Part 2

8.1K 192 23
                                    

CT on media

CT

"Mama punta na po ako!" Paalam ko kay mama habang papababa ako ng hagdanan.

"Nabigyan ka na ba ng pera ni papa mo?" Sigaw niya mula sa kusina

"Oho!"

"Good luck sa exam." Napangiti ako sa sinabi ni kapateed, nakaupo sya sa sofa at nagkakape. Tipong akala mo balewala lang pagkakasabi nyan pero i know sincere 'yan.

"Ako pa ba." Sagot ko na akala mo napakadali lang ang exam.

"Di ka pa ba aalis? Baka ma late ka." Paalala niya saka siya nag tungo sa kusina dala 'yung tasa nya.

"Oo na, aalis nako wag atat." Sagot ko

Alam kong wala na itong balak sumagot pa kaya umalis na din ako.

Nag intay lang ako ng tricycle na dumadaan sa may gate, sa labas pa kasi may nadaraan na jeep. Mabuti na lang at meron na din agad dumaang tricycle. Maaga pa kaya hindi ako masyadong nagmamadali.

Sakay-sakay na ako ng jeep at nakatingin ako ay sa gilid ng kalsada. Agad napakunot ang noo ko nong may mapansin ako doon sa isang babae at lalaki, feeling ko talaga may mali sa kanila.

Walang atubili na nagpara ako dahil don sa nakita ko. Pagbaba ko pinagmasdan ko ng husto 'yung dalwa na nasa kabilang kalsada, doon ko napansin na may nakatutok na matulis na bagay sa likuran ng babae.


Oh my God! She need help! Nagpalinga-linga ako sa paligid at walang masyadong tao dahil nasa hanay kami ng mga malalaking pagawaan at pabrika. Hindi naman ako pwede mamara ng mga dumadaang sasakyan para humingi ng tulong.

Kinakabahan man pero mas pinili ko na sundan 'yung dalwa, agad ko na din inihanda 'yung DIY pepper spray na lagi lang nasa bulsa ko.

Lumiko sila sa may isang eskinita kung saan doon pa sa may building na halatang walang tao. May nakapaskil kasi na for sale 'yung building.

Mabilis akong tumawid sa kalsada at dahan-dahang sumilip sa kinaroroonan nila.

"Anong pin nito? Ibigay mo bilis bago pa kita masaktan." Pag babanta nong lalaki at nanlaki mga mata ko ng makita ang hawan nyang balisong.

Agad akong tumago nong mapansin ko na titingin sya sa paligid, para siguro tingnan kung may tao ba.

"Ano?! Sigaw ng lalaki at halos mataranta 'yung babae "Pin ng lahat nito." Saka itinaas ni kuya 'yung mga atm kasama ng cellphone.

Kinakabahan man pero may nangangailangan ng tulong. Sana lang talaga kaya kong mag kage bunshin technique o rasengan, para isang bira lang kay manong holdaper tumba agad.

Gusto ko muli tampalin ang sarili ko dahil 'yun pa iniisip ko ngayon. Kahit ako natatakot pero para san pa 'yung palaging sinasabi ni Naruto na never lose hope kung pati ako ay matatakot.

Iniintay ko na tumingin sa gawi ko 'yung babae para masensyasan ko sana, kaso l tanging kay kuyang magnanakaw at sa balisong lang nakatuon ang tingin nya. Halata na din ang takot sa kanya.

Oh God kayo na po bahala sakin, samin. Gusto ko lang po tumulong. Usal ko sa aking isipan habang dahan-dahan akong lumalapit sa kinaroroonan ng dalwa.

"Hoy!" Agaw pansin ko kay kuyang magnanakaw para sa pagharap nya ay masapol sa kanya lahat ng iispray ko.

At nong saktong papaharap nya sya ay agad ko inispray ng todo sa mukha nya ang pepper spray.

Alexa West a.k.a SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon