Chapter 11: The Thing with Trust

Jett is really mean hindi lang sa ibang tao kundi maging sa sarili niya. Hindi tama na pinaparusahan niya ang sarili niya sa isang bagay na matagal ng nangyari. He is being unfair. Pwede bang kalimutan niya muna ang lahat? Kung natatakot siyang masaktan ang mga taong maaring mapalapit sa kanya hindi ba pumapasok sa isip niya na may mga tao ding kayang magsakripisyo para lang makasama siya?

Bumalik ako sa room kung saan naghihintay si Snow para sabay kaming umuwi ng dorm.

"So, how did it go?" tanong niya habang nakacross arms at nakasandal sa pader na katabi ng pintuan.

"Hindi ko napapayag si Collin." sagot ko. "But he promise to help though. Hindi nga lang sure kung kailan."

"That's good." She commented. "Ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyo ni Jett?"

I shake my head. "Please, I don't want to be reminded." I groan inwardly nang maalala ang mga eksena sa training room kanina. "Bakit ba kasi kailangang si Jett ang training partner ko."

Lumabas kami ng school building. Tahimik lang si Snow. Maya maya bigla siyang nagsalita.

"You didn't really know how lucky you are, I guess." Nakatingin ako sa malawak na soccer field nang sabihin niya yun.

Napalingon ako sa kanya. "What do you mean?"

"Alam mo bang ikaw lang ang nag iisang naging traning partner ni Jett. Never siyang pumayag na magkaroon ng training partner."

I nod casually. "Uh huh. The hottest guy in school is my training partner. I'm so lucky." I answer dryly. I'm not being sarcastic. He is literally the hottest guy here, he can burn me to ashes remember?

"Not that part." Seryosong sabi ni Snow. "Ariela, kung alam mo lang kung ano siya noong wala ka pa sa Academy."

Natigilan ako. Snow sounds like there something even worst sa mga pinapakita ni Jett.

"It's weird, you know. Yang care-hate relationship na meron kayo," she pauses before glancing at me. "But that's the most emotion I have seen from Jett since freshmen year."

A sad smile crept in Snow's lips. "It took years before anger vanishes from him. Now, he is starting to care. I hope it's a good thing."




May tinatago si Snow. Naramdaman ko yun sa paguusap namin. Para siyang natatakot. Hindi ko alam kung bakit.

"Now, he is starting to care. I hope it's a good thing."

Isa yan sa paulit ulit na nagp-play sa utak ko. Of course it's a good thing! Kailan pa naging mali ang pagaalala sa ibang tao. Pero noong sinabi niya yun para bang isang kasalanan ang nagawa ni Jett. Para niya akong binabalaan pero hindi niya masabi ng derecho sa akin.





Few Days Later:

Pumasok ako sa training room. This will be my second time to train and honestly mas natatakot ako ngayon. Siguro dahil alam ko na ang pwedeng mangyari at hindi na ako pwedeng magkamali. Naubos na ang begineer's luck ko. This time kapag nagkamali ako katapusan ko na. Jett would never help me. I just know it. Pero ayoko ding isipin niya na tuluyan na akong sumuko.

Pagpasok ko nakatayo sa gitna ng training room si Jett at nageensayo ng fire blades. Wow. Ang aga niya pagdating sa mga ganitong bagay. Tinitigan kong mabuti ang kapangyarihan niya. A shiver runs down my spine. Nakakatakot ang kapangyarihan niya. Kaya niyang magpalabas ng blade na gawa sa apoy na kasing talas ng kutsilyo. Kaya niya akong saktan kung gugustuhin niya. Huminto siya sa ginagawa niya nang mapansin ako. He stares at me with the same look he often gives when looking at a blank wall. Para bang sa paningin niya ni hindi ako nage-exist.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!