"Sky! U-uhm ano..."

salita niya na nag ii-stutter pa,

"Ano sophie?! Na hindi ikaw yan!?" tanong ko at naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha papunta sa pisngi ko,

"Ano?! ipaliwanag mo?! at IKAW! PUTA KA ALAM MO?! KITA MONG MAY BOYFRIEND AND TAO NILALANDI MO PA! F*CK YOU!" sabi ko at dinuro-duro pa ito gamit ang hintuturo ko, at susuntukin ko na sana siya ng biglang humarang si Sophie sakanya,

"Bakit Sophie?! Huh?! magaling ba sya?! bakit ka nagpapalapit sakanya! ayan nilandi ka tuloy!" sabi ko na tumutulo parin ang luha ko, kita ko naman na pinagtitinginan na kami ng mga tao,

habang nakatingin ako kay Sophie ay bigla nalang akong napaupo sa lupa dahil sa isang malakas na suntok galing kay Eren,

"Gago ka rin! Hindi ako ang lumapit sakanya, siya ang lumapit saakin at matagal ka na naming niloloko! ginamit ka lang niya!" sabat saakin ni Eren, na ikinaluha ko pa lalo

"S-sorry Sky" sabi ni Sophie na nakayuko, pakiramdam ko ay tinusok ng isang daang kutsilyo ang puso ko sa sobrang sakit,

"ANO?! GANUN NALANG YUN!? PAGKATAPOS NG LAHAT NG GINAWA KO PARA SAYO! LAHAT LANG PALA YUN AY SA KADAHILANANG GINAGAMIT MO LANG AKO?! O ANO! NASAKTAN NA AKO! MASAYA KA NA!? LETCHE PALA YAN EH!" Sabi ko at naglakad na paalis, di pala ako naglakad, tumakbo na ako dahil sa nararamdaman ko, damn you all! rinig ko parin ang bulungan ng mga tao

Siya naman kase

kawawa naman siya

Didikit-dikit pa kasi kay Sophie

Di naman kasi sila bagay eh

ginamit lang pala siya

dahil di naman nagpapalabas ang guard ng ganitong oras ay isa lang ang naisip kong puntahan, ang Garden,

agad naman akong nagtungo dun, at pagdating na pagdating ko dun ay umupo ako sa tabi ng isang puno at sinandal ang likod ko dun habang umiiyak ng walang humpay, i know, it may sound gay pero kahit na sinong lalake ay mapapaiyak kapag nalaman na ginamit lang pala siya ng pinakamamahal na girlfriend,

sa kakaiyak ko ay nakatulog ako habang ang huling luha ay dumausdos pababa ng mukha ko.
----------------------------------------------------------------------

Iminulat ko ang aking mga mata dahil sa patak ng tubig sa aking mukha, napabangon agad ako ng mapansing gabi na pala,

Shi* at mukang uulan pa ata, wala pa akong payong kaya mabilis akong pumunta sa room at gaya ng inaasahan ko, wala ng tao, kinuha ko na ang bag ko at umalis na ako, wala na nga talagang estudyante, pagtingin ko sa relo ko, alas siyete na pala.

paglabas ko ng school ay naglakad na ako padiretso sa bahay.

habang naglalakad ako ay may nadaanan akong mga nag-iinuman sa isang tindahan, ng mapansin nila na nakatingin ako ay nag-iwas agad ako ng tingin at dali-daling naglakad palayo,

pero di pa ako nakakalayo ng bigla nalang akong hilahin pabalik ng isang lalake, agad naman akong tinutukan nito ng kutsilyo

"Bata, mukhang mayaman ka naman, amin nalang yang pera mo diyan" sabi ng isa sakanila, nasa tatlo sila, pero wala ako sa mood para matakot ngayon, wala na akong ibang choice, kinagat ko ang kamay nung nakatutok na kutsilyo sa leeg ko, dahilan para mabitawan niya ang kutsilyo,

dali dali ko namang sinipa patalikod ang lalake na humila saakin, akmang susuntukin na sana ako ng isa pero inilagan ko ito at sinuntok ko ito sa mukha, ayun dapa sa lupa, pero tumayo na ang sinipa ko kanina at akmang susuntukin ulit ako pero hinawakan ko ang kamay nito at pinilipit, nagdadaing ito sa sakin hanggang sa binitiwan ko na ito at tumakbo ito palayo,

"Walang mga kwenta" sabi ko sa nakadapang lalake at sinipa pa ito, pero agad-agad akong nakaramdam ng sakit sa likod ng ulo ko, F*ck, tatlo pala sila!

"Alam mo ang yabang mo rin no?!" sabi nito na nakangiti, at pinulot nito ang kutsilyo na nabitawan kanina ng lalake na nanutok saakin, fck! hindi ako makatayo sa sobrang sakit ng ulo ko kaya naman ay wala na akong nagawa kundi tignan ng masama ang lalake,

"Wag mo nga akong tingnan ng masama bata, kung binigay mo nalang sana ng hinihingi namin di ka sana malalagutan ng hininga ngayon" paliwanag nito saakin, eto na ba? bat ang malas ko naman, tinutok niya na ang kutsilyo sa katawan ko at kasabay nun ang pagbuhos ng ulan, ngumiti pa ito sa huling beses at akmang isasaksak na saakin ang kutsilyo,

"Mamatay ka sana" sabi ko sakanya at ngumisi lamang ito, pero wala pa sa limang segundo ay tinamaan ito ng kidlat, kitang kita ko ang pagliwanag ng buong katawan nito kasabay ang pangingisay nito,

matapos ang hindi mahigit sa dalawang segundo ay nakita kong abo na ito, dahil sa gulat at sakit, di ko na kinaya pa at nawalan na ako ng malay-------

--------------------------------------------------------------------------

A/N
Wow, napagod ako hahahaha!

picture of Sky Joshua Ramirez here.

picture of Sky Joshua Ramirez here

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Till next update everyone! 😁😁😁

The Fourth ElementalistWhere stories live. Discover now