Kabanata 22

1.3M 34.3K 17.1K

Kabanata 22

Maling Mali

Napatalon ako nang nakitang nagtatawanan ang mga kaibigan ko kasama si Azi at lumipat sa lagoon kung saan kami ni Elijah. Walang imik akong tumayo kaya napatayo din siya at napatingin sa likod ko.

"O, nandito pala kayong dalawa." Tumatawang sambit ni Azi.

Mabilis akong lumangoy palayo kay Elijah. Sinalubong ko ang mga kaibigan kong nagtatawanan at pinilit kong ngumiti para makisabay sa kanila. Nakatingin na si Hannah kay Elijah na ngayon ay nakatayo parin doon nang nakangisi. And he can't take his eyes off me. Nag iwas na lang ako ng tingin.

"Elijah? Baliw na 'to?" Tumatawang sambit ni Azi.

Hindi ko parin siya nilingon. Nakapirmi ang titig ko kay Julia. Aalis na talaga ako dito. Magbibihis na lang ako at maghahanda sa pag alis namin mamaya.

Hindi talaga maganda itong nararamdaman ko. At hindi rin maganda ang inaasal at nararamdaman ni Elijah para sa akin.

"Bihis lang ako." Sabi ko agad sa kanila at nilakad ang patungo sa dulo ng lagoon.

"Huh? Tapos ka nang maligo, Klare? Ligo pa tayo!" Anyaya ni Julia sa akin.

Ayaw ko na sana ngunit pinilit nila ako pabalik. Hinila nila ako doon at pinigilan. Minsan talaga kailangan mo na lang silang pagbigyan para wala ng maraming tanong. Nagulat din ako nang biglang nagtungo doon ang mga nasa kabilang lagoon. Nakita ko si Eion na nakasabay si Josiah at si Cherry na nakasimangot na bumubuntot sa mga kaibigan niya.

"Alis na lang tayo, Klare. Doon na lang tayo sa cottage." Sabi ni Elijah sa likod ko.

Halos mag ugat ang mga paa ko sa ilalim ng lagoon. Paano siya biglang napunta sa likod ko. Lumayo agad ako at hinarap siya.

"Changed my mind. Ligo muna ako." Sabi ko at lumangoy palayo.

Dammit! Alright!? I have to admit. May nararamdaman talaga ako sa kanya at alam kong hindi iyon tama. Dapat ay alam niya ring hindi tama iyong nararamdaman niya. Sana ay lumayo na lang siya sa akin at hayaan na lang ang lahat ng ito. Bakit siya nag lalaro sa apoy? This is awkward and disturbing. Hindi dapat kasi magkadugo kaming dalawa.

"Tumatakbo ka naman ngayon pagkatapos mo akong baliwin kanina?"

Nagtindigan lahat ng balahibo ko nang narinig ko siya sa likod ko. Pagkatapos kong lumangoy ng medyo malayo-layo ay andyan parin siya sa likod.

"Elijah!" Dinig kong sigaw ni Josiah. "Lika dito!" Tumatawang sinabi ng pinsan ko.

Tumingin ako sa likod ni Elijah para tingnan na kinakausap ni Josiah si Cherry habang ang mga kaibigan ko naman ay nag iirapan dahil sa kung ano man ang nalaman nilang marahil ay patungkol din kay Cherry.

"They are calling you-"

"I want to know." Malamig niyang sinabi.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!