For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

TAL. 21 -- Family

Chanel's POV

Ang weird ng feeling. Bakit ba ganito? Parang may nagmamasid sa akin?

Tumunghay akong muli, tumingin sa paligid ngunit parang wala namang kakaiba. Lahat naman sila may kanya-kanyang ginagawa. Doon sa kabilang lamesa, busy ang mga kabataan na nagkukulitan habang ang iba ay may kanya-kanyang hawak na gadget at iyon ang pinagkakaabalahan. Sa kabilang lamesa naman, nag iisa lang ang babaeng nakaupo at tahimik na iniinom ang kanyang kape.

Hay, ano ba itong pakiramdam na ito? Para talagang may nanonood sa bawat kilos ko. Totoo ba ito o baka naman tamang hinala lang ako?

Nagkibit balikat na lang ako at muling ipinagpatuloy ang pagkain ko ng crepe.

Eto na naman yung pakiramdam na ito. Talagang may nagmamasid sa akin eh!

Kaya muling gumala ang paningin ko sa paligid hanggang mapadako ang tingin ko sa second floor. Open kasi ang bandang itaas nitong coffee shop at makikita mo ang umookupa sa ilang lamesa sa taas.

Nagtama ang paningin namin ng isang lalaki.

Ang lalaking kinamumuhian ng kapatid kong si Cassandra, ang nag iisang si Leandro Aragon.

Dagli akong nag iwas ng tingin at muling patay malisyang ipinagpatuloy ang pagkain. Why is he staring at me? Ah, hindi ko din nga pala kailangang kalimutan na sya ay ama ko rin. Sya ang nag-uugnay sa amin ng kapatid kong si Cassandra.

Pasimple akong sumulyap muli sa kinaroroonan ni Leandro at napahinga ako ng maluwag na makitang wala na sya doon. Kaya pala nawala na din ang pakiramdam kong nakababalisa.

Dinampot ko na lang ang isang magazine at prente na sanang magbabasa nang matigilan ako sa isang mahinang pagtikhim sa bandang likuran ko. At sa muling pagtunghay ko, muling nagkatinginan kami ni Leandro. "Mind if I join you, young lady?" tipid nya akong nginitian.

Kabado man dahil iniisip ko kung bakit nya ako nilapitan, tumayo na lang ako at iminuwestra ang kaharap kong bakanteng upuan. "M-maupo ka."

Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Wala naman sa loob na nilaro-laro ko na lang gamit ang tinidor ang kaninang kinakain kong crepe. "Kamusta ka? Kamusta kayo ni Cassandra?"

"U-uhm, we're fine." tipid ko lang na sagot na nanatiling nakatingin sa platong nasa harapan ko. Hindi ko magawang matingnan sya ng matagal, hindi kasi ako katulad ni Cassandra na matapang pagdating sa ama namin. Oo at may kinikimkim rin akong sama ng loob para sa kanya, dahil unang-una, katulad ni Cassandra, ang lalaking ito rin ang dahilan kung bakit namin dinanas ng ina ko ang mga nangyari sa amin noon. Kung hindi dahil sa kanya, at sa kanyang sumunod na asawa, hindi kami maghihirap sa Korea. Hindi ko kinakailangang magtrabaho sa isang film company at gumawa ng mga nakakadiring bagay para lang mabuhay kaming mag-ina.

Hindi ko namalayang napapadiin na pala ang pagdukdok ko sa crepe na ngayon ay hindi mo na maiisip na isang matamis at napakasarap na pagkain pala kanina. It looks horrible now, just like what I have been when I was in Korea. Pinanatili ko ang pagkatungo ko at pumikit ng mariin upang mapigilan ko ang nakaambang pagtulo ng mga luha sa akin. Siguro iisipin nilang lahat na I am okay, but the truth is, I am not. Maalala ko lang ang mga pinagdaanan ko noon, masasabi kong napakaswerte ng ibang babae kumpara sa kalagayan ko. Kung sila, ang problem lang nila ay kung anong shade ng lipstick ang ilalagay sa araw na iyon, o kung anong mas babagay na sapatos sa kasuotan nila, o kung paano tatanggihan ang mga pagkaing nasa harapan nila dahil diyeta raw sila. Walang-wala 'yan sa mga naranasan ko noon.

Totoo ngang kung wala kang tibay ng loob sa bawat pagsubok na ibinibigay sa atin, mapapag-iwanan kang nakalugmok lang. Maiiwan kang talunan ng mismong kapalaran mo.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!