WINTER’S POV

Ang natatandaan ko nalang ay sumakit ang puson ko. At dinala ako ni Lucifer sa ospital.

Nakatulala ako at dumating ang doktor.

“Doc? Na-save ba ang bata?”- ako.

Isang buntong-hininga ang isinagot ng doktor.

“Nagkaroon ng komplikasyon, dahil siguro sa sobrang galit at stress mo kanina.”- sagot ng doktor.

Dumating si Mama, kasama si Father.

“Anak.”- Father.

“Oo o hindi. Na-save niyo ba ang anak ko?”- ako.

“I’m sorry, Mrs. Ferrer. Hindi namin na-save ang anak niyo. I’m sorry for your loss.”- anito at umalis na.

Napaiyak ako at ‘di ko napigilang magwala sa galit.

Tinanggal ko ang karayom sa kamay ko at pinaghahagis ang mga bagay na nahahagip ng aking kamay.

“Papatayin ko sila! Magbabayad sila sa ginawa nila sakin!”- ako at napaupo sa gilid ng kama.

Si Mama naman ay dinaluhan ako at niyakap ako.

“Anak, tama na. Makakasama sayo ito. Kailangan mo magpagaling.”- si Mama.

“Ang anak ko, Ma. Mama! Ang anak ko.”- ako na napahagulgol.

PHOEBEE’S POV

Nanlanta ako nang malaman ko ang pagkawala ng magiging pamangkin ko ulit kay Winter.

“Anong nangyari?”- ako.

Inabot ni Uno sa akin ang mga litratong hawak niya.

“Fvck! Sana pinatay ko na siya noon pa!”- ako at inihagis ang mga litrato.

*Phone rings*

“Hello?”

“Nasa ospital ako, Phoebee. Di na kita dinaanan dyan sa bahay dahil nag-aalala ako kay Winter. Sumunod ka na dito.”- si Skylaer na ibinaba agad ang tawag.

“Kuya, pupunta na ako sa ospital.”

“Sabay na tayo.”

Dumaretso agad kami sa ospital at naabutan namin na nagwawala si Winter.

Pumasok agad ako sa kwarto at inawat siya.

“Winter. Tama na, please. I’m sorry.”- ako.

Umiyak siya at nagpakawala ng isang malalim na paghinga.

“Nanalo siya. Braxton might be very happy now.”- siya at kumuyom ang kamay.

“Ilabas niyo na ako dito.”- siya at lalabas sana pero humarang si Sir D’mitri.

“Stay here, sweetheart. Wala na tayong magagawa. Kahit patayin mo si Tiffani Braxton ngayon, ‘di mo maibabalik ang bata. Magpahinga ka na muna. Sundin mo ako.”- anito.

Biglang dumating si Kuya Aemillus.

Sinugod agad siya ni Winter ng sampal at malalakas na suntok.

“Walanghiya ka! Bakit ka pa nagpakita?! Alam mo bang nawala ang anak ko ng dahil sayo?! Hinding-hindi kita mapapatawad!”- si Winter habang sinusuntok ang dibdib ni Kuya.

Si Kuya naman ay naluluhang tinatanggap ang suntok ni Winter at niyakap ito.

“I’m sorry, hon. Sorry.”- si Kuya.

“Sorry? Di mo maibabalik ang anak ko! Wag ka ng magpapakita sakin. Ayoko na!”- si Winter at tinulak si kuya.

“Pagbalik ko, ipapakita ko sayo na hindi kita niloko, hon. I can’t do that to you. Akala mo, ikaw lang ang nasasaktan sa nangyari, pero mas ako. I am hurting inside! Dahil anak ko rin yon.”- si kuya na tumalikod na at umalis.

Si Winter naman ay umiiyak pa rin.

“Winter, magpahinga ka na muna.”- si Skylaer at niyakap si Winter.

Maya-maya ay napatulog si Winter.

May kirot akong nararamdaman, dahil masakit pala. Kahit hindi sa akin nangyari, nararamdaaman ko ang sakit na dinaranas ni Winter. Ang sakit. Sobrang sakit.

AUTHOR:

Ang sakit, readers. </3
Ganon rin ba ang nararamdaman niyo? :(

@ocrusacirhe

The Mafia Heir's Nerd WifeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!