Kabanata 23

1.3M 32.2K 27K

Kabanata 23

Break The Rules

Hindi ko alam kung bakit umiyak ako buong gabi. Pagod na pagod na ako at gusto kog magpahinga ngunit hindi ko alam kung bakit dilat parin ako at umiiyak sa kama ko.

Sinubukan kong bumisita sa Facebook, baka sakaling antukin ako pag nalilibang ang mga mata. Iiwasan ko sana ang mga post na tungkol sa trip kaya lang iyon ang naging laman ng Newsfeed. Puro mga bahong upload ng pictures doon. Meron pang naka tag sakin at mga nila-like ng mga pinsan ko.

Napansin ko ang pag like ni Claudette sa medyo marami-raming pictures at sa bawat view ko ng picture na nilalike niya ay madalas nandyan si Elijah at ako. May isang picture na nakatingin si Elijah sa akin habang kumakain ako.

Kumalma ako sa pag iyak ko dahil sa pagkakalibang sa mga pictures pero hindi ko maiwasang ma weirduhan kay Claudette. Lalo na nang kinover photo ni Chanel iyong picture sa White Island kung saan naka pulupot ang braso nI Elijah sa akin. Nag scroll down agad ako sa mga comments.

"You only plan trips when I'm not around, why?" Ang unang comment ay galing kay Knoxx.

"I love you, Knoxx. Uwi ka na dito." Iyon ang sagot ni Chanel.

"Sweet." Iyon lang ang comment ni Claudette.

"Alin?" Sagot ni Chanel.

Hindi ko kayang basahin lahat ng comments dahil kinakabahan ako ng husto. I'm sure hindi nila nilalagyan ng malisya iyong mga ngiti namin ni Elijah doon. Bago ako nag log out ay nakita ko naman ang bagong status update ni Elijah sa newsfeed ko.

Elijah Montefalco: We can fool the world, but we can't fool ourselves.

Kung saan may makahulugang comment si Claudette doon. Sa dami ng nag comment na walang alam at nagpapa as if na may alam, siya lang talaga iyong nakita kong may laman.

Clau Montefalco: Sad truth. It's wrong but I'm with you both.

Halos itapon ko ang cellphone ko sa malayo at hinagkan ko na lang ang unan ko. Dammit! May alam kaya si Claudette? O masyado ba kaming halata ni Elijah? We really need to stop this. We should seriously stop this. Ilang beses ko bang sasabihin iyon sa sarili ko at bakit hindi ko magawa?

Kinatok ako ni mommy kinaumagahan. Inaantok pa ako dahil sa pagod ngunit desidido siyang magising ako.

"Klare!?"

"Opo!" Sabi ko habang humihikab pa.

Binuksan ko ang pintuan. Bumungad agad sa akin ang nag aalala niyang mga mata. Akala ko ay may sasabihin lang siya pero nagulat ako nang pumasok siya sa kwarto ko. Hindi niya naman ito ginagawa ng madalas.

"Bakit po?" Tanong ko habang niligpit niya ang nakahilera kong gamit sa may tukador.

Medyo magulo ang mga iyon dahil hindi ko naayos sa pag ligpit kagabi sa sobrang pagod. Pumunta ako sa kama ko at sinubukang iligpit na rin iyon. Nakita kong alas nuwebe na pala ng umaga. Gutom na ako at kailangan ko pang pumunta sa school. Tinulungan na rin ako ni mommy sa kumot ko.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!