Chapter 54: Destiny's Side

Magsimula sa umpisa

“Kailangan kong puntahan si Van” sabi niya sa kanyang sarili ng maalala na talaga niya ang lahat. Lahat-lahat. 

Nagmamadali siyang nag-ayos ng kanyang sarili at nagbihis para puntahan si Van para sabihing naalala na niya lahat. At para sabihin ang isang magandang balita na nasisigurado niyang makakapagpasaya sa minamahal niya. Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan at habang nagmamaneho siya ay hindi niya mapigilang maglabas ng luha dahil sa naalala niya at kundi dahil sa paniginip niya, hindi niya maaalala lahat...

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para madaliin ang pagpunta niya kay Van dahil natatakot siya na baka mamaya ay bumalik na naman siya sa isa niyang bahagi na masama. Sana, bago man lang mangyari ‘yun ay masabi niya kay Van ang mga gusto niyang sabihin...

When she was in front of the Walker’s Mansion, she didn’t hesitate to climb up the gate in full speed and run towards the mansion. She was about to open the door but someone’s opened it first...

“KISHA?!” gulat na gulat si Jick na makita si Kisha sa harapan niya na pwede ng pasukan ng langaw ang bibig niya...

“PUTA ANONG SABI MO?! KISHA DAW?!” rinig pa niya ang isa pang pamilyar na boses na nanggagaling sa loob...

“WAAAAAAAAAH! TREY!!! ANDITO NA DAW SI KISHA!” nakarinig naman siya ng lagabag sa loob at ang pag-aray ng lalakeng huling sumigaw. Maya-maya pa ay may narinig naman siyang lagabag ng mga paa na para bang tumatakbo at bago pa muling makapagsalita si Jick ay naitulak na siya ng Archer Brothers papasok sa loob sanhi ng pagkahiga niya sa sahig...

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! KISHA WE MISS----“ 

“EHEM!!!!” napalingon naman sila ng makita si Van na masamang nakatingin sa kanila. Yayakapin na kasi sana nila si Kisha kaso naabutan sila ni Van. Agad naman silang umalis ng hindi man lang lumilingon sa nalilitong mukha ni Kisha. Takot na lang nila kay Van, baka mailibing sila ng buhay...

“V-Van...” tumakbo papalapit si Kisha kay Van at niyakap ito ng mahigpit na sinuklian naman ni Van ng mahigpit ding yakap. Ilang minuto silang nanatiling magkayakap bago ikinalas ni Kisha ang sarili niya dito... “May importante akong sasabihin. Kailangan ko na ‘tong sabihin agad bago pa ako bumalik sa isa ko pang bahagi” nagmamadaling sabi niya. Damang-dama ni Van ang pagkakaba ng dalaga at takot na kahit anong oras ay maging masama siya...

“What is it Kisha? Tell me” hinawakan niya ang pisngi nito at pinagdikit ang kanilang noo...

A tear escaped from her eyes and with a shaky breath she said... “May anak tayo Van” 

Van’s heart skipped a beat. Different emotions passes through him that he doesn’t know what to feel. He stared at Kisha. He’s out for words. “W-What...r-really...” napangiti siya ng sobrang lapad na halos mapunit na ‘yung pisngi niya. Ang daming tanong sa isip niya na kung paano? Kailan? At higit sa lahat, nasaan ang anak nila? “Bakit...kelan pa? Nasaan siya?”

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Kisha at namumuo na naman ang luha niya sa kanyang mata... 

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!