Chapter 29: Ambushed

715 23 1

{ SEOANE's P.O.V. }

Nandito kaming iKON at GA sa living room nang UnderGround Building. Ewan kung anong gagawin namin, nakatunganga lang kaming pareho eh.

Akalain niyo yon? Naging tahimik ang atmosphere. Mayghad, halos hindi ko na ma eye to eye si Kuya eh! Pagkaalis niya mukhang nabuhusan kami nang ginaw na tubig. Hindi na namin alam ang gagawin namin eh.

Ay teka nga? Kami lang naman pala ang magtetraining sa kanila eh. Waaa....kami lang pala ang may sala nang lahat. Agad kong hinawakan ang braso ni Jinhwan, maging si Jinhwan din ay hinawakan ang braso ko which is na ikinagulat din nang iba. Biglaan kasi eh lalong lalo na't tahimik yung atmosphere dito.

"Hala? May saltik ba tong dalawa at naghahawak bras-- omayghad! May something isda ba sa inyo?" rinig kong bulyaw ni Lena pero binaliwala ko nalang ito.

Sunod sunod naman ang pagsalita nang iba diyan pero nanatili parin kami ni Jinhwan na naghahawakan nang braso.

"Tara, magtraining tayo." sabay ulit naming sabi kaya napalaki agad ang mga mata naming dalawa maging yung iba diyan.

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin sana nila at agad siyang hinatak patungong training gym.

Hindi naman umangal si Jinhwan kay nagpahila siya, kaya lang, may napansin ako.

Agad kong binitawan ang kamay niya.

"Teka nga? Anyare? Baki't ganun?" kumunot agad ang noo niya.

"Ewan ko nga rin eh."

"Okay ka lang ba? May saltik ka ba? Bakit magkapareha tayo nang instincts kanina?"

"Okay? Alam mo bang masyadong preoccupied ang utak ko ngayon? Tsk! sige san ba tayo magtetraining?" kunot noong tanong niya.

Napaface palm nalang ako pero kalaunan ay hinatak naman siya ulit patungong training gym namin.
Habang hatak hatak siya ay nakasalubong naman namin sina Aizany at Bobby sa isang Hall.

"Ui! Bobski! Nagtetraining kayo?" sigaw naman ni Jinhwan.

Nagthumbs up naman si Bobby sabay tingin kay Aizany na ngayon ay nakatingin din sakin na nakabusangot at pagod na mukha. Hayystt...gustuhin ko mang tumawa sa mukha niya pero parehas kami ng sitwasyon, pagod at nakabusangot din ang mukha. Tinanguan niya lang ako kaya tumango nalang din ako at hinilang muli si Jinhwan.

Pagpasok naman namin sa Training Gym ay kita naman naming nagmamartial arts sina Lena at B.I

Teka, sa tingin ko mas nauna pa kaming naglakad kaysa nina Lena ah? Aish...I think dahil sa nag-uusap pa kami nun kanina. Nag-aaway pa ang dalawa, oo ng pala, marunong natong si B.I, pero tingin ko he's not that good enough, kita ko ngang nasuntukan siya ni Lena sa tiyan at braso niya.

"Ahargh! T-time out muna ako....ergh!" sigaw ni B.I nang mabagsak ito dahilan na nasuntok uli ni Lena si B.I sa tiyan.

Agad na bumitaw si Jinhwan sakin at tumakbo papalapit kay B.I. Wait? Di ko napansing nagkahawak parin kami nang kamay nun ah? Aishh..

Lumapit narin ako sa kanila at tumabing nakatayo kay Lena which is nakatingin lang kay B.I na nakahiga at si Jinhwan na tinulungan si B.I.

"Hey. Nagtraining na kayo?" sabi sakin ni Lena at talagang pinagpawisan pa. Kanina lang ba sila? Ang tagal pala naming nag-usap ni Jinhwan at kumausap kina Aizany.

"Kanina lang kayo?"

"Nope. Bago pa. Bakit?"

Umiling nalang ako at tinawag si Jinhwan para naman makapagstart na kami. Agad kong kinuha ang tali ko at tinali ang buhok ko.

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now