Chanyeol's POV
Sinag ng araw ang gumising sa akin. Ang laki ng ngiti ko dahil sa nangyari sa amin ni Nana kagabi. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit palapit sa akin. At hinawakan ung buhok nya. Pero parang may kakaiba sa ayos nito bakit parang buhok ng panlalaki? Siniksik ko ung mukha sa buhok niya at inamoy iyon ngunit hindi iyon ang amoy ng shampoo ni Nana. She hates strawberry scent. Sino ito? Medyo nag iba din ung hubog ng katawan nya at medyo lumiit. Buong lakas kong iniharap ung taong kaharap ko at laking gulat ko na hindi si Nana ung katabi ko.
"Ahh…si-sino ka?" Agad naman siyang nagising, bumangon ako bigla ng makita ko na ibang tao ang nasa tabi ko. Agad naman nya kinuha ung salamin sa side table at sinuot ito. Teka mukhang pamilyar tong lalaking ito ah.
"I said who are you?" Pag uulet ko.
"Si.. Sir a..ako po si Baekhyun"
"ANONG GINAGAWA MO DITO SA KWARTONG ITO? NASAAN SI NANA?"
"Sir kwarto ko po ito… at mag isa lang po kayo na pumasok dito."
"WHAT??!!! YOU MUST BE KIDDING ME. THIS IS MY ROOM NOT YOURS. AKO ANG MAY ARI NG HOTEL NA ITO AT NASA ROOM 09 ka."
"NO sir room 06 po ito."
What!??? Bigla akong nagtungo sa pinto at laking gulat ko at 06 nga ung nakalagay namali ako ng pasok. Napasabunot na lamang ako ng buhok. At bigla kong naalala na tumawag pala sa akin si Nana kagabi at nakikipagbreak. Tinignan ko ung lalaki sa kama at mukha siyang walang muang sa mundo. At laking gulat ko ng may nakita akong dugo sa kama. Talagang may nangyari sa amin at mukhang nakuha ko ung virginity nya.
"Ikaw anu ulet ang pangalan mo?"
"Baekhyun po Byun Baekhyun"
"Parang pamilyar ka sa akin nagkita na ba tayo?"
"O…opo sa may coffee shop po at sa elevator kahapon." Oo nga siya nga yung nakasabay ko sa elevator sa kumpanya.
"What? Ibig sabihin nagtratrabaho ka sa kumapanya ko?"
"Opo…"
Nako malaking pagkakamali ito. Hindi pwedeng malaman ng iba ito. Im Park Chanyeol. Kinuha ko ung wallet ko at naglabas ako ng cheque book at pinirmahan ko yun na naglalaman ng halagang 20k para manahimik sya sa nangyari sa amin. Hindi pwede ito malaman ng ibang tao dahil pag tatawanan nila ako.
"Eto tanggapin mo." Nag angat naman siya ng baba at tumingin sa akin.
"Ano ito?"
"Cheque tanga ka ba at hindi mo alam yan."
"Alam kong cheque eto ang tanong ko para saan ito at baket mo ako binigyan ng ganito?"
"Para sa nangyari sa atin kagabi. Isang malaking pag kakamali yung nangyari sa atin. Im Park Chanyeol ang tagapagmana ng Park Corporation at ayaw kong madungisan yung pangalan ko dahil sa pagkakamali. Para tumahimik ka wag na wag mong sasabihin sa iba yung nangyari sa atin. Isa ka lang ONE NIGHT STAND" bigla na lang niya ako sinampal ng malakas sa pisngi at pinulot ung mga damit sa sahig at lumabas ng kwarto.
Naiwan ako sa kwarto habang hawak hawak ko ung pisngi na sinampal nya.
Baekhyun's pov
Walang patid ung pag iyak ko habang pauwi na ako sa bahay namen. Alam ko na pagkakamali yung nangyari sa amin kagabi pero di naman niya kailangan na bigyan nya ako ng pera para doon. Parang ang baba ng tingin nya sa akin hindi naman ako p*k2x para bigyan ng pera. Kinuha nga nya ung V-card ko. Peste kasing alak na yan.
Ng makarating ako sa condo na tinutuluyan namin nila Kyungsoo at Luhan pumasok ako agad sa kwarto ko at doon ko ibinuhos yung sama ng loob ko hanggang sa nakatulog ako.
Nagising ako ng may yumuyogyog sa akin napamulat ako ng makita ko si Kyungsoo sa kwarto ko.
"Hoy di ka pa ba babangon dyan? May trabaho pa tayo malalate na."
Oo nga pala may pasok na. Pero tinatamad akong pumasok at saka baka magkita kami ni Mr. Park hindi ko alam ang gagawin ko.
"Pwede bang wag nang pumasok tinatamad ako." Nakita ko si Kyungsoo na nagtaas ng kilay.
"Ikaw tatamarin pumasok? Eh isa kang dakilang empleyado na bumabagyo na't lahat papasok ka pa din. May sakit ka ba? Ano bang nangyari sayo pagkatapos naten mag bar?"
"Wala… sige susunod na ako sa baba maliligo muna ako." At tinulak ko sya palabas ng kwarto ko at nilock. Napangiwi ako sa sakit ng pang ibaba ko eto yan epekto ng first time na alam nyo na kaya paika ika ako lumakad.
After na maligo at makapag breakfast dumeretso na kame sa opisina, si Kyungsoo na yung nag drive dahil masama pakiramdam ko. Pag dating ng opisina sumakay kame ng elevator ang daming tao kaya nasiksik ako sa pinakalikod. Nung huminto ung elevator may mga taong pumasok at isa na doon si Mr.Park. Nagtama yung mga mata namin ng ilang segundo pero umiwas din ito.
Maya maya biglang may pumasok na madaming tao at mula sa harapan napunta sa likodan si Mr. Park at nakaharap sa akin. Buti na lang nakatungkod ung mga kamay nya sa aking likodan at pinipigilan na mapalapit sa akin bale parang nakakulong ako sa mga braso nya. Amoy na amoy ko yung pabango niya ang bango. Napalunok ako habang napatingin ako sa kanyang mga labi. Jusko ang swerte ko at natiman ko yun.
"Done staring at me Mr. BYUN?" Bulong niya,nagbalik ako sa ulirat,shems nakatitig pala ako sa kanya
"So…sorry Mr. Park" jusmiyo lupa lamunin mo ko. Nakakahiya.
Mga ilang saglit lang nakalabas na kame sa elevator at nagtungo na sa mga tables namen. As usual madami nanaman ang nakatambak sa lamesa ko na pinapagawa ng mga kaworkmate ko. Hindi ko naman sila mahindian.
After 2 weeks…
"Bes parang gusto kong kumaen ng dilis na isasaw sa nutella."
"Yuck kadiri naman yang pagkain na gusto mo at saka kakatapos lang natin kumaen." Sabi ni Luhan sa akin.
Hindi ko din maintindihan ung sarili ko. Minsan ang sama ng pakiramdam ko,minsan nahihilo ako, minsan sa buong araw antok na antok ako at gusto ko lang matulog ng buong araw. Pag umaga naman ay nasusuka ako.
"Daig mo pa ang buntis kung maka crave ng weird na pagkain" sabi ni. Luhan
Teka buntis… hindi hindi… di ako buntis walang lalakeng mabubuntis.
"Hoy anung buntis na sinasabi mo hindi nabubuntis ang lalake at isa pa wala ngang jowa yan mabubuntis pa" sabat ni Kyungsoo.
Tama tama walang lalaking nabubuntis
"Anung wala. Meron akong nabasa na article na may 0.1% na lalaki na pwedeng mabuntis." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Luhan. Isa kaya ako sa 0.1% na sinasabi ni Luhan. Paano kung mag bunga yung pagkakamali ko? Matatanggap kaya niya..
……………………………………………………………………………………
To be continued………
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
