Chapter 32

27K 320 58
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

TWO DAYS after mahanap si Lee ay tumawag si Tita na iuuwi na raw siya dito sa amin at idederteso sa national hospital. Sa buong dalawang araw ay halos tulog daw si Lee dahil sa sobrang dehydration at stress ng katawan niya. I, together with Brix, Thom, Ray, Brie and Czar, will be there to meet them.

"It's okay now," salubong sa akin ni Tit. Agad niya rin akong niyakap. "Thank you kids for taking care of Lhaine and praying for Ryan. You can go in now," tuloy ni Tita saka binuksan ang pintuan sa harap namin.

"Ikaw na muna ang pumasok," sabi ni Brix. Czar and Brie were cheering on the sideline. I just smiled and went in. Nakahiga si Lee nang pumasok ako. May swerongng nakakabit sa kanang kamay niya at halatang-halata ang pagpayat niya. Bukod doon ay nangingitim ang gilid ng mga mata niya, bitak-bitak ang labi at markado ang pangingitim ng balat niya.

"Nandito na ako," hinawakan ko ang kamay niya. Bumukas ang mga mata niya at binigyan niya ako ng isang blankong ekspresyon.

"Who are you?" namamaos ang boses niya. Binawi niya ang kamay niya mula sa akin.

"Lhaine Lee, as in Lee. Huwag ka namang magbiro ng ganyan."

"Miss, nagkamali ka yata ng pinasukang kuwarto. I really don't know you."

"Lee naman," hahawakan ko sana ang kamay niya pero inilayo niya iyon.

"Stop touching me. Get out Miss," hinila niya ang kumot niya at pinikit ulit ang mga mata.

"Stop joking around," seryosong sabi ko. Hindi siya gumalaw at sumagot. Minabuti ko nalang na lumabas at sabihin sakanila ang nangyari. Both Tito and Tita were puzzled dahil kilala naman daw sila ni Lee. Umalis silang dalawa para kausapin ang doktor ni Lee.

"Baka nagkamali lang ng gising. This is just a glitch," sabi ni Brie. Ngiti lang ang ibinalik ko sakanila. Moments later, kasama nina Tita ang ilang doktor na pumasok sa room ni Lee. Lumabas si Tita pagkaraan ng ilang sandali at tinawag niya kaming dalawa ni Brix para pumasok.

"How about them? Do you remember anything about them?" tanong ng doktor kay Lee. Tinignan niya kaming dalawa saka umiling.

"What was the last thing you remember? Just the first thing that comes to your mind without forcing it," sabi ulit ng doktor sakanya.

"Going inside a comfort room on my first day at this new school... That's all..." sagot ni Lee makaraan ang ilang sandali. That was exactly seconds or minutes before we first met. Pinagpahinga si Lee kaya't lumabas kaming lahat.

"Both his CAT and MRI scans here and overseas are normal and his basic funtioning's also ok. It's too early to tell but he might be experiencing Acute Stress Disorder. The crash might have been really stressful for his body. We'll take a closer look. I'll refer him to a psychologist right away. For now, please refrain from stressing him. Don't force him to remember too," paliwanag ng doktor.

"Yes, we understand," tugon nina Tito. I was so stunned that I never managed to say a word.

"Lhaine, this must be a temporary thing," lapit agad ni Brie sa akin.

"True. Imposibleng si Lhaine pa ang makakalimutan niya," sunod ni Czar. I did not cry or complain. To me, him being alive is already okay—this thought should comfort me right now.

* * *


Ryan Lee Sanchez - POV

Su buong isang linggo ko sa ospital ay ilang tests ang inulit-ulit ng mga doktor. Ipinaliwanag nila sa akin na may Acute Stress Disorder ako na puwedeng temporary lang o maging permanente dahil sa trauma. Imagine my surprise when I was also told that I survived from a plane crash.

"You're delayed with your classes. Do you want to conitnue this school year and make it up on summer or do you want to stop for a while?" tanong ni Dad. Pauwi na kami pero hanggang ngayon ay wala silang binibigay sa akin na buong detalye.

"I can still continue. About the psychologist appointment, I don't want that. Kung importante naman siguro ang nakalimutan ko ay babalik din iyon. I can still function without that memory as far as I'm concerned. What was I doing in Macau anyway?" baling ko sakanilang dalawa.

"You were with us. Ang sabi ng doktor ay huwag mong piliting alalahain ang lahat because it might cause you more stress and you may end up erasing all of your memories," sagot ni Ma.

"You'll attend sessions with a psychologist and that's final," sabi rin naman ni Dad. Hindi na ulit ako nagtanong. Pagktapos magpakita nung Lhaine sa ospital noong nakaraan ay wala ng ni isang dumalaw sa akin. I expected Yaj to show up but she didn't.

Pagdating namin sa bahay ay may malaking sign na 'WELCOME HOME LEE' sa may gate. When did people start to call me Lee? Pagpasok namin sa loob ay may ilang taong pinakilala ni Dad bilang mga classmates at schoolmates ko raw. Isa-isa silang lumapit sa akin para magpakilala bukod kay Lhaine na katabi sa hagadan ang kasama niyang pumasok sa ospital dati.

"Team captain si Brix Risaralda," tinuro ng Thom ang katabi ni Lhaine sa hagdanan.

"Brix Risaralda, kapatid ni Yaj," tumayo at lumapit sa akin ang itinuro ni Thom na Brix. Nakipagkamay agad siya sa akin kagaya ng ginawa ng iba.

"What the heck? Walang kapatid si Yaj. More importantly, mayroon ka ba ng number ni Yaj?" sabi ko nalang. Ang presko ng aura ng taong 'to ah. Nilingon ni Brix si Lhaine bago niya inabot ang hawak niyang phone sa akin. Sinave ko ang binigay niyang number at gumilid para sana tawagan si Yaj.

Bigla nalang akong nilapitan ni Lhaine at hinablot mula sa akin ang phone ko. "Anong ginagawa mo? Kahit na ilang text pa ang ipadala mo kay Yaj—" she started to say.

"Lahat ba ng nandito ay kilala si Yaj?" putol ko sakanya. Binawi ko narin ang phone ko mula sakanya.

"Yup, schoolmate natin siya at kapatid niya nga si Brix kaya mag-ingat ka sa mga ginagawa mo."

"Are we that close before? Siguro ay may gusto ka sa akin?" I teased her. This might get her to stop.

"More than you can imagine," pahamon na sagot niya. What does she mean?

"Excuse me," sabi ko nalang para gumilid at tumawag na talaga. Nagring saglit ang numerong binigay ni Brix bago may sumagot.

"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya at sigurado akong hindi iyon si Yaj. Right in front of me was Lhaine holding her phone too.

"Number mo 'to?" binaba ko ang tawag at nilapitan siya.

"Sinabi ko ng kapatid niya eh. Akin na nga, ako na magbibigay sa'yo," kinuha niya lang ng basta-basta ang phone ko at saka nagpipindot. "That's her number. Kaso lang may boyfriend na si Yaj kaya good luck," ibinalik niya ang phone ko bago bumalik sa grupo ng schoolmates namin.

"There you are! Halika, ipapakita namin ang pictures natin," hinatak ako ni Czar bago pa ako makatawag. Sila na ba talaga ang mga dapat na kaibigan ko ngayon?

Mula sa isang laptop ay may slide show ng pictures silang pinakita. One was on the beach, the other a paintball war? How awesome is that school? Sinubukan kong i-focus ang atensyon ko sa mga litrato. Lhaine and I were on every picture. Biglang sumakit ang ulo ko at umikot ang paligid ko.

"Mukhang kailangan na ni Lee ng pahinga, tara na," isinara ni Lhaine ang laptop at ipinasa iyon kay Brix. She just called me Lee. Isa-isang nagpaalam ang mga kasama niya bago lumabas.

"Magpahinga ka na," si Lhaine ang huling lumabas. Mula sa taas ay dumungaw ang mga magulang ko at puno ng pag-aala ang mga mukha nila. Umupo ako sa sofa at ipinikit ang mga mata ko. My head hurts.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon