[05] Damsel in Distress

179K 7.5K 2.6K
                                                  

MAVIEL

FIRST DAY, first case! And I was not looking forward to it.

Naunang bumaba ng hagdan ang energetic na si Sigmund. I could feel the excitement in his aura na para bang atat na atat na siyang i-solve ang kaso. Noong una'y parang wala siyang interes na makinig sa problema ng hotel manager. Ngayong naipaliwanag na ang lahat, doon na siya nagkaroon ng sigla.

"Landice, man the cash register while I'm away. Nikolai, continue doing your work." Ni hindi man siya huminto habang inuutusan ang mga workmate namin. The two men did not complain when he walked straight out of the cafe, so they had no issues with it, I guess? Kahit labag sa loob ko, sumunod ako sa kanya.

Ganito ba talaga rito? Kapag naisipan niyang lumabas para lumutas ng kaso, basta-basta niya iiwan ang kanyang pwesto? Counted ba sa work hours namin ito? Well, siya naman ang assistant manager kaya hindi siguro magkakaproblema sa timekeeping ko.

"Should we call a taxi or—"

"I can drive you to the hotel," hirit ni Joaquin sabay lapit sa kulay gray na Mitsubishi na naka-park sa labas.

Umupo kaming dalawa ni Sigmund sa backseat ng kotse at hinayaan ang hotel manager na i-drive kami patungo sa destinasyon. Nang mapayuko ang aking ulo at magawi ang tingin sa vest ko, may biglang sumagi sa aking isipan.

"Pupunta tayo sa hotel na ganito ang suot natin?" tanong ko. Oo, magandang tingnan ang uniform namin, but I don't think it was appropriate for our investigation. Nahihirapan nga akong maglakad dahil sa suot kong heels.

"What's the problem?" tanong ni Sigmund. He was comfortably seated, enjoying the view outside the car. "We can use our work uniform as disguise. Pwede nating sabihin na nagde-deliver tayo ng tea sa unit nila so we can have access inside."

Sumandal ako sa leather seat at ipinagkrus ang aking mga braso. I never thought that I would get involved in solving a case. Naalala ko ang mga napanood kong detective series. Ang buong akala ko'y sa TV lang 'yon nangyayari, maging sa totoong buhay pala pwede. Mabuti nga't hindi murder ang ini-refer sa amin. That would be too much for my first case.

Sigmund leaned toward the driver's seat and pointed at the convenience store on the roadside. "Ah, excuse me! Pwede ba tayong mag-stopover diyan?"

Ipinarada ni Joaquin ang kotse sa tapat ng establishment. Sigmund quickly got out of the car and entered the convenience store. We waited for about five minutes until he returned. Pagbalik niya, may dala-dala siyang milk tea bottle — the same brand na iniinom niya noong magkita kami sa OSAFA.

"You love milk tea, don't you?" tanong ko nang isara niya ang car door.

He twisted the cap and showed it to my face. "Yup! This drink increases my deduction prowess by thirty percent. You should try it sometimes. Baka tumalab din sa 'yo."

"Is that scientifically proven?" may pagdududa kong tanong. Kung totoo man ang sinabi niya, I would buy many bottled milk tea para makatulong sa mga ganitong activity namin.

"Nope! Gawa-gawa ko lang. Placebo effect. I make myself believe that I become smarter by drinking this milk tea. And it works!"

I rolled my eyes. If he was already smart, there was no need for him to buy that drink.

Ipinagtuloy ni Joaquin ang pagda-drive hanggang sa marating namin ang pinagtatrabauhan niyang hotel. Nauna na kaming lumabas ni Sigmund habang ipina-park ng manager ang kotse. Pagpasok sa loob, bumati sa amin ang mga nakangiting mukha ng receptionist at bellboy pati na ang malamig na hangin mula sa aircon.

"Good evening, ma'am and sir! How may I help you?" tanong ng receptionist na tiningnan kami mula ulo hanggang paa. Baka isipin niya na nagko-cosplay kami ng kasama ko.

MORIARTEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon