Prologue

239K 5.1K 2K
                                    


"All our dreams can come true, if we have the courage to pursue them." – Walt Disney


Concordia Academe is a prestigious academy for dreamers like me. Halos lahat ng nangangarap maging kilala sa larangan ng music, dance at drama ay gustong makapasok sa academy na 'to. Karamihan kasi sa alumni ng Concordia Academe ay mga naging sikat na artista at ang iba pa nga ay nakilala sa buong mundo.

Isa na nga ako sa mga nangangarap makapasok dito dahil katulad ng iba, gusto ko rin makilala at ipakita sa mga tao ang talento ko.

Alam kong mahirap. Alam kong marami akong pagdadaraanan at ihinanda ko na ang sarili ko para sa mga 'yon.

Kaya lang hindi ko alam na sa pagpasok ko sa academy na 'to, hindi lang pala ang kakayahan ko ang masusubok. Hindi lang pala ang mga subjects, mentors pati na rin ang grades ang magpapahirap sa akin.

Magbuhat nang makapasok ako sa academy na 'to, naging magulo na ang boring kong mundo.

Ikaw ba naman ang maipit sa alitan ng dalawang grupo – lalo na ng dalawang tao, ang magkaroon ng bestfriend na parang laging may galit sa mundo, ang pag-initan ng taong hindi mo naman inaano at ang kulitin ng bestfriend ng isang taong naging malapit na sa 'yo... ewan ko na lang kung hindi ka maguluhan.

Gusto ko lang naman tuparin ang pangarap ko. Kaya lang bakit parang nagkagulo magbuhat nang may makabunggo akong isang tao? Kakayanin ko ba 'to?


***


I don't own any of the pictures and music that will be posted and mentioned here. Copyrights go to the rightful owners.

There are a lot of characters. Mas marami pa sa Teen Clash kaya baka maguluhan kayo. But kaya niyo na 'yan. Hahaha.

Don't search for the IG/Twitter usernames na makikita niyo dito. They don't exist. And if ever man may makita kayong same username, hindi akin/hindi sa story 'yon.

You can check my Twitter @iDangs_ for more chika about the updates and all. You can choose to follow or not. Nakapublic naman. That's all. Happy reading! :)  


***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon