Chapter 6: Dance with the Gangsters (Part 2)

"SUMMER!!!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita sina Jamie na papalapit sa direksyon ko. Kasama pa rin nila yung Freshman.

"Okay ka lang ba? Hinila na kasi kami ni Tyler palabas nung nagkagulo, eh," tanong ni Jamie na nag-aalala. Uh, wala namang dahilan para mag-alala sila at hindi rin iyon ang kailangan ko.

"I'm not bleeding to death so that means I'm fine," sagot ko. Ini-stretch ko ang ankles ng paa ko. Gawd! Hindi talaga ako tumatagal sa heeled shoes. I mean, I can endure it but I don't have the patience.

"Summer... that Jin... Is he your boyfriend?" Nagba-blush na tanong ni Tyler. Tumungo siya sa lupa nang tingnan ko siya nang masama.

"Ano bang sinasabi mo, Tyler?" Tanong ni Mirden na tila amused sa reaction ni Tyler.

"No," tipid kong sagot na ikinaliwanag naman ng mukha niya. Okay, so ano bang problema ng weird na ito?

"T-talaga? K-kasi... ah..." He stuttered and I cut him off.

"Alam mo ba kung saan ang kwarto ni Van sa boy's dorm? Meron bang daan para makarating doon nang hindi dumadaan sa normal na daan at walang nakakapansin?" Tanong ko. Well, kailangan kong makuha ang phone ko... sa marahas na paraan kung kinakailangan dahil mukhang hindi ko iyon makukuha sa normal na paraan.

“Bakit parang may nararamdaman akong hindi maganda?” Sambit ni Jamie. Tumingin sila sa akin na tila nababaliw na ako subalit hindi ko na lang iyon pinansin.

“Summer, balak mo bang gawin ang iniisip kong binabalak mo?” Tanong ni Tyler na tila hindi makapaniwala sa akin.

“Sasabihin mo ba sa akin o kailangan pang saktan kita?” Banta ko sa kanya.

“Pero, Summer, delikado iyon. Sa tingin ko isang slaughter house ang papasukin mo! Baka hindi ka makalabas nang buhay!” Sabi ni Mirden

“Bakit gusto mong magbuwis ng buhay? Baka maabutan ka ng curfew,” wika ni Jamie. Huminga ako nang malalim. There’s really no sense telling them but I don’t want them nudging me on about stuffs.

“That jerk's got my phone! At kailangan ko iyong makuha! Now, Tyler? Masyadong manipis ang pasensya ko.” At sinamaan ko ang pa tingin sa kawawang freshman. Ayoko sanang mang-bully pero…

“Sa likod. May balcony ang room niya… kasama niya doon si Kuya Makki. Sa left side ng second floor sila, sa right side naman ang mga taga-Dark Monarch. May puno sa mismong harap ng balcony. Kaya mo bang umakyat ng puno?” Tanong ni Tyler. Easy-peasy! Kayang-kaya kahit 6-inches pa ang heels na gamit ko. Oh, that was ridiculous already. Sa tingin ko 3-inches lang ang sandals ko. At pwede ko naman itong tanggalin.

“Yeah. Let’s go,” sagot ko at hinila na siya sa braso palabas. We ran down the stairs while Jamie and Mirden are hot on our heels. Nang makalabas na kami ng building, tinaboy ko na palayo ang dalawang roommates ko. Kung gusto kong maging super spy, baka maging sagabal lang sila. Tahimik kaming nag-jog sa likod ng boy’s dorm. 10:00 pm sabi sa relo ko at nasa tapat na ako ng puno.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!