Prologue

32 4 3

*Boooogggsshh**Boogggsshh*

*Bang* *bang*

"Adira, umalis na kayo dito habang may oras pa, lumayo kayo, pumunta kayo sa ligtas na lugar kong saan kayo hindi mahahanap!"pagtaboy ng kanyang asawa sa kanyang mag-ina, na may Maraming sugat ang natamo.
Dali dali naman niyang pinutukan ang mga kalaban na humahabol sa kanila.

"Pero Lorenz, hindi ko kayang iiwan ka dito, hindi maaring lumayo kami sayo" bakas ng lungkot sa mukha ng ina na hindi magawang iwanan ang kanyang asawa, habang ang bata naman ay umiiyak sa takot.

Hinawakan ni Lorenz ang mga magkabilang balikat ni Adira,tinignan niya ang mga mata nito na naluluha sa takot, kaba at lungkot. " Adira, kailangan niyong magtago, naiintindihan mo ba ako?"

"Pero baka iiwan mo kami--"

"Hindi Adira, hindi ako susuko, hindi ako mamamatay, hahanapin ko kayo pag natapos na ang labanan na ito, babalik ako, pangako" pagpapakausap ni Lorenz kay Adira, at niyakap niya ito. Binigyan tingin naman niya ang anak nila na nakahawak sa kamay ni Adira.

" Alizah anak, magtagu-taguan tayo si daddy ang taya, bibilang ako ng lima, dapat nakatago na kayo ni mommy" yinakap niya saglit ang bata at hinalikan sa noo, kahit labag man ito sa loob niya na pakawalan ang mag ina niya, ginawa niya parin para sa kaligtasan nila.

"Isa.............." Dahan dahan niyang binitawan ang mga kamay ng kanyang mag ina. " Dalawa......" Pinutukan na naman niya ang mga papalapit na kalaban. "Tatlo..." Unti unti ng tumakbo palayo ang kanyang mag ina. "Apat....." Tinutukan niya ng baril ang papalapit. " Lima *bang*" ngunit naunahan na siya nito.

"Dadddddyyyyy" sigaw ng kanyang anak dahil sa nasaksihan niyang nabaril ang kanyang ama.
Hindi nagdalawang isip ang ina na kargahin ang kanyang anak, at tumakbo ng mabilis.

Ng makalabas sila sa gubat may naabutan silang hotel, at dun muna nagpasamantala sa gabi.

*Tok, tok* matutulog na sana sila ng may kumakatok sa kanilang pinto. Kinuha ng ina ang kanyang kutsilyo sa lamesa. Ng mabuksan niya ang pinto, wala siyang naabutan na tao pero may puti na sobre sa sahig sa tapat ng pinto. Pinulot niya ito at binuksan.

Mahal na Adira,

Alam kong mababasa mo lang ito kapag wala na ako, ipangako mo sakin na protektahan mo ang anak at sarili mo sa mga kalaban habang wala na ako, kung maari pumunta kayo sa lugar kung saan ligtas kayo. Ipapasa ko sayo ang pwesto ko sa oraganisasyon, pero kapag tumungtung na sa edad na 18 si Alizah, ipamana mo sakanya ang posisyon mo siya ang magiging Mafia Heiress na ating organisasyon. Sa ilalim ng kama natin sa bahay may kahon dun, at dun nakalagay lahat ng mga papeles ko, pera at kayamanan natin, sa inyo na ito lahat gamitin niyo iyon para mamuhay ng mapayapa. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Paalam mahal ko.

Lorenzo Monziano

©ExtravertWriter



Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!