Hahaha! Adik nung bago ah!

Di makapasok sa bahay niya,

warrior na ba siya agad?

Open sesame daw! Lakas ng topak!

tch! eh di ko alam kung paano eh!

lumapit ako sa bahay at sinipa ang pader nito, ! pero bigla nalang lumusot ang paa ko dun! Hala! kinakain ako ng bahay!

"Hala! Tulong!! Kinakain ako ng bahay! Tulungan niyo ako!" paghihingi ko ng tulong sa mga nadaang tao pero tinitingnan lang nila ako na para akong baliw. Eh kinakain ako ng bahay ko eh! Hindi pa ako handang mamatay! Kung mamamatay man ako ay gusto ko sa isang marangal na paraan! Hindi yung dahil kinain ako ng bahay! siguro magfa-flash yan sa balita,

Headline! : Isang panget na Nerd! Kinain ng sariling bahay!

kapag naiisip ko yan ay mas lalong hindi ko ginusto ang mamatay, mamatay na nga ako dahil sa pagkain ng bahay saakin, may kahihiyan pa dahil panget pa ako! Putek! para namang Monster house ang theme ng bahay na ito, baka magaya ako dun sa mga tao na kinain nung bahay sa cartoon na iyon >_<

"Pusha! Wala bang tutulong saakin? Tulungan niyo ako!" pagsisigaw ko,

lumapit naman ang tao sa kalapit kong bahay dahil siguro ay hindi niya na kinaya ang kabaliwan ko,

"Uhm, hindi ka kinakain ng bahay mo, sadyang kaya mo lang pumasok kasi ikaw ang nagmamay-ari niyan kahit na walang susi," sabi niya, teka ang liit niya naman,

"Base on the way you look at me, Yes, I'm still a child and don't you dare judge me just because i'm little" sabi nung bata, siguro nasa 11 or 12 pa to, Wow! dumugo ang ilong ko diyan, pero joke lang, naiintindihan ko naman, kelan na kaya siya dito?

"I just came here yesterday," hala, nabasa niya ang iniisip ko, siguro ang kapangyarihan niya ay ang bumasa ng isip,

"I can't read minds, i could just simply tell it by your expressions" sabi niya at umalis na tsaka pumasok sa bahay niya,

sinubukan kong pasukin ang bahay ko, dahan-dahan lang, dahil baka kung ano ang mangyari saakin,

"Just get in already! You look like a fool slowly entering your house! it's irritating!" sabi ulit ng bata at tinulak ako, kaya naman ay mabilis akong napasok sa bahay ko, hinimas-himas ko pa ang ulo ko kasi nadapa ako sa carpeted na bahay, tsk! sakit ah!

Pero napanganga ako, Wow! just wow! ang ganda ng bahay! may chandelier pa sa loob! Shucks! Parang naintimidate ako ng bahay kasi ang linis-linis at feeling ko ang dumi-dumi ko dahil kumikintab pa talaga ang sahig, Parang nahiya tuloy akong tumapak dito, pero akin tong bahay eh kaya enjoy!

binuksan ko ang isang pintuan at duon ay tumambad saakin ang isang king size bed na may piano sa gilid,  Nice! pumunta rin ako sa kusina, bumungad naman saakin ang mga well-aranged na kagamitan, pagbukas ko naman sa ref ay puno ito ng mga pagkain, may cake, meron ding chocolates at marami pang iba, wow! this is paradise!

Naisipan kong lumabas muna, naglakad na ako papunta sa pinto, eto na  wag kang oa sky! nagmumukha kang bakla!

Nilabas ko muna ang kamay ko at sinunod ko ang ulo ko, sunod ay ang aking buong katawan, paglabas ko ay di parin talaga ako nagsasawang tingnan ang mga paligid, pero teka! Asan ang Hound Breed ko?!

Hinanap ko ito sa paligid ng bahay, sa may halamanan at sa may mini pool nito, ngayon ko nga lang nakita eh,
Hinanap ko rin ito sa kalapit na mga bahay,

at nakita ko naman itong nakikipaglaro sa isang malaki nang Hound breed, wow ang lakas ng presensya nung hound, nilapitan ko sila at nakita ko naman ang pagdilim ng aura ng hound na malaki,

Lumapit naman saakin ang Hound ko at gumaan ang presensya sa paligid, makapangyarihan ang hound na yun, pinet ko ang ulo nung hound na malaki, at nagustuhan naman nito ang ginawa ko,

makalipas ang ilang minutong pakikipaglaro sa hound breed na yun ay naglakad na kami palayo ng hound ko dahil gabi na rin,

Ang tahimik naman dito, at alam mo talagang sariwa ang hangin, hindi kagaya sa city nuon na kalat ang polusyon, kaya nilanghap ko ito.

napaisip naman ako, pano na sila mama at papa? nag-aalala na siguro sila saakin, may nag-aalala kaya saakin sa steins? Si Sophie kaya kamusta na, inaalagaan kaya siya ni Eren? kahit naman na sinaktan niya ako ay di parin mawawala ang nararamdaman ko para sakanya,

Nabalik ako sa realidad ng naramdaman kong nakapasok na ako sa bahay, pinapasok ko na rin ang Hound breed ko, nagugutom na ako, kaya nagluto nalang ako ng bacon at binigyan ng pagkain ang aking hound, nagulat nga ako eh kasi may pagkain para sa mga hound dito, kumpleto na nga ata talaga ang mga kagamitan sa bahay na ito.

Kumain na ako, at kumain na rin ang hound ko, winawagayway pa nito ang buntot nito habang kumakain eh, napangiti nalamang ako sa nakita ko,

pagkatapos kong kumain ay naligo na ako, meron na talagang stock ng sabon at shampoo dito, kaya naligo na agad ako, para naman bumagay ako sa bahay na ito,

Pagkatapos kong maligo ay nagbijis na ako gamit ang mga damit na nasa walk in closet dito, ayos na to, natulog na ako at tumabi naman ang hound ko saakin.

----------------------------------------------------------

A/N
ang kame ng chapter na ito -_- pero thanks for reading! sana nagustuhan niyo!

The Fourth ElementalistDonde viven las historias. Descúbrelo ahora