Kabanata 1

8.6K 180 5
                                    

Kabanata I

Sa isang malayong lugar, sa isla cantata! May mag-asawang namumuhay ng simple dahil sa kanilang naging desisyon na ipagpalit ang kayamanan sa pag-ibig...

"CUT!!!!!"

Biglang sigaw ni Direk.

"Zoe, sabi ko boses lola! Hindi boses inaasthma!" sigaw nya pa.

Aba aba aba! Bwisit na direktor to!

Tinapon ko yung script at padabog na bumaba sa stage at lumapit sa kanya.

"ABA HOY MATANDANG HUKLUBAN. BAKA NAKAKALIMUTAN MO. IKAW ANG NAGMAKAAWA NA SUMALI AKO DITO PARA SA IKAGAGANDA NYANG PROYEKTO MO. AT WAG MO KONG MASIGAW SIGAWAN KUNG AYAW MONG BALATAN KITA GAMIT ANG NIPPER AT IPALAPA SA ALAGA KONG TIGRE!" sigaw ko sa kanya. Kitang kita sa mukha nya ang pamumutla at panginginig ng katawan.

"Sorry sorry. Oh sige na take na ulit tayo. Punta ka na dun!" sabi nito ng nangangatal

"ABA ABA ABA. AKO PA INUTUSAN MO NGAYON? BAHALA KA SA BUHAY MO. MAGHANAP KA NA NG BAGONG LOLA JAN SA PROYEKTO MO! BWISIT NA TO!" sigaw ko, kinuha ko ang bag ko at dali-daling umalis ng studio.

Tsk. Bwisit na matanda yun. Matapos pumunta sa bahay namin para sabihing gumanap ako na LOLA, take note LOLA CAPITAL L-O-L-A! Ganda kong to gagawin nyang Lola? Tapos pagdating sa shooting sisigaw-sigawan nya ako? Aba sumosobra sya!

Dali-dali akong sumakay sa loob ng kotse at agad agad itong pinaharurot..

Damn that director!!!!

*screeeeeeeeech*

Anak ng teteng...

Bigla kong naihinto ang kotse. Bigla kasing may tumawid na lalaki. At di ko alam kung nasagasaan ko ba o patay na?

Binuksan ko ang pinto ng kotse at nagtungo sa harapan nito.

Ayy..

"Hoy. Ayus ka lang? Kuya? Okay ka lang?" inalog alog ko sya gamit yung paa ko.

"a-a-aray.. Aaahh" sambit nya

"huy. Ano? Anong masakit sayo?" tanong ko, yumukod ako para mapalapit sa kanya.

"Hoy babae, dalhin mo ko sa ospital, ang sakit ng beywang ko ng dahil sayo!" sigaw nya.

"Aba mister! Kung hindi ka ba naman eengot-engot jan na basta basta na lang tatawid sa daan eh di sana di ka nasagasaan!" sabi ko naman. Aba ako pa sinisi ng lokong to! Tuluyan ko na kaya to?

"Aba masama na bang tumakbo sa fans ngayon ha? Paano kung dumugin ako eh di nasira ang gwapo kong mukha!"

Aba. Anong pinagsasasabi ng lalaking to? Fans? Wow ha! Kapal ng mukha parang thesaurus lang!

"Xenoooooon!!!!"

Napatingin ako sa sumigaw. Anak ng..? Totoo ba ang sinasabi ng mukhang kulugong lalaking to? Artista ba sya?

"Tsk. Ayan na itakas mo ko sa kanila dali!" bwisit..

"Teka? Si Zoe ba yun?"

"Oh my God, dalian nyo!"

Tengene. May paparazzi pa palang kasama! Baka maisyu ako neto! Tsk.

Binuhat kong parang sako yung lalaking di ko naman kilala at sinakay sa kotse, agad ko itong pinaandar.

"whooo.. *sigh*" sa wakas. Nakahinga na ako ng maluwag. Ayoko namang maisyu ako sa lalaking di ko kilala. Tsk.

Tahimik lang akong nagmamaneho nang maalala kong may kasama nga pala ako. Hahaha. Tiningnan ko sya. At ang mokong nakanganga!

"Anong ninganganga mo jan?" tanong ko bigla. Mukha namang natauhan sya matapos kong magsalita.

"Paano mo ko nabuhat ng ganun kadali?" tanong nya. Naptingin ako sa kanya at hininto ang kotse.

"I'm a Gangster. That's why!" sagot ko at akmang patatakbuhin na ulit ang kotse ng bigla syang humagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" tawa lang sya ng tawa na halos mangiyak ngiyak na. Anong masamang espiritu ang sumapi sa lalaking to? Anong katawa tawa sa sinabi ko? Nagsabi lang naman ako ng totoo.

"haha.. G-gangster ka? S-seryoso ka? Hahaha! I-ikaw? Haha" sambit nya

"Tsk. Peste naman oh! Bumaba ka na nga! Binibwisit mo lang ako lalo!" sigaw ko!

"haha. So..sorry na.. Haha drive ka na ulit.. Haha" pinigilan nya pa ang tawa nya.. Pinaharurot ko ang kotse tapos binuksan ko yung taas nun. Bahala syang liparin ng hangin =____=

Tuloy lang ako sa pagmamaneho samantalang sya mukhang matatanggalan ng mukha dahil sa lakas ng hangin. Tsk, hahaha XD

Tapos bigla akong nagpreno. Buti na lang nakaseatbelt ako kaso sya hindi eh kaya ayun nauntog.

"Aray! Ikaw na babae ka. Nakakadalawa ka na ah!" sigaw nya.

"Bumaba ka na!" sagot ko naman.

"Why? Isa pa may atraso ka pa sakin. Binangga mo ko remember?" sabi nya then nagsmirk sya.

Wow. It's my turn to smirk.. Haha

"Baka nakakalimutan mo. Niligtas kita sa mga fans-kuno mo! Then we're quits!" sabi ko sabay smirk. Kumunot yung noo nya.

"Aba eh pano naman yung pagkakauntog ko? Pano kapag bumukol to? Kasalanan mo to!" sabi pa nya.

"Bayad yun sa kakatawa mo sa sinabi ko kanina!" sabi ko naman. Biglang sumeryoso ang mukha nya.

"Gangster ka ba talaga?" tanong nya bigla, sumeryoso din ako.

"Do you think that I'm not serious when I said that? Oh crap. Of course I'm serious! Want some proof?" kinuha ko ang baril sa secret pocket sa kotse at tinutok sa kanya.

"Oh. Woah woah! Magiingat ka jan sa hawak mo! Baka maiputok mo yan!" halata sa boses nya ang kaba. Tsk. Duwag naman pala eh.

"Do you believe me then?" tanong ko.

"Oo na. Oo na. Naniniwala na ako sayo. Ibaba mo na yan!" sabi nya then boom nangangatal na ang mokong. XD

Binaba ko ang baril,tiningnan ko sya ng matiim.

"Then leave! NOW" sabi ko.

Agad syang bumaba sa kotse ko, pinaandar ko naman yun agad at umuwi na.

"Tsk. So much stress! Papangit ako sa lalaking yun? Tsk =___="

---

Yumiko Heike's Note

Like ba o dislike?

Sana magustuhan nyo! :)))

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon