15TH ROSE || Mission Number 8: Convincing the Model! (Price Kurt Roxas)

20.5K 705 81
                                    

15TH ROSE || Mission Number 8: Convincing the Model! (Price Kurt Roxas)

15TH  ROSE || Mission Number 8: Convincing the Model! (Price Kurt Roxas)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MICHELLE SUMASTRE -

Humikab ako habang nagsusulat ng assignment ko sa Speech and Oral Communication. Hindi ko kasi nagawa kagabi dahil sa sobrang pagod na naramdaman ko dahil sa inutos sa akin ni Nathaniel. Seryoso, masakit parin ang mga binti ko. Takbuhin ko ba naman ang buong campus ng Empire Academy? Grabe lang.

"Mich, lunch break na. Tara kain na tayo? Gutom na ako eh," sabi ni Quia habang hinihimas-himas ang tiyan n'ya.

"Hintay ka lang ng kaunti ah? Malapit na akong matapos sa pag-transcribe ng mga salita," sabi ko.

Nag-pout ulit s'ya. "Such a smarty-pants. Mas importante pa sa'yo ang Oral Com. kesa sa best friend mo? I'm hurt. Hmph."

"Hindi naman~ s'yempre mas mahal kita kesa sa Oral Com. Pero mas kailangan ko ang Oral Com. para sa grades ko," natatawang saad ko habang nakatingin sa naka-pout na si Quia. Nagpatuloy naman ako sa pagsusulat ko habang panay kwento s'ya ng mga bagay-bagay at kung gaano n'ya kinasusuklaman si Kaizzer. Oo, umiinit talaga ang dugo n'ya kay Kaizzer. Kaya hindi na ako magtataka kung sila ang magkakatuluyan. Hahaha.

"Grabe talaga ang pagkamuhi mo kay Kai noh?" natatawang saad ko.

"Prsh. Marinig ko man ang boses n'ya o makita ang mukha n'ya, kumukulo agad ang dugo ko. Nakakainis lang eh," sabi n'ya.

"Hay naku, Quia. O, ayan! Tapos na," nakangiting sabi ko.

"Finally~" halos magpaparty na si Quia nung matapos ako. Sobrang saya n'ya talaga nung matapos ako. Ganito pala s'ya 'pag gutom na gutom talaga? Hahaha. "Leggo!" agad naman n'ya akong hinila patayo, pinulupot ang kanyang braso sa akin at masayang-masayang lumabas ng classroom.


Mga ilang hakbang na ang nagawa namin nung may biglang humila sa akin palayo kay Quia. Pareho naman kaming nagulat sa ginawa nung lalaki pero walang lumabas na salita sa bibig ko.

"Hey!!!" sigaw ni Quia ngunit hindi parin tumigil ang lalaki at hinila parin n'ya ako at tumakbo palayo.

"Price!!! What the heck are you doing?!?!" sigaw ni Quia habang papalayo kami sa kanya. Teka, si Price Kurt Roxas ang humila sa akin?

"I'm sorry, Quia! But I have to borrow Michelle first! This is emergency!" sigaw n'ya pabalik kay Quia at tuluyan na kaming nakalabas ng building.

Napansin ko ring hindi naka-uniform si Price at parang naka-make up pa ito. Teka, ano'ng nangyayari?

"Price, ano'ng nangyayari?" nahinto naman kaming dalawa sa harap ng isang van. Hinarap naman ako ni Price na nakakunot ang noo. Aaminin ko, ang gwapo n'ya sa get up n'ya ngayon. Artistang-artista ang dating.

"Sorry for dragging you all of the sudden, class pres but, I really need your body today."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi n'ya at agad-agad kong tinakpan ang katawan ko. Kumunot naman ang noo n'ya sa ginawa ko ngunit agad namang nanlaki ang mga mata n'ya at naitampal ang sariling mukha.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon