chapter 11

674 20 1
                                    

Jade's Pov

Patuloy lang kami sa pagtakbo nakarating narin kami ng hagdan malapit na kaming makalabas ..makakahinga narin ako ng maluwag..sobra na akong hinihingal ..

Pagdating naming apat sa may 2nd floor ng hagdan bigla kaming napatigil..

"Sa fire exit tayo" sigaw ni mark sa amin dahil siya ang nasaunahan at kami naman ang nahuhuli...

Sinunod namin siya ..bumalik ulit kami para sa fire exit dumaan..nakakapagod ng tumakbo

"Bakit ba tayo bumalik at dito pa dumaan s fire exit" tanong ni andrei

"Gago gusto mo bang malapa ng babaeng nakaitim ..nandun siya sa may hagdan nakangisi sa akin" hinihingal niyang sabi ..ibig sabihin sinusundan niya kami

" tanga ka pre hindi aswang ang tinatakbuhan natin kundi isang masamang espirito hindi tayo malalapa nun" sagot naman ni andrei kay mark

"Oo nga ano" patawa tawa namang sabi ni mark

Tumingin ako sa aking likuran dahil bumalik na naman ang panlalamig ko hawak parin ni sleepy boy ang kamay ko hindi ko na nga rin napansin ..pagharap ko sa aking likuran nandun na ang babaeng nakaitim talagang hinahabol kami ...

"Lumabas na tayo dito" sabi ko sa knila mas lalo na naming binilisan ang takbo halos talunin na namin ang bawat baitang ng hagdan makalabas lang ...

At sa wakas nakalabas narin kami hingal na hingal akong napaupo sa semento at hinihintay kung may lalabas sa dinaanan namin pero wala kaming nakita ...

Pagtingin ko sa wrist watch ko 6:30 na ng gabi ...

"Totoo pala ang multo" sabi ni mark sa amin

"Ang mabuti pa magsiuwi na tayo" sabi ni sleepy boy sa amin ..

"Nasa room pa ang gamit ko" sabi ko sa kanila totoo naman eh kahit yung kanila nasa room pa din ..

"Paano yan babalik pa tayo sa 3rd floor baka nandun yung babaeng nakaitim kainin niya tayo ng buhay" sabi ni mark na mukha talagang natakot

"Ang tanga mo talaga pre multo yun hindi aswang" agad na sabat ni andrei sa kanya

Ang ingay nila ...

"Tara sa kotse ko .."biglang imik ni sleepy boy ..

"May kotse ka" nacurios lang ako baka kasi hindi totoo

"Kasasabi ko lang diba" sagot niya sakin tuluyan na siyang tumayo at naglakad ..

Sinundan namin siya sa paglalakad habang may katawagan siya sa may cellphone niya...

Nakarating kami sa likod ng school andito kasi ang parking lot ..may narinig naman akong tottot ng kotse binuksan niya na siguro

Nagulat naman ako ng makita ko ang isang makintab na red jaguar ..yayamanin si sleepy boy ah

"Ihahatid mo rin ba kami christ"tanong ni mark ..kay sleepy boy este christ pala ..

"Ano pa nga ba ..may magagawa ba ako" sagot naman ni christ naparang napipilitan ..

Nagapir naman ang dalawa na halatang natuwa nagtuloy tuloy na silang pumasok sa loob ng kotse ...

"Marunong ka magdrive" tanong ko kay christ ..ang galing namn niya kung marunong siya

"Oo pero wala pa akong license " sagot niya saakin

Sakto naman na may dumating na matandang lalaki ...

"Oh ayan na pala si mang kardo eh" tuwang tuwang sabi ni mark sabay turo dun sa matanda..

Sumakay na kami ..nasa bakseat kaming tatlo nila mark at andrei at nasa frontseat naman si Christ

"Saan ka nakatira" tanong sa akin ni christ

"Sa bahay"papilosopo kong sagot sa kanya

"Tsk bahala ka nga" ay pikon agad nagpout na lang ako ...

"Diyan lang pagliko sa may kanto sabay kanan at pagdaan sa maliit na eskinita kaliwa naman tapos may makikita kang malaking bahay na kulay puti hindi sa amin yun dun kami sa kalapit nun" sabi ko sa kanya baka kasi hindi ako makauwi eh ..

"Manong naintindihan mo ba" tanong ni christ kay manong kardo napangiti nalang at tumango s manong ..

"Bakit nga pala gabi na kayo mga bata" tanong sa amin ni manong

"May nangyari po kasing kababalaghan" sabi ko kay manong ..

Huminto na ang sasakyan kaya bumaba na ako nagpaalam na ako sa kanila..halata ang pagod sa kanilang mga mukha .kahit ako nakakaramdam na din ng pagod ...

"Iha magingat ka " sabi sa akin ni mang kardo ..tumango na lang ako kay manong para kasing may ibig sabihin ang sinabi niya..hay bayae na nga ...teka naalala ko na ..yun yung jaguar na kung bakit ako nasabuyan ng putik sa mukha noong bumili ako ng mga school suplies ..humanda ka sa akin bukas christ..

Binuksan ko na ang gate at pumasok na sa loob ...

"Ginagabi ka ata ng uwi anak ah" tanong agad sa akin ni mama

"Pasensya na ma may nangyari kasi" nakayuko kong sabi sa kanya ...

Tumuloy na ako ng kwarto ko at hinila na agad ako ng antok masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito...

Christ's Pov

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari kanina ....ngayon lang ako nakakita ng multo kaya pala sa tuwing natutulog ako sa stockroom may bumubulong sa akin ...nagtataasan na namn ang aking mga balahibo ..

"Si Mrs. Veronica nagpaparamdam na" biglang imik ni mark..akala ko tulog na ito

"Paano mo naman nasabi"takang tanong ni andrei

"Hindi bat siya lang naman ang namatay dun" sagot ni mark..napatango na lang si andrei

"Oh bumaba na kayong dalawa" sabi ko sa kanila magkapitbahay lang naman sila kaya wala ng problema ..tsaka wala namang mawawala sa kanila...

"Pre salamat sa susunod ulit" sabi nila sakin nagnod nalang ako at pinaandar na ni manong ang sasakyan...

"Manong totoo ba ang mga espiritu" takang tanong ko kay manong

Tumingin muna saakin si manong bago magsalita at binalik ang tingin sa dinadaanan namin...

"Ang tao ay binubuo ng kaluluwa at katawan ngunit sinasabi na kapag namatay ang tao lulamalabas ang kaluluwa nito sa katawang namatay ..subalit sinasabi na sa biblia na ang mga kaluluwang ligaw  o tinatawag nating multo ay mga dating anghel na ipinatapon ng diyos sa lupa dahil sa kasalanan ...sinasabi na sila ay mga demonyo..ginagaya lamang nila ang mga taong namatay upang mapaniwala tayo at upang makuha tayo" mahabang sabi niya sa akin at muling nagsalita

"Subalit may mga kaluluwang sadyang hindi mapatahimik dahil sa galit o may gusto pa silang gawin dito sa mundo" sabi niya sakin

"Bakit may nakita ka naba?" Tanong ni mangkardo sa akin

Tumango ako ..

"Basta ang tandaan mo huwag kang matakot sa patay dahil wala na silang magagawa pa matakot ka sa buhay dahil marami silang magagawa sayo, saatin para tayoy saktan" sabi pa niya sa akin

Napaisip ako samga sinabi sa akin ni mangkardo ..sakto naman na nasa tapat na kami ng bahay bumababa na ako ng kotse ng muli siyang nagsalita..

"Ipapaalala ko sayo yung kaninang kasama mong babae may sumama sa kanya" naguluhan ako sa sinabi ni manong tatanungin ko pa sana siya kaya lang nakaalis na si manong...

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon