"Trace napaka mo talaga, ayos naman ang damit ni Leigh ahh." Kita mo buti pa tong si Jayden na aapriciate yung damit ko.

"naiinitan yan si Leigh kaya ganyan" napalingon kami kay Jayson ng magsalita ito. Wala na din ang headset na nasa tenga nya at nakatingin nalang sya ngayon sa clearance form na hawak nya.

"Ayy ohhh buhay ka pa palang inamers ka? Akala ko magdamag ka na jan sa kakaheadbang mo ee" biro ko

"Tss Leigh bunganga mo" ani Jayson sabay turo ng nguso kay Trace na masama na pala ang tingin sa kin.

Nagpeace sign nalang ako para hindi na humaba pa. Aware naman silang hindi sanay makarinig ng pagmumura si Trace. Magkakaibigan na kami since Highshool, at parehas na nag enrol sa isang unibersidad. Maging ang kurso na kinuha namin ay parehas din.

"Bakit andito kayo? Akala magpapapirma tayo ng clearance?" tanong ko sakanila. And speaking of clearance tinignan ko si Carlyn at tinanong kung nasaan ang clearance ko. Sa kanya ko kasi huling pinatago. Dahil nga aminado naman akong may pagka burara ako sa gamit.

"Carl yung clearance ko nasa iyo diba?"

"yup, may pirma na din yung iba jan. Mag Organization nga lang yun , Yung para sa mga teachers, mamaya pa daw mga after lunch, sabay sabay daw para isahan nalang. Nagulat nga ako sayo bakit ang aga mo ee." Saad nya bago umayos ng upo at lumapit samin.

"May isa kasing eng eng na naligaw sa bahay kanina. Ang aga akong binulabog, sabi pa kagabi dapat daw maaga akong magising, kainaman after lunch pa pala pipirma ang mga teachers tss." Parinig ko kay Trace.

"parang alam ko na kung sino yun hahah, ikaw ba yung pareng Trace?" pambubuska ni Jayden. Na tanging tss lang ang nakuha sagot mula kay Trace.

"Nga pala Leigh kagabi hinahanap ka namin, pero bigla kang nawala? Don't tell me may nabiktima ka nanaman?" ani Arj na mukang naalala ang pag iwan ko sa kanila kagabi.

"oo umalis ako kasi may nakita akong hot na boylet..kaya lang iniwan ko din"

"Bakit? Maliit ba Leigh?, hindi ba magaling? O baka nam-"

"Tigilan nyo nga yang ganyang topic Kayliegh at Jayden tss" sansala sa amin ni Trace. Conversative as ever.

I rolled my eyes as an answers. "tara na nga muna sa canteen nagugutom ako, " tumayo na ako at naglakad palabas ng room ng may maalala ako.

"Nga pala Trace malala ko diba manlilibre ka?" I said with a naughty smile form on my lips.

"manlilibre ka pre?"

"Dadamihan kuna ba order ko?"

"Yess"

Kanya kanya silang usal hahaaha, Pero asa kayong ilbire kayo ni Trace haha.

"Bakit may sinabi ba akong kasama kayo?, si Leigh lang ang sinabihan ko." Hahaha nice one Trace sabi na ee umiiral ang kakuriputan ng isang to haha.

"ang duga mo naman pre. Pansin ko si Leigh lang lagi mong nililibre, nakakahalata na kami nyan ha" as usuall ang dakilang paepal na si Jayden nakisingit nanaman.

"Tsk oo na pati na kayo kasama" nagsigawan naman ang mga kasama namin na parang akala mo big deal ang panlilibre ni Trace . Hmmm sabagay madalang nga manlibre to pag dating sa kanila, pag sakin hindi haha. Tsaka nakantyawan kasi kaya ganyan haha.

"Lika na gutom na ako" aya ko sakanila at naguna sa pagpunta sa canteen.

Pagpasok namin kaagad na pumila kami sa counter. Since hindi naman ganun kalakihan ang canteen na meron kami, kailangang self service. Pero sapat naman para ma accommodate ang madaming estudyante.

"Anong gusto mo bff?"

"ayy king ina mo!" gulat na usal ko. Sinamaan nya ko kagad ng tingin kaya ngumiti nalang ako kahit alanganin.

"Bakit kaba kasi nangugulat?"

"luh? Bumulong lang ako nagulat kana?"

"Oo na lang Trace tsssk"

"Woi anong oo yan ha? yeiiii ikaw Trace ha may gusto ka kay Leigh?" singit ni Arj na sinundan naman ng mga panunuksong tinig nila Carlyn at Jayden.

"Woi umayus nga kayo Bff ko yang si Leigh" aray ko po, alam kong BFF tayo Trace no need to shout it in my face. Nakaramdam ako ng sakit pero hindi ko pinahalata. Bagkus sinuklian ko nalang sila ng ngisi. Na akala mo nang aasar .

"Tumigil na nga kayo , ano bang order nyo? Kami na ni Jayden at Jayson ang oorder humanap na kayo ng mauupuan." Ani Trace. Pero ang mga baliw kong kaibigan hindi pa din tumitigil sa pang asar kaya ako na ang humila kay Carlyn at Arj.

Nang makahanap na kami ng pwesto, kaagad naming inilagay ang mga shoulder bag namin sa ibabaw ng lamesa bago naupo.

"Woi babae anong meron sa inyo ni Trace?" kita mo tong si Carlyn ayan kaagad ang tanong.

"Oo nga anong meron?" segunda naman ni Arj

"kayong dalawa nga tigil tigilan nyo ko ha" kunwaring napipika kong sagot sa kanila

"Awtsu samin kapa ng lihim Leigh?" sinamaan ko sila ng tingin. Ayokong may malaman ang dalwang to pagdating sa nararamdaman ko kay Trace. Dakilang tsismosa tong mga to ee. Kaya pinipigilan ko nalang. Mahirap na magkailangan pa kami. Aantayin ko nalang na kusa din syang magkagusto sakin. Yun ee kung darating nga ba ang time na iyon.

"Nga pala Leigh anong nangyari kagabi dun sa boylet na sinasabi mo? Bakit mo iniwan?" usisa ni Arj

"Wala ee sayang nga ang hot pa naman tska inamers girls ang laki at ang haba" ani ko na tila inaalala ang buddy na natikman ko kagabi.

"Oh ee bakit iniwan mo kamo?" usisa ni Arj.

Nalukot ang muka ko bago ko pinapatuloy ang pag k-kwento.

"Kasi naman girls may jowa si kuyang. Alam nyo yung andun na ee malapit na kami sa eksenang intense tapos nakita ko sa tapat ng pinto ng bahay nya may babaeng nakaupo mukang hinihintay si kuyang . Alam nyo naman ako diba? Kilala nyo ko , kapag may karelasyon ayaw ko " pagk-kwento bago tinanaw ang mga kaibigan namin lalaki na nag haharutan sa tapat ng cashier.

"Hmmm oo nga ugali mo nga yan , pero woi ikaw ha mag iingat ka sa ginagawa mo. Hindi porket payag kami ee sige ka ng sige." Paalala ni Carlyn.

Napatango nalang ako bilang sagot at binigyan sila ng ngiti. Open ako sa kanila same din sila sa amin. Sa samahan kasi na meron kami ayaw naming naglilihiman. Pero mukang yung nararamadaman ko kay Trace kailangan kong ilihim. Pero wag kayo Virgin pa ang mga yan. Sa aming tatlo ako lang talaga ang nakapag swipe na ng V card.

Ilang saglit pa'y nakita na namin sila Trace na papalapit sa pwesto namin , kaya ibinaba na namin ang aming mga gamit.

"Eto na mga magagandang binibini ang inyong pagkain." Ani Jayden. Sa aming magkakaibigan si Jayden talaga ang maputak, daig pang babae ee.

"mamats Trace" si Arj

"salamuch" si Carlyn

"Thanks Pre" magkasabay namang usal nila Jayson at Jayden

Napatingin sakin silang lahat ng hindi man lang ako nagpasalamat.

"What? May problema ba?" tanong ko sa kanila habang nagpupunas ng bibig gamit ang tissue.

"Hanep hindi ka man lang magpapasalamat Leigh?" ani Trace pffttt grabe hindi naman eto ang unang beses na hindi ako nagpasalamat sa kanya sa panlilibre .

"Nahhh iba ang way ko sa pagsabi ng pasasalamat" usal ko nang may mapanglarong ngiti sa aking mga labi. Nang aasar lang ako Trace haha.

"hahahaahaha nagsisimula ka nanaman Kayleigh haha" nagsitawan nalang sila sa sinabi ko. Samantalang si Trace ee namumula at animo'y nahihiya. Nako ka Trace wag mo kong pakitaan ng ganyan baka isipin kong naapektohan ka na nga talaga sa kin.

Iiling iling na pinagpatuloy namin ang aming pagkain.




♥♥♥

Taking his InnocenceOnde histórias criam vida. Descubra agora