Kabanata 20

1.3M 36.1K 18.5K

Kabanata 20

Sleep Talking

Nanginginig ang binti ko kahit na nakaupo lang ako. Para akong lumulutang sa hangin. Ni hindi ko nilingon na umalis si Elijah. Hinayaan ko lang siya na lumayo sa akin. That's it. You need to go. Dahil kung hindi ka aalis ay baka...

Kahit aling anggulo ko tingnan, mali ito. Mali itong nararamdaman niya para sa akin. Mali itong lahat. We are cousins. Blood related. Kahit na sabihin kong hindi naman talaga kami close ni Elijah noong bata pa kami hanggang high school ay hindi ko maipagkakaila na mali parin talaga ito. Nakilala ko siya bilang pinsan. This is so wrong. Bakit at paano ko ito naramdaman ay hindi ko alam.

Hinihingal at nanginginig na bumalik si Azi at Josiah sa kinauupuan ko. Tumatawa sila habang tumutulo iyong tubig dagat sa kani kanilang mga buhok.

"Damn, see her rack, Azi?" Sabi nI Josiah habang tinititigan ang isang kutis porselanang babae na namumula dahil sa init ng araw sa kabilang banda ng isla.

"Asan si Elijah, Klare?" Tanong ni Azi habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok.

"Dunno." Simple kong sagot.

"What?" Natigil siya at tinitigan niya akong mabuti. "Away na naman ba kayo?"

"Hindi, Azi." Sabi ko nang medyo naiinis.

I want to be alone, too. Kaya lang, saan ako pupunta? Kung aalis ako ay baka makasalubong ko lang si Elijah. I would rather be alone with these two.

"Did you push the asshole button again at nag walk out na naman siya dahil sayo?" Sabi ni Azi ng natatawa.

Alam kong nagbibiro siya pero ngayon ay parang na offend ako. Kasi iyon ang totoo. Nag walk out nga siya dahil sa akin. Inirapan ko siya at pinigilan ko na lang ang sarili kong magsalita.

Hindi ko na namalayan ang oras. Tumunganga lang ako roon sa gulong na duyan dahil gusto ko munang mapag isa. Nang nagpasya na silang umalis dahil lumulubog na ang araw, doon lang ako nakihalubilo sa lahat.

"Oh, Klare, hindi ka ata sumunod?" Nagtaas ng kilay si Erin sa akin.

Umiling ako, "Too tired."

Nahagip ko ang mga mala pusang mata ni Claudette na agad niyang tinanggal sa akin. Nagligpit siya ng gamit sa gilid ko. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya sa gilid ng aking mga mata.

"Where's Elijah?" Bulong niya habang nagliligpit nang di tumitingin sakin.

"Dunno."

"Oh, there he is." Bigla niyang sinabi nang nag angat siya ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ko at nagtama agad ang paningin namin ni Elijah. Nakapamaywang siya habang kausap si Josiah at Azi na parehong tumatawa. Kunot ang kanyang noo nang tiningnan ako. Dug-dug. Ayan na naman ang hataw ng puso ko. Bumaling agad ako sa bag kong pinulot ko na at nilagay sa balikat. We need to go. I want to go home and just end this. I can't stand seeing him this much in a day.

Siniko agad ako ni Hannah habang naglalakad kami pabalik sa bangka.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!