sya^ ay naadik lang naman daw sa kwentong ito. tsktsk.. adik.. ehe. tuwa and tawa much ako ehh :DD 

perrro di nga??? may nakukyutan/nagagandahan/ nageenjoy tlga sa story na toh??? WEHH??? nyahaha chos! wag nyo na lamang akez pansinin at read nyo na toh.. yabyu guys and chalamat X3 *bows*wink!*tago* 

- - - - - - 

xx9: Perfect Weekend...or is it? 

[RACHELLYN's PoV] 

6:37 AM..

Ugh.. Antok pa ko.. =__=

*kusot mata* 

Ehh.. Napangiti naman ako bigla nang mag-isa.. Naalala ko kasi si Ate Hazel. Dahil sa sobrang tuwa ko sa kanya kagabi, pati panaginip ko sya na ang laman. Hehe.. Haay.. Makabangon na nga at baka maunahan pa ko ng anak ko. Aga pa naman lagi gumising nun. 

Pagkahilamos ko, pumunta ko ng kwarto nya. I checked him and he is still fast asleep habang yakap-yakap sya ni CJ na tulog na tulog din.

Nandito nga pala si CJ. Dito sya natulog kasi...gusto nya raw dito matulog. Hehe. Naglalambing sya kagabi eh kaya di ko na sya natanggihan. Tutal naman, pinaghintay namin sya ni Andy nang napakatagal kagabi at di ko man lang sya natext agad na male-late pala kami umuwi. 

Hmm.. Dapat gising na sila nang ganitong oras ah. Siguro nagharutan pa sila bago natulog! Kagabi kasi nagising pa si Andy habang pinapalitan ko sya ng damit at nang makita nya si CJ, nawala antok nya. Sabi ni CJ sya na bahalang magpatulog ulit kay Andy pero di ko lang alam kung natulog nga ba sila agad. Tss.. Mga pasaway.. 

I shook my head while smiling at them and inayos ko ang kumot nila. Pagbibigyan ko na sila, weekend naman ngayon at minsan lang magpuyat ang baby ko.

Habang tulog pa sila, naghanda na ko ng breakfast namin. Pancakes for today. 

Mix-mix. Hugas. Luto. Ayos ng mesa. May one hour din nang matapos ako pero yung dalawa, di pa gising! T3T 

Bumalik ako sa kwarto ni Andy at tulog pa rin siya pero si CJ, nakita kong gumalaw patalikod kay Andy.

"CJ?" tawag ko sakanya pero di sya sumagot kaya lumapit na lang ako sa side nya. "CJ? Bangon na.."

Di na naman sya sumagot! Pero alam ko, nagtulug-tulugan na lang sya.. T3T 

"DA-DHIEEE~" Inalog-alog ko sya para mapilitan syang sumagot pero-- BIGLA NYA KONG HINAWAKAN SA PULSO SABAY HATAK SAKIN PAHIGA AT NIYAKAP AKO SA ILALIM NG KUMOT! O///O 

"Bakit Mhie.." Mahinang tanong nya sabay press ng labi nya sa noo ko! 

>///<

Airconditioned tong kwarto ni Andy kaya ang sarap ng ganito. Malamig pero nakabalot ka ng makapal na kumot at may nakayakap pa nang mahigpit sa katawan mo. Not to mention, lalaking mahal mo pa ang kayakapan mo. Haay.. Ang sarap talaga.. Ang sarap matulog.. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!