung saan pwedeng mag lunch na kaming dalawa lang dahil nakakaasiwa naman talaga pag may ibang taong nakatingin sa amin lalo na pag kilala.

"Saan mo gustong kumain?" Kalmado niyang tanong habang pinapaandar ang sasakyan.

Nakikita ko sa malayo ang mga titig ni Rafael sa sasakyan ni Elijah. Nasa isang bench siya katabi ang dalawang matangkad at magandang babae ngunit ang titig niya ay sa sasakyan ni Elijah. Buti na lang at tinted itong salamin niya, hindi niya makikita kung sino ang kasama ni Elijah sa loob.

Nakita kong tumayo si Rafael nang lumapit na sa benches ang sasakyan ni Elijah.

"Kumakaway si Rafael. Isama natin siya." Sabi ko nang narealize na magandang ideya 'yon.

Hindi kami magiging masyadong awkward pag nandyan si Rafael. Ngunit hindi 'yon pinansin ni Elijah. Halos marinig ko nga ang mura ni Rafael nang nilagpasan lang ni Elijah ang kanyang kaway.

"Gusto niyang sumama." Sabi ko.

Umiling si Elijah at diretso ang titig sa kalsada. Tinitigan ko rin siya dahil hindi ako makapaniwalang di niya pinansin si Rafael.

Sumulyap siya sa akin pagkaliko, "What?"

"Sana sinama mo si Rafael!" Utas ko.

"I want us to be alone. Hindi ba pwede?"

Oh dammit! Really? I can't believe this. Tumingin na lang ako sa labas habang nagdadrive siya patungo sa isang mall.

"So... Saan mo ba gustong kumain?" Tanong niya ulit.

"Just... anywhere." Sabi ko dahil ayaw ko ng mag isip kung saan pwede.

Niliko niya iyon sa isang mall. Humina ang takbo niya dahil namili siya sa mga restaurant sa Rosario Arcade. Do we really need to eat somewhere here?

"Sa Mcdo na lang, Elijah." Sabi ko nang nakitang papalapit na kami roon.

"Missy Bon Bon." Utas niya at tinuro ang isang medyo may romantic na ambience.

Oh great God. Tinigil niya ang sasakyan niya sa tapat. Medyo napatango na lang ako kasi nakita kong over crowded ang Mcdo at itong Missy Bon Bon naman ay nasa dalawang tao lang ang nasa loob.

Lumabas na ako sa sasakyan niya at agad na tumungo sa puting pintuan ng Missy Bon Bon. May mga puting tables sa loob at meron din sa veranda nito. Romantic ang ambience at masasabi kong pang 'date' ang lugar na ito. Hindi rin masyadong heavy ang mga meals. Bakit niya pa ito pinili?

Binuksan ni Elijah ang pintuan para sa akin. Naunahan niya pa ako. Suminghap ako at pumasok na lang sa loob. Sumunod naman siya. Hinarap ko ang counter para mamili ng pagkain at nasa likod naman siya para mamili din.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!