Kabanata 21

1.4M 34.4K 18.1K

Kabanata 21

You Jealous

Kinaumagahan ay nagmadali kami dahil pupunta daw kami ng hot spring. Dapat ay sa susunod na araw pa kami uuwi kaya lang ay nalaman namin na mag re-release na daw ng grades bukas at puwede na rawng mag enrol. Ayaw nilang maiwan sa kani kanilang mga block kaya ayun at nag desisyon na umuwi na lang kami. Hindi bale, na enjoy naman namin iyon dahil sa beaches.

Alas sais ng umaga, humikab ako habang umuupo sa gazebo ng resort. Nasa dagat na si Elijah at Azi na parehong nakasakay ng jet ski kasama si Brian.

"Kain ka, Klare." Sabi ni Erin at tinawag iyong waiter.

Binigyan din naman ako ng breakfast menu. Nilapag ang mga pagkain sa loob lang ng ilang minuto. Maganda sa resort na ito. Syempre, ito rin naman ang pinaka sikat na resort sa buong Camiguin.

"Wohooo!" Sigaw nang sigaw ang mga kaibigan namin habang nagtatawanan sina Azi at Elijah sa paghahabulan gamit ang jet ski.

Tutok na tutok naman ako sa kanila ngayon dahil may kaonting pangamba ako. Baka kasi kung mapano na naman sila.

Nakatulog ako kagabi at hindi ko alam kung natulog na rin ba si Elijah. Ang alam ko ay huling tingin ko sa kanya ay nakatitig parin siya sakin. Hindi na ako nagsalita. Pakiramdam ko masisira ko lang kung magsasalita pa ako. Hindi rin siya nagsalita.

"Mauuna ba sa Katibawasan Falls bago Ardent, Chanel?" Tanong ni Erin sa pinsan kong nakikipagbulungan sa boyfriend niyang nasa gilid.

"Uh-huh. Uuwi na tayo. Say, by 2pm. May tickets na tayo. Pagkaabot ng mga one, pack up na agad."

Tumatawa ang mga pinsan ko. Ang gulo nila nang bumalik sa gazebo. Umiling na lang ako at nakita kong humikab si Elijah at kinusot niya ang kanyang mata. Natulog kaya ito? Nang tumama ang tingin niya sa akin ay iginala ko agad ang mata ko sa dagat.

Hindi pa masyadong mataas ang araw. Syempre, alas sais pa lang naman. Kaya lang ay sa pagmamadali namin, kailangan na naming pumunta ng Katibawasan falls. Hindi na kami pumunta sa ibang spots ng Camiguin dahil napuntahan na rin naman namin ang mga iyon noon.

"Klare, tubig." Sabay bigay sa akin ng isang bote ng mineral water ni Eion.

"Thanks." Tinanggap ko iyon at nilagay sa gilid ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin kami gaanong nag uusap. Kahit nasa sasakyan kami ngayon ay wala kaming imikan. Hindi naman rin namin kailangan pang magsalita dahil ang dami dami namang topic na naiisip si Josiah at Azi sa harap.

Mukhang hindi naman ipinagkalat ni Elijah ang tungkol kay Damon kagabi. Kasi kung ipinagkalat niya iyon, malamang ay laman na siya ng usap usapan ngayon. Nilingon ko si Damon na ngayon ay mahimbing ang tulog sa kanyang kinauupuan. Puyat siya kagabi. Marahil ay mas matagal pa itong natulog sa amin ni Elijah.

"Klare, paki bigay 'to kay Eion." Sabay abot ni Liza sa akin ng chichirya.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!